Nagising ako dahil mahihinang katok mula sa labas. Agad akong naghilamos ng mukha at itinali ang kulot kong buhok.
Nang binuksan ko ang pintuan ay nakita kong si Lloyd at Tamara 'yon. Nandito na ulit ako ngayon sa Hotel room ko. Napakunot ang noo ko dahil sa umagang-umagang pagbisita nila. Binuksan ko ng malaki ang pintuan at pinapasok sila.
"Nagising ka ba namin?" Tanong ni Tamara at umupo doon sa upuan sa gilid. "I'm sorry Carmel."
Ngumiti ako sa kanila at umupo din. "Okay lang. Anong meron? Ang aga niyong bumisita ah."
Nakita kong napakagat si Tamara sa ibabang labi niya habang nakatingin kay Lloyd bago bumaling ang tingin sa'kin. "Carmel.. I really don't want to do this.. but can we ask you a favor?"
Napakunot ang noo ko at napatingin kay Lloyd pero umiwas lang siya ng tingin sa'kin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Tamara at pinagmasdan siya. Para siyang kinakabahan na nahihiya at napipilitan lang talaga sa ginagawa niyang 'to.
"Ano 'yon? Basta kaya kong gawin.. okay naman siguro." Sagot ko at sumandal sa inuupuan ko. Malaki din ang naitulong ni Lloyd sa'kin. Kung hindi dahil sa pamilya niya, baka hindi ako nakapunta ng ibang bansa at nakapag-aral.
"Lloyd and I are going to Mexico for our honeymoon." Sagot ni Tamara. "Wala kasing maiiwan sa company.. I mean nandyan naman si Dad.. pero kasi matanda na siya.. maybe you could.. be my substitute CEO? Just for two weeks.. Please Carmel.. I asked Katty about this first but she's too busy with some organization and orphanage.. Please Carmel.."
Gulat akong napatingin sa kanya. "Hala bakit ako? Wala naman akong alam sa pagpapatakbo ng kompanya.. baka.. baka mapabagsak ko lang.." Takot kong sabi. Nagtatrabaho ako sa isang malaking kompanya sa US pero bilang isang Engineer hindi isang CEO tang*na naman.
"Nandiyan naman si Dad.. parang assistant ka lang din naman. Kung may hindi ka gusto o sigurado o naguguluhan ka.. pwede mo namang tanungin si Dad. Tsaka wala namang masyadong ganap ang CEO.. and besides my secretary is with you."
Napahilot ako sa sentido. "Bakit ako? Pwede naman ang iba.. si Jewel kaya? O si Ann?"
"Busy kasi silang lahat." Sagot ni Tamara at hinawakan ang kamay ko. "Please Carmel.. Just this once.. Please.."
"Okay susubukan ko---"
"Yey!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw nilang dalawa. Nagyakapan pa sila sa harap ko na parang ang ganda ng sagot ko. "Hoy wag muna kayo magsaya.. susubukan ko lang muna.. kapag hindi ko kaya.. sasabihan ko kayo ah."
Malaki ang ngiti sa mga mukha nila at tumango. "Alam ko naman na kaya mo 'yon Carmel.. Madali lang 'yon para sa'yo." Ngising sabi sakin ni Lloyd kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Pagkatapos nito.. ako mismo magbo-book ng flight mo pabalik don. Promise." Lloyd said and raised his right hand. Nang napatingin ako kay Tammy ay sobrang laki din ng ngiti niya. What's with this two?
"Dapat lang." Sagot ko sinamaan ng tingin si Lloyd. Natawa lang silang dalawa sa'kin. Inaya ko silang kumain pero tumanggi silang dalawa dahil magpe-prepare na daw sila. Tang*na ang bilis naman.
Wala naman akong ginawa nang araw na 'yon kaya ipinasyal ko nalang sina Ava at Beth. Wala namang pasok ngayon eh.
"Sure ka Tita ayaw mong sumama?" Nakangiting tanong ko sa Mama ni Led. Ngumiti lang siya sakin at umiling.
"Mag enjoy kayo ah." Bilin niya sa'min. Umalis na din kami gamit ang sasakyan nila at may driver pa. Nang nakarating kami sa Mall ay tatawagan ko sana si Led nang nakita kong kasama niya si Clint. Hindi ko na itinuloy and tawag at napangiti nalang ako at inaya sina Ava na mamili na.
YOU ARE READING
Took! Took!
Teen FictionCarmel Kyntzy Lee did everything just to be accepted by her father. But she realizes that as time passes by, that no matter what she would do, her father can't and won't accept her. Then she met Kevin Villamor, a famous basketball player and a very...