"Took! Took!
I brushed my hair gently nang narinig kong may kumatok sa pinto. Ah, ang istorbo. Gumagawa pa naman ako ng assignments ko.
Sino naman kaya 'to? Hindi naman ako nag-order ng pagkain ah tsaka tapos na din akong maghapunan. Si Ladiely kaya? Pero masyado ng gabi para pumunta pa 'yon dito. Hindi na 'yon papayagan ni Tita.
Nagsuot ako ng roba at handa na sanang pagalitan ang kumatok sa pintuan nang nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Its Kevin Villamor!
Nakatayo siya doon na parang lasing o lasing talaga dahil sa amoy niya. His hair was also messed up. Nakasuot lang siya ng white polo shirt at black shorts.
Namumungay ang kulay abo niyang mga mata na parang inaantok na at wala ng lakas magsalita.
What is he doing here? Naligaw ba to?! Naiwan akong nakatulala sa may pintuan at hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya at dire-diretsong pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama ko!
Putang*na! Ayokong may ibang natutulog sa kama ko! Ilang beses ko siyang ginising pero hindi na talaga siya gumising. Mukha din siyang lasing kaya hindi na ako nag-abalang gisingin siya ulit! Putang*na baka sumuka siya! Argh makakapatay talaga ako.
Napahilot ako sa sentido ko saka lumabas ng kwarto ko. Putang*na talaga. Tinapos ko na ang assignments ko at walang choice kundi ang mahiga sa sofa. Putang*nang lalaking 'yon!
Habang nakahiga ay hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. What is he doing here?! Naligaw ba siya?
---
PILJ<3
YOU ARE READING
Took! Took!
Teen FictionCarmel Kyntzy Lee did everything just to be accepted by her father. But she realizes that as time passes by, that no matter what she would do, her father can't and won't accept her. Then she met Kevin Villamor, a famous basketball player and a very...