"San ka pala nagtatrabaho Carmel?" Tanong sa'kin ni Ate Olive. Magkatabi silang nakaupo ni Kevin sa tapat ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Wala akong trabaho Ate."
Sinamaan niya kaagad ako ng tingin. "Ayaw mo lang sabihin eh." Sumimangot siya kaya napangiti ako. Nag-excuse muna siya sandali kaya naiwan kaming dalawa ni Kevin sa mesa.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko kay Kevin. Nilingon niya ako at napakunot ang noo.
"We're already talking."
Napakagat ako sa ibabang labi ko. "I mean.. privately? 'Yong---"
"Wala naman tayong pag-uusapan." Putol niya sa'kin. "At kung meron man, Olive should here it too."
Parang may tumusok sa puso ko sa sinabi niya at napayuko nalang para itago 'yon. Ilang beses ko pang kinagat ang ibabang labi ko para hindi ako maiyak. Tang*na ang sakit naman nito.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ko napakalma ang sarili ko. Ilang beses akong huminga ng malalim. Pinalobo ko ang kamay ko na para bang doon kumukuha ng lakas. "Kayo ba?" Matapang na tanong ko kahit alam ko na naman ang sagot doon. Gusto ko lang talagang makompirma na sila nga, para isang bagsakan lang ang sakit.
Gusto ko ding malaman kung pwede pa ba siyang maging akin. Gustong-gusto kong maibalik ang dating kami.. pero kung alam ko namang masasaktan ko si Ate Olive, umaatras ako. Ayokong makasakit ng iba.
Gusto kong makasigurado kung may babalikan pa ba ako o wala para mapalaya ko na din ang sarili ko sa kanya.
Seryoso niya akong tiningnan at tumango. Alam kong dumaan ang sakit sa buong pagkatao ko pero sinubukan ko pa ding ngumiti. "Ah.. congrats." Nakangiting sabi ko pero hindi ko maramdaman ang saya sa boses ko. I don't want to give him up pero ayokong saktan si Ate Olive. Kahit ako nalang kasi kasalanan ko din naman. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa nangyari satin noon. Kahit hindi mo ako patawarin o matagal mo ng kinalimutan ang nangyari noon, gusto ko pa ding humingi ng tawad sayo. Pasensya na talaga. I don't think Ate Olive should hear about our past so I'm saying sorry now dahil baka ito lang ang oras na magkausap tayo. Ayoko ding malaman ni Ate Olive ang nangyari satin noon. I'm happy for you though and I'm really sorry Kevin."
Hindi ko na hinintay si Ate Olive na bumalik at nagpaalam na. Agad akong pumunta sa Hotel at umiyak lang ng umiyak. Bakit ba kasi umasa pa ako.. ah nakapabobo ko talaga.. Malakas akong napahagulhol hanggang sa hindi ko na kinaya at nakatulog ako.
Hapon na nang magising ako pero parang wala akong kabuhay-buhay. Nagluto ako ng para panghapunan ko pero itinapon ko din kaagad dahil sa pangit ng lasa.
Pumunta ako sa may bintana at tinitigan kung gaano kaganda ang unti-unting pagbubukas ng mga ilaw. Somehow, it calmed me. Ang sarap sa pakiramdam na tinititigan lang sila..
Ilang oras pa akong nanatili doon hanggang sa humiga ulit ako.. Tapos na naman ang kasal ni Tamara.. pwede na siguro akong bumalik sa US no?
Pero kapag naiisip ko ang sinabi sa'kin ni Led kagabi.. parang gusto ko ng gawin 'yon para makabalik na ako sa US ng walang problema.. at mapalaya na din ang sarili ko sa kanya. Mahal na mahal ko pa din siya but I can't push myself to him.. may mahal na siyang iba. Matagal na din niyang kinalimutan ang nangyari samin..
Nang gabing 'yon, I gather all my courage para makausap si Mommy kinabukasan. Pero kahit ano palang paghahanda ang ginawa ko hinding-hindi ko pa din kayang gawin 'yon.
Nang magising ako kinabukasan, parang ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa plano kong bumisita kay Mommy. Kaya ko ba? Oo naman. Kakayanin ko 'to. Gusto ko na ding patawarin si Mommy sa ginawa niya at gusto kong humingi ng tawad sa kanya.
YOU ARE READING
Took! Took!
Teen FictionCarmel Kyntzy Lee did everything just to be accepted by her father. But she realizes that as time passes by, that no matter what she would do, her father can't and won't accept her. Then she met Kevin Villamor, a famous basketball player and a very...