Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin at hindi ko na din siya natanong dahil pumasok na siya sa condo niya. Ipinagsawalang bahala ko nalang 'yon at pumasok na sa condo ko. Hinubad ko 'yong sapatos ko at umupo sa sofa. Ngayon ko lang ulit naranasan na mapagod ng ganito. Ang sakit sa katawan but.. it's okay. Masasanay din ako at gusto ko 'yong ganito. 'Yong nakakaramdam ako ng pagod para mas ramdam ko ang saya ng tagumpay.
Napatingin ako sa sapatos na hinubad ko at agad na napabuntong hininga nang nakita kong sira na 'yon. Matatahi pa naman siguro 'yan. Marunong naman akong manahi dahil kay Mommy. Hindi ko nga lang naranasan na magtahi ng sapatos. But I'll try. Wala namang mawawala kung susubukan ko.
Wala pa kasi akong pambili ng sapatos. I have savings pero sa printer nakalaan 'yon. Malapit na akong grumaduate pero wala pa din akong printer. Sa susunod nalang siguro ang sapatos ko, magagamit ko pa naman 'yan. Tsaka may ukay-ukay naman sa gilid ng University.. pwede naman akong bumili don.
Nagpahinga muna ako saglit bago nagluto ng hapunan. Naligo din ako pagkatapos bago bumalik sa kusina para kumain. Kahit busog ako sa kinain namin kanina, feeling ko gutom pa din ako. Siguro dahil sa pagod ko sa training. Tataba na talaga ako nito.
Naghuhugas ako ng kamay nang may narinig akong kumatok. Wala naman akong inaasahang bisita ah. Pumunta ako sa pintuan at agad na binuksan. Bumungad sa'kin ang mukha ni Kevin.
Agad naman niyang inangat ang paper bag na dala niya. "Let's eat together."
Tiningnan ko siyang mabuti at pinag-aaralan. Why is he so kind to me lately? Hindi naman siya ganito dati. Kahit nga makikita namin siya ni Ladiely noon ay hindi naman niya ako pinapansin.
Pero ngayon...
"Am I that handsome?"
I scoffed and let him in. I saw him smirked and sumunod naman kaagad sa'kin. Pumunta akong kusina at kumuha ng nga bowls na pwedeng lagyan ng dala niya. Tinulungan naman niya ako sa paghahanda.
"Ba't ang bait mo sa'kin nitong mga nakaraang araw?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami. Pang-tatlong kain ko na to ngayong gabi pero kain pa din ako ng kain. Sobrang gutom ko ba talaga?
He shrugged his shoulders. "I just want to. Tsaka mabait naman talaga ako. Ang dami ngang pumupuri sa'kin sa University." He said proudly.
Napataas ang kilay ko at napailing nalang. Sa tingin ko maraming pumupuri sa kanya dahil sa hitsura niya, hindi dahil sa mabait siya. Tama nga siguro siya sa sanabi niya dati. He has charms that can be used to deceive people.
Kevin is like a walking heart break but... marami pa ding nagkakagusto sa kanya. Maraming nagsasabing masama siya kasi pinaglalaruan ang mga babae but when Kevin talks to them, nagbabago kaagad ang pananaw nila. Just what kind of mind do they have?
Pagkatapos naming kumain ay agad namang nagpaalam si Kevin dahil mag-aaral daw siya. Seryoso?! Nagkibit-balikat nalang ako, walang planong pigilan siya at nag-aral na din.
Kinabukasan, maaga akong pumunta sa school dahil nga exam week. Ayokong ma-late dahil minsan, hindi na sila nagpapatake tsaka may minus points na, sayang 'yon. Limang subject lang naman ang ite-take ko ngayong araw kaya umuwi din ako kaagad.
I was writing some formulas on my notebook when I hear a knock. Akala ko si Kevin na naman pero tumitigil kasi minsan ang katok kaya napagtanto kong hindi siya 'yon. Si Kevin kasi, katok ng katok na parang nagmamadali.
Binuksan ko ang pintuan at agad na nanlaki ang mata nang si Tita Lily 'yon--- Mama ni Ladiely. Ngumiti naman siya sa'kin kaya nilakihan ko ang bukas ng pinto.
"Sorry Tita, makalat." Sabi ko at aayusin sana ang mga notes ko sa table pero ngumiti lang si Tita.
"It's okay. Sanay na ako kay Led diyan." Sagot niya sa'kin. Ngumiwi lang ako kay Tita na ikinatawa niya. "Bumili ako ng groceries," sabi ni Tita at binigay sa'kin ang dalawang plastic. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "You won't accept it? Naghirap pa naman akong bumili niyan."
YOU ARE READING
Took! Took!
Teen FictionCarmel Kyntzy Lee did everything just to be accepted by her father. But she realizes that as time passes by, that no matter what she would do, her father can't and won't accept her. Then she met Kevin Villamor, a famous basketball player and a very...