"Love.. kumuha ka nga ng patatas."

Utos ko kay Kevin at agad naman siyang kumuha non. Bukas kami magluluto para sa Dad niya at ngayon kami nag grocery. Mabuti nga at free kaming dalawa ngayong Sabado. Walang gawain sa school dahil tinapos na namin kagabi. "Then onions and garlic."

Kumuha naman siya kaagad non at inilagay sa cart. "Marami pa bang kulang?" Tanong niya at naglalakad na kami papunta sa meat section.

"Last na naman tong karne. Bakit?" Tumingin ako sa kanya at nakita kong medyo inaantok pa ang mukha niya.

"I'm sleepy."

Ngumiti ako sa kanya. "Bilisan nalang natin para makatulog ka na."

Pagkatapos naming magbayad ng pinamili namin ay umuwi na kaagad kami. Natulog si Kevin sa kwarto ko pagkauwi pero hindi naman ako inaantok kaya naglinis nalang ako. Pumunta din ako sa condo niya para doon maglinis. Minsan lang din naman kami tumatambay dito.

"Where have you been?" Nakakunot-noong tanong ni Kevin na nakaupo sa sofa. Mukhang kagigising niya lang dahil hindi pa naayos ang buhok niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Nilinis ko ang condo mo. Wala kasi akong magawa, hindi din naman ako inaantok." Inilagay ko ang walis sa gilid saka naghugas ng kamay.

Kumuha ako ng panyo para sana magpunas ng pawis pero binawi 'yon ni Kevin. Pinaupo niya ako sa sofa at saka pinahiran ang pawis ko.

"Sana ginising mo ako para matulungan kita."

Tinaasan ko siya ng kilay pero ngumiti din ako kaagad. "Hindi naman gaanong nakakapagod kaya okay lang."

"Thank you." Sabi niya at pinahiran ang noo ko. "Ang lapad pala ng noo mo?"

Agad ko siyang hinampas sa balikat at sinamaan ng tingin. "Tang*na mo Kevin Villamor."

Sobrang lakas ng tawa niya kaya binawi ko ang panyo at nagpunas ng sariling pawis. Nang umurong na siya kakatawa ay binawi na naman niya 'yon at pinatalikod ako.

"Ngayon ko lang napansin---"

"Na maganda ako?" Putol ko kay Kevin sa mga sasabihin pa niya.

Natawa naman siya. "Na malaki pala ang---" Kinurot ko kaagad siya sa hita niya. "Ouch!"

Natawa ako ng malakas dahil sa reaksiyon niya. Maka-ouch naman to, parang bakla! "Isa pa Kevin, tatadyakan kita."

Natawa lang siya sa hinalikan ang buhok ko. "Hindi na po mauulit kamahalan."

Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos at tumayo muna ako para makapagpalit ng damit. Nang makabalik ako sa sala, napansin kong may kausap si Kevin sa cellphone niya kaya hindi na muna ako lumapit.

"Yes Dad uuwi ako bukas...yes Dad.. bye."

Nang natapos ang tawag ay ngumiti siya sa'kin at nag 'okay' sign pa. Siniguro kasi namin na uuwi bukas ang Daddy niya sa bahay nila dahil baka masayang ang lulutuin namin.

Kinabukasan, mas nauna akong nagising kaysa kay Kevin kaya ako pa tuloy ang gumising sa kanya. Nauna siyang maligo habang naghihiwa ako ng mga gulay.

"I'm done." Napaangat ang tingin ko kay Kevin at tumango.

"Marunong ka bang maghiwa?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi gusto niyang tumulong. Alas kwatro na kasi ng hapon kaya magsisimula na sana akong magluto.

"A little." Sagot niya at umupo sa tapat ko. "Just show me how to then I'll do the rest.. maybe."

Natawa ako sa sagot niya at sinamaan niya kagad ako ng tingin. Agad akong kumuha ng isa-isang gulay at hiniwa 'yon para iyon ang sundin niya. Agad kong ibinigay sa kanya ang kutsilyo at nginisihan siya. "Fighting love."

Took! Took!Where stories live. Discover now