Bianca's POV
7:30pm. Tinutulungan ngayon ni Coleen si Yumi na maghugas ng lahat ng pinagkainan namin. Ako ang pinaligpit sa ibang plato at nilapag ko na nga sa sink kung saan naghuhugas yung dalawa. Well, parang naglalaro lang naman sila kasi nagpupunasan lang sila ng sabon sa isa't isa tsk.
"Nagdadabog ka ba?." Kunot noong sabi sakin ni Yumi.
"Hindi. Mabigat lang kasi tong mga plato. Next time plastic nalang bilhin nyo." I sarcastically said.
"Saka ang sabi maghugas ng pinggan, hindi maglandian." Sabi ko pa at bumalik na sa sala.
..
Yumi's POV
Anong problema nun?. Kanina ang cold nya sakin tapos ngayon nagdadabog pa. Minsan talaga di ko siya maintindihan. Saka anong landian ba ang pinagsasabi niya?.
"Okay ka lang?." Tanong ni Coleen sakin. Tumango lang ako.
Tumingin ulit ako kay Bianca. Isa pang kinakatakot ko is pano kung kaya niya ko parang iniiwasan ngayon is baka alam nya na yung about sa feelings ko. Kaya after naming maghugas ni Coleen ay lumapit ako agad kay Mamitois at dinala siya sa gilid para kausapin,
"..gaga, di naman ako ganun no. Ba't ko naman sasabihin kay B yun?. T-teka, bakit mo nga pala natanong? May problema ba?." Sabi ni Mamitois.
"Eh kasi parang may galit siya sakin, kung di naman eh iniiwasan nya ko ngayon. Tingnan mo nga oh, simula nung dumating kayo rito ganyan na yan. Puro cellphone."
"Malay mo naman baka may problema lang sila ni Elmo."
"Kailangan ba talaga damay ako?."
"O baka naman may kasalanan ka."
"Eh wala nga akong matandaan na may ginawa ako na pwede nyang ikabwisit ng ganyan."
"Hmm baka busy siya kay Elmo tapos kinulit mo, naku girl di talaga siya natutuwa sa ganyan. Yoko nalang magshare kung pano nya inaway si Heart dahil lang ininterrupt nya yung conversation nung dalawa. Alam mo, intindihin mo nalang. Ilababu kasi." Yeah, in love sa iba. Di ko alam kung dapat bakong matuwa or magluksa. Haaayst.
Saka valid ba talagang rason yun?. I mean di lang naman kayo ang tao sa mundo no.
..
Bianca's POV
8pm andito parin sila.
They're playing charades na parang mga bata and they look like they're really having fun especially Yumi.
Andito naman ako sa gilid, magkatext kasi kami ni Elmo pero wala parin akong gana. Ba't ba kasi ako napapatingin kay Yumi?. Ba't para akong natatae na ewan?.
Saka kung makakapit sa kanya yung Coleen na yun parang tuko tsk. She's obviously flirting with Yumi at mukha namang ineenjoy nitong isa. Grabe, sarap dukutin ng mga mata mukhang tuwang tuwa pa.
Haaaaayst. I hate this. Yumi, ano ba tong ginagawa mo sakin?.
Nakalimutan ko palang tawagan si Elmo kaya ito tumatawag na. Sinagot ko naman to agad sabay punta sa kitchen para uminom ng tubig.
Elmo, hey--
Anong Elmo hey? Haha. Di ka na nagreply. Busy ka ba? Kasi--
N-nope. I-I'm just feeling weir--uhm I'm not feeling well.
What?. Uminom ka na ba ng gamot?.