"Will you join the team again?"
Tanong sa'kin ni Coach Adam, he's the coach of the volleyball girls team sa Loriega University. Sa tingin ko, matagal na siyang coach dito sa University. Matagal na siyang nagtatanong sa'kin kung sasali ba ulit ako sa team o maglalaro ba ako ulit pero mas madalas yata ngayon dahil malapit na ang Intramurals tsaka District Meet.
"Bakit ka nga pala huminto Carmel?" Tanong sa'kin ni Coach Mario, he's the coach for the boys volleyball team. "Napanood ko ang laro mo nong first year ka and I saw potential in you. Nasasayangan ako sa'yo."
Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinigilan ang sarili na magsalita tungkol don. Ako din naman nasasayangan but I wanted to focus on my studies. Dito nakasalalay ang future ko. Sa volleyball, pwede akong makuha o madiskubre ng mga sikat na teams at pwede akong bayaran pero walang kasiguraduhan. Sisikat man ako pero alam kung hindi magtatagal 'yon. Alam kong lilipas ang panahon at may bago na namang mga players ang madidiskubre. Tatanda din ako at mawawala din ang skills ko kaya mabuti talaga 'pag may pinag-aaralan.
Hindi ko naman sinasabing wala akong future sa volleyball, pero alam kong mahirap 'yon. Maraming players ang magagaling. As much as possible, gusto ko 'yong volleyball, pampawala lang ng stress ko, ayokong gawing hanapbuhay 'yon kaya gusto kong tutok ako sa pag-aaral ko.
Magkasama kami ngayong tatlo na naglalakad ngayon. Pauwi na ako habang sila naman ay papunta sa gym, mukhang galing pa sila sa kanya-kanya nilang klase. Nagtuturo din kasi sila dito pero parang part-time lang sila kasi priority nila ang volleyball.
"Yeah me too." Sabi ni Coach Adam. "Sobrang taas ng potential mo Carmz and I'll be glad kung babalik ka sa team. Don't worry, welcome ka pa din naman." Nakangiting sabi niya sa'kin. "Baka nga lang mahiya ka kasi kadalasan sa mga nakasama mo noon ay grumaduate na except kay Mae."
Mae is also a volleyball player but she's an Education student. Kaklase siya ni Tammy at Lloyd at kasabay kong nagtrain noong first year. Hindi kami masyadong close noon lalo na't hindi pareho ang kurso namin pero approachable naman siyang tao.
"Pag-iisipan ko nalang muna Coach." Sabi ko sa kanila at ngumiti ng bahagya nang dumating na kami sa dulo kung saan sila liliko patungo sa court. "Medyo nakafocused po ako ngayon sa academics eh."
Coach Adam just smiled and tap my shoulders. "Let me know what's your decision then. We need you in the team Carmz."
Tumango lang ako at naglakad na patungo sa labas ng school pagkatapos magpaalam sa kanilang dalawa. Dumaan muna ako sa internet cafe dahil may ipaprint ako. Wala akong printer sa condo ko eh, nag-iipon pa lang ako.
Nang dumating ako don ay wala ng bakante kaya naghintay muna ako saglit. Kinuha ko ang phone ko at nagbabasa ng schedule ko.
Gusto kong sumali ulit sa team pero depende sa schedule ko. Priority ko pa din ang pag-aaral ko. Alam kong kaya ko namang pagsabayin ang dalawa pero ayokong mahirapan akong mamili. Hindi din kasi maiiwasan na minsan, magkasabay ang training at mga projects sa University.
"Maglalaro ka ba Miss?"
Napaangat ang tingin ko sa lalaki, 'yong caretaker ng internet cafe.
"Oo." Agad na sagot ko dahil baka maunahan pa ako ng iba. Tumango siya at iginiya ako sa may likurang parte. May mga computers pa pala dito. Marami din ang gumagamit pero may bakanteng isa kaya agad akong pumunta don.
Hulog-hulog 'yong internet cafe kaya kumuha ako ng coins sa wallet ko at inilagay iyon lahat sa tabi ng mouse para hindi ako kuha-kuha sa wallet ko.
"You done?"
Napatigil ako sa pagkuha ng mga coins ko ng marinig ko ang boses niya. He also smelled different kaya kilala ko na ang amoy niya.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakita ko kaagad ang kulay abo niyang mga mata, ang matangos niyang ilong at ang panga niya na parang sinukat pa sa sobrang ganda tingnan. "Hindi pa nga ako nagsisimula." Malditang saad ko para tabunan ang hiya ko nang tinitigan ko siya.
YOU ARE READING
Took! Took!
Teen FictionCarmel Kyntzy Lee did everything just to be accepted by her father. But she realizes that as time passes by, that no matter what she would do, her father can't and won't accept her. Then she met Kevin Villamor, a famous basketball player and a very...