"Ann! Kumuha ka nga ng asin."

Narinig kong utos ni Jewel kay Ann but Ann is in the living room kaya ako nalang ang kumuha at iniabot 'yon kay Jewel. Nandito kami ngayon sa bahay nila Led at si Jewel ang nagluluto para sa hapunan namin.

"Thanks." Sabi ni Jewel at napatingin sa may pintuan nang pumasok si Ann at may dala-dalang laptop.

"Bakit mo'ko tinawag?" Tanong nito pero nanatili ang tingin sa laptop niya.

"Lapit ka nga sa'kin Ann. May sasabihin akong importante." Napaangat naman kaagad ang tingin ni Ann at lumapit kay Jewel.

"Anong meron?" Rinig kong tanong ni Ann kaya aalis sana ako sa kusina nang narinig ko ang sinabi ni Jewel.

"Balik ka na ulit sa sala."

Natawa si Jewel ng malakas nang hinampas siya ni Ann sa balikat. "Tang*na mo." Sabi pa nito at umalis sa kusina.

Natawa nalang din ako sa kanilang dalawa. Medyo sanay na ako dahil palagi ko naman silang nakikita simula nong break up ni Led. Kapag kasi pumupunta kami ni Kevin dito sa bahay nila Led para mangumusta, naabutan namin sila minsan o minsan kami 'yong nauuna.

Nag-aalala pa din kasi kami kay Led kahit na ipinapakita niyang okay na siya. Bumalik na din siya sa dating Ladiely na kilala ko talaga--- palaaral at school to bahay lang. Parang bulang biglang nawala 'yong Ladiely na masayahin at blooming.

"Mahilig ka talaga mang-asar no?" Natatawang tanong ko kay Jewel.

Umiling naman siya, natatawa din. "Hindi naman masyado. Kay Ann lang talaga kasi mabilis siyang mapikon. Ewan ko ba.. 'yong madaling mapikon 'yon ang magandang asarin. Mas pumapangit lalo eh."

Natawa nalang din ako sa kanya. Nang natapos siyang magluto ay tinulungan namin siya ni Tamara na ihanda ang mga 'yon. Wala sina Tita dahil may lakad kaya kami lang din ang nandito.

"Kakain na mga palamunin ko." Sigaw ni Jewel kaya nag-uunahan silang pumunta kaagad sa kusina. Magkatabi kami ni Kevin at katabi naman niya si Kyle at Kristian. Himala nga nandito ang isang to.

"Kevin anong pangalan nong basketball player na fourth year na?" Tanong ni Izzy nang kumakain na kami. "Ka-team mo 'yon eh.. number.. 17 yata."

"Crush mo Zy?" Agad na tanong ni Ann.

Agad namang umiling si Izzy. "Hindi ah. Pinapatanong ng classmate ko kay Jewel pero hindi naman niya kilala. Kaya si Kevin nalang tatanungin ko." Mahabang paliwanag ni Izzy.

"Aries." Sagot naman ni Kevin.

"Ah.. may Virgo tsaka Leo din bang players?" Kunot-noong tanong ni Izzy.

"Ha-ha. Nakakatawa ka Zy." Pambabara kaagad ni Ann kaya sumimangot si Izzy.

"Epal. San pala tayo pupunta sa bakasyon? Nakakaumay na ang bahay namin."

"Hindi ko din alam. Kayo bahala--- Carmel sumama kayo ah!" Aya kaagad ni Jewel kaya napatingin ako kay Kevin. Nang tumango siya ay tumango na din ako kay Jewel. Malapit na din kasi ang bakasyon, ilang tulog nalang.

"Kristian sama ka din ah. Hindi ka na sumasama samin. May jowa ka na ba don sa University niyo?"

"Oo nga Kuya sama ka sa'min." Seguna ni Tamara at Ladiey.

"Stop calling me Kuya. I'm just one year ahead of you." Nakasimangot nitong sabi na ikinatawa naming lahat. "Anyways san ba kayo magbabakasyon?"

"San ba may magandang puntahan?" Balik tanong ni Jewel.

"Marami. Sa sobrang dami hindi ka makapili." Sagot ni Ann at tumayo para kumuha ng tubig.

Nang natapos kaming kumain ay nauna kaming umuwi kaysa sa kanila. Hindi din na-finalize kung saan magbabaskyon dahil hihingi pa din sila ng tulong kay Bry at Katty.

Took! Took!Where stories live. Discover now