"Can we join you Carmel?"

Napaangat ang tingin ko at agad na ngumiti nang nakita ko si Katty na may dalang tray at mukhang dito din kakain.

"Oo naman." Sagot ko at inusog ang mga pagkaing nasa mesa ko. Nandito ako ngayon sa Unli Wings at mag-isang kumain. Hindi kasi sumama si Led dahil may tatapusin pa daw siya. Palaging busy ang babaeng 'yon eh.

Akala ko si Katty lang ang uupo pero kasama niya pala si Bry at Kevin. The f*ck?!

"Sorry talaga Carmel, wala na kasing extra table kaya nakishare muna kami." Hinging tawad ni Katty sa'kin at umupo na.

"Naku, okay lang. Wala din naman akong kasamang kumain." Nakangiting sagot ko kahit gusto kong sabihin na hindi dapat kasali si Kevin.

Umupo si Bry at Katty sa tapat ko habang si Kevin naman ay sa tabi ko. Inilagay ko kaagad ang bag ko sa gitna naming dalawa. I saw him smirked while looking at my bag.

"Gusto mo 'yong bag ni Carmel, Vin? Kanina ka pa nakatitig diyan ah." Natatawang pang-aasar ni Bry kay Kevin.

"F*ck you Bry." Kevin said annoyingly and started preparing his foods. Napatingin ako sa pagkain niya at nakitang sobrang dami niyon. Pano niya kaya name-maintain ang ganda ng katawan niya? Hindi din kasi malaki ang tiyan niya.. siguro may abs--- tang*na! Kung ano na iniisip ko ah!

"No cussing please." Saad ni Katty at kaagad namang tumahimik ang dalawa at nagsimula na ding kumain.

"Hi Kevin. Pwede pa picture?"

Pati ako ay napaangat din ang tingin sa nagsalita. Nakita kong napaangat din ang tingin nila Katty at Bry don sa babae pero kaagad namang tumingin kay Kevin na parang hinihintay ang sagot ni Kevin.

"I'm still eating. Maybe after this one." Kevin said and smiled politely. Kaagad namang namula ang mukha ng babae at parang kinikilig na pumunta ulit sa table nila.

Nang bumalik sa'min ang tingin ni Kevin ay napa-smirk ito sa'kin. "You're jealous?" Tanong niya sa'kin na nakataas ang kilay.

"Huh? Sinasabi mo?" Gulat na tanong ko at sinamaan siya ng tingin. Natawa naman siya sa sagot ko at itinuloy ang pagkain. May nakakatawa ba sa sinagot ko?

"Di ka niya gusto bro." Nakangiting pang-aasar ni Bry.

"Oh?" Kevin then looked at me. "You don't like me?"

"I don't even know you." Sagot ko at inirapan siya para tumigil na siya kakausap sa'kin. Natawa naman ng malakas si Bry at si Katty naman, hindi alam kung tatawa o maawa kay Kevin. She's too good.

"Siyanga pala Carmel, I heard you're joining the volleyball team again. Napanood ko ang laro mo noon at idol kita." Saad ni Bry.

Nanlaki ang mata ko at bahagyang namula ang mukha sa sinabi ni Bry. Katty smiled at me too na parang ipinaparating niyang idol din niya ako. The f*ck?!

"Uh.. hindi pa naman sure na babalik ako sa paglalaro." Nahihiyang saad ko.

"Huh?! Bakit? Sayang naman!" Salubong ang kilay ni Bry nang napatingin ako sa kamya.

"Mas nagfo-focus ako sa academics eh. Tsaka walang modo ang taong nagpakalat ng balita na sasali ako ulit." Sagot ko at bahagyang ngumiti.

"You should join the team again Carmz, I know you'll do well but only if you want to." Katty said and smiled na parang hindi napansin ang panghuling sinabi ko. Ba't parang ang init bigla? Tang*na. Hindi ako sanay na pinupuri ako na harap-harapan talaga, nakakailang.

Nang natapos kumain sina Bry at Katty ay nauna na silang umalis, hindi ko din alam kung bakit, pero humingi ng humingi si Katty ng tawad na ikinatawa ko.

Took! Took!Where stories live. Discover now