"Go Kevin! Wooooh!"
"Go Villamor! Win this game!"
"Kevin babe! You got this!!!"
Agad akong napalingon sa may right side ko nang narinig ko ang sigaw na 'yon. Maka-babe kala mo naman sa kanya si Kevin.
"Oh galit yarn?"
Napalingon ako sa katabi ko at nakita kong ngumiti na si Mae ng nakakaloko sa'kin. "Pinagsasabi mo?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.
Natawa siya ng malakas at ibinalik ang tingin sa laro. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at tumingin din sa court. Nakatime-out pa pala. Hindi ko inaasahang magtatama ang mata namin ni Kevin, nakasuot na siya ng jersey na kulay blue at white sa gilid. May nakasulat na 'VILLAMOR' sa likod at number '6'. Sa harap naman, may logo ng Loriega University sa gilid at sa gitna naman ay may nakalagay na 'GRIFFINS'. Nakita ko kaagad ang pagtaas ng sulok ng labi niya pero wala lang akong reaksiyon sa mukha. Baka sa iba niya 'yon ginawa---
"Ahhhhhhhhhh ang gwapo mo Kevin!!"
"Nakita mo yon?! Nag smirk siya sa'kin."
Muntik na akong mapasigaw sa inis pero kinalma ko nalang ang sarili ko. Nakakainis naman! Sila ba ang tinitingnan ni Kevin? Ako naman diba?!
Tang*na para lang din akong nag-aasume nito na ako tinitingnan niya. Napahawak nalang ako sa buhok ko at umiwas ng tingin kay Kevin.
Hindi din naman nagtagal ang laro nila at agad na nanalo sila Kevin. Medyo hindi challenging ang laro, para sa'kin.. sa'kin lang naman. Agad na kaming pumunta sa volleyball court para maglaro na din.
After the game ay niyaya pa sana ako nila Mae na maglibot-libot sa campus pero hindi na ako sumama. Pagod na ako kaya kailangan ko ng umuwi. Nakasuot na din ako ng jeans at tee-shirt. Hinubad ko na din ang sapatos ni Kevin dahil baka masira ko pa. Hindi ko kayang bayaran 'yon. Sabi niya ibibigay niya sa'kin but I really don't think I can accept the shoes. Naglalakad na ako habang tumitingin sa paligid nang may nakita akong mga sapatos na nakahanay. Anong meron?
Agad akong pumunta don at nagtanong sa isang babae. "Anong meron diyan Miss?"
Napatingin pa siya sa'kin bago ako sinagot. "The Student Council are selling these shoes. Some are second hand but some are branded. If you're lucky enough, maybe you can choose branded shoes for only on a cheap price."
Napatango naman ako at kaagad na nakita 'yong nakasulat sa gilid. Its says '3 for 1000 only' Nangningning kaagad ang mga mata ko dahil sa presyo at sulit na sulit na 'yon. Mukhang okay pa kasi ang mga sapatos. Mukhang bago pa talaga siya kahit may mga second hand na dito.
Napatingin ako sa wallet ko at five hundred nalang ang pera ko kaya napapikit ako. Tang*na hindi ko nga pala nakukuha ang allowance ko.
"Hindi ba pwedeng isa lang 'yong bibilhin Miss? 300 o 400?" Tanong ko don sa babaeng nasa harap. Hindi ko siya kilala pero mukhang parte siya ng student council dahil sa suot niya.
Natawa siya sa'kin. "Sorry but it's really 3 for 1000."
Napakamot ako sa ilong ko saglit. Tatawagan ko kaya si Ladiely at manghiram ng pera? Pero baka kasama niya si Clint kaya wag nalang.
"Hindi ba pwedeng dalawa lang yong kukunin? Ang unfair naman nito!"
Narinig kong sigaw ng isang babae sa may kanan. Si Ann pala, 'yong kaibigan din ni Led. Maraming napatingin sa kanya dahil sa ginawa niya but she doesn't seem to mind. Nang naramdaman niya sigurong may nakatitig sa kanya ay lumingon siya sa paligid at tinaasan ng kilay ang mga nakatingin sa kanya.
YOU ARE READING
Took! Took!
Teen FictionCarmel Kyntzy Lee did everything just to be accepted by her father. But she realizes that as time passes by, that no matter what she would do, her father can't and won't accept her. Then she met Kevin Villamor, a famous basketball player and a very...