"Ha? Bakit dito?"

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi sa'kin ni Aya. May inaayos daw kasi sa building nila Kevin kaya lilipat si Kevin dito pansamantala. Bakit sa lahat ng office.. bakit dito sa office ni Tamara? Bakit dito? "Pano ako? I mean lilipat ba ako para sa kanya?"

Agad na umiling si Aya. "Hindi naman po. Tinawagan po ako ni Ma'am Tamara kanina at sabi niya, share nalang daw po kayo."

Napakamot ako sa leeg ko.. tang*na share?! Ang awkward naman non.

"Pansamantala lang naman po madam.. aalis din naman siya pagkatapos ng problema don sa kanila."

Napabuntong hininga ako saka tiningnan si Aya. "Bakit dito? I mean pwede namang sa ibang office hindi ba? Wala na bang ibang bakante? Ako nalang kaya ang lilipat?"

Napakunot ang noo ni Aya dahil sa sunod-sunod kong pagsasalita. Kaya umiwas muna ako ng tingin at nag-iisip ng paraan.

"May problema po ba madam? Gusto niyo po tawagan ko si Ma'am Tamara---"

"Wag na." Agad na pigil ko sa kanya. Sinabi ko na sa sarili ko na hinding-hindi ko tatawagan si Tamara dahil nasa honeymoon 'yon. "Bakit pala dito?" Tanong ko ulit kay Aya. Ayokong isipin na gusto niya dito dahil nandito ako. Kaya gusto kong malaman para hindi ako umasa.. bakit ba kasi ang bobo ko?

"Importanteng tao po kasi si Mr. Villamor kaya hindi po siya basta-bastang papupuntahin sa ibang opisina. Tsaka business partners po sila ni Ma'am Tamara at yong mga Daddy pa nila. Tsaka may on-going project po kasi ang dalawang kompanya so mas mapapabilis din po ang pagme-meeting niyo dahil nasa iisang lugar kayo." Paliwanag sa'kin ni Aya kaya mas lalo akong nawalan ng pag-asa. Importanteng tao talaga?!

"Sige Aya okay na."

Ngumiti sa'kin si Aya at lumabas na ng opisina. Nanatili ang tingin ko sa mga papel na binabasa ko kanina pero mukhang walang isang salita na pumasok sa utak ko. Tang*na.. kaya ko ba? Ako nalang kaya lilipat no?

Nang may kumatok sa pintuan ko ay agad kong pinapasok 'yon. Nakita ko si Aya at may dalawang lakaki ang nakasunod sa kanya. May dalang lamesa ang isa at inilagay 'yon katapat ng sa akin. Pabalik-balik sila sa office para siguro mag-ayos doon hanggang sa natapos sila.

Bumaba muna ako sa cafeteria para kalmahin ang utak ko. Pano ko makakalimutan si Kevin nang ganito? Palagi ko ba siyang makikita? Pero siguro okay na din to. Para matabunan ang ilusyon ko na siya pa din ang dating Kevin na minahal ako at mahal ko.

Ilang minuto pa akong nanatili sa cafeteria hanggang sa naisipan kong bumalik sa taas.

"Nandiyan na po si Mr. Villamor madam. Pinapasok ko na." Sabi sa'kin ni Aya nang dumaan ako sa lamesa niya. Tumango lang ako at agad na pumasok. Napatingin ako sa direksiyon kung nasaan si Kevin pero mukhang busy siya. Babati ba ako? Magkatrabaho naman kami diba? Ah, wag na nga lang.

Umupo ako sa swivel chair ko at agad na kumuha ng babasahin kong files bago ko e-report kay Tito.

"Good Morning Engineer Lee."

Napatigil ako sa pagbabasa pero nasa papel pa din ang tingin ko. Ngayon niya lang ba ako napansin?

Tumaas ang tingin ko sa kanya at tumango. "Good Morning din Engineer."

Hindi na siya sumagot at mukhang busy sa binabasa niya. Ipinagpatuloy ko nalang din ang pagbabasa ko. Kumuha din ako ng papel para magsulat kung may hindi ako naintidihan o kailangan ko ng mas malawak na eksplinasyon. Nagsa-suggest din ako ng kung anong mas better gawin. Sasabihin ko nalang kapag may meeting kami.

"Madam, ano pong gusto niyong lunch? Magpapa-order po ba ako sa cafeteria? O bababa kayo? Or mag-oorder ako sa labas?"

Narinig kong sabi ni Aya sa intercom kaya napatingin ako sa orasan. It's exactly twelve in the afternoon pero hindi pa naman ako gutom. "Mamaya nalang Aya.. hindi pa naman ako gutom. Sasabihan nalang kita. Okay lang ba?"

Took! Took!Where stories live. Discover now