"Please Carmel. Ikaw na nga lang natitirang kaibigan ko, so attend ka na please.."

I rolled my eyes to Lloyd's request. Nagvi-video call kami ngayon at tumawag talaga siya para tanungin kung maka-attend ba ako sa wedding niya. Para namang ako 'yong best man kung maka please siya.

"Kailan ba kasal mo?" Tanong ko sa kanya para matingnan ko ang schedule ko. Wala din kasi akong planong magtagal doon. "Sigurado ka na bang hindi ka tatakbuhan ni Tamara niyan?"

Sinamaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko. Pero mas lalo akong natawa nang narinig ko ang pamilyar na boses ni Tamara. "I'm still thinking about it Carmz."

"Oh wala pa namang sure si Tammy ah! Tawagan mo nalang ako ulit kapag sure na sure na siya." Natatawang sabi ko.

"Sama mo talaga. Kaya ka walang jowa eh." Asar niya sa'kin na ikinatawa naming dalawa. Eh ano naman kung walang jowa? I still have someone in my heart. Kevin.

Minsan kapag naiisip ko 'yong nangyari sa'min, 'yong mukha niya 'yong nasa airport.. natanong ko din sarili ko.. galit kaya siya sa'kin? Umalis akong walang paalam sa kanya.. not even a simple good bye to him.. galit kaya siya dahil hindi ko siya nakontact at sinabihan bago ako umalis?

Ako kasi mahal na mahal ko pa din siya.. Hindi naman nagbago 'yon. Siya kaya? May mahal na ba siyang iba? O ako--- hay nagmo-moment na naman ako.

"Aatend ka Carmel diba?" Tanong ulit ni Lloyd na nagpapukaw sa'kin mula sa mga iniisip ko..

"Pag-iisipan ko muna---"

"Do you still hate her? Siya ba ang dahilan kaya ayaw mong umuwi?"

Napatitig ako kay Lloyd dahil sa tanong niya. Napalunok pa ako dahil pakiramdam ko.. kahit nasa cellphone lang kami magka-usap ni Lloyd.. parang nasa harap ko siya.

Loneliness suddenly filled me pero agad akong umiling at pasimpleng ngumiti. "Hindi naman.. Medyo busy lang talaga ako sa trabaho. Pero titingnan ko."

Nakita ko kaagad ang pagliwanag ng mukha niya. "Babe she's attending our wedding!"

Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Lloyd wala pa nga akong sinasabi---"

"Really?" Nakita ko kaagad ang magandang mukha ni Tamara sa screen ng cellphone. "Thank you Carmel. I'll be expecting you."

Napahawak tuloy ako sa sentido ko dahil sa kulit ni Lloyd. Hindi pa nga ako pumapayag sa gusto niya. Napaka-excited naman niya.

"Susunduin kita sa Airport, ako magbo-book ng ticket mo pabalik diyan, libre ko pagkain mo, titirhan mo, damit mo, ano pang gusto mo?"

Natawa nalang ako kay Lloyd at saka nakapagdesisyon na bumalik ng bansa. Simula kasi nang pumunta ako dito, hindi na ulit ako nakakatapak sa Pinas. There are thousands of reasons to go back but there are also many reasons stopping me. Kaya ko na ba?

Kaya ko na bang harapin sila? It's been a long year.. Gustong-gusto ko silang makita lalo na siya pero siya kaya? Gusto niya din ba akong makita?

I wanted to explain my side.. kung bakit ko 'yon ginawa.. pero papakinggan niya pa kaya ako? Maniniwala kaya siya sa paliwanag ko?

Noong una gustong-gusto kong umuwi at humingi ng tawad sa kanya pero isang araw.. nakita ko sa isang article na isa na din siyang Engineer.. I'm happy for him.. pero kasi marami ring bali-balita na may mga girlfriend siya..

Alam kong ganun naman talaga reputasyon niya noon pa man.. playboy.. pero ibang-iba naman ang Kevin na nakilala ko noon. He's the man.. girls would always want. It's not just because of his looks but also because of his personality..

Took! Took!Where stories live. Discover now