"Ready?"
Tanong sa'kin ng Mama ni Lloyd nang nasa reception na kami. Sa kanila ako sumama dahil wala naman akong ibang kilala.
"Opo Tita." Nakangiting sagot ko bago kami lumabas. Hindi ko nga alam bakit sobrang kinakabahan ako.. ako ba ikinasal?! Biro lang.
Nasa tabi lang talaga ako nina Tita at nasa iisang direksiyon lang ako nakatingin, iniwasang makita ang mga pamilyar na mukha nila. Jusko mas kinakabahan pa ako ngayon kaysa noong nag-interview ako sa mga inaaplayan ko sa US.
Akala ko okay na ako dahil malapit ng matapos ang selebrasyon nang may tumawag sa'kin. Tang*na..
"Kailan ka pa dumating huh? Ba't hindi ka nagsabi?" Tanong kaagad ni Led habang yaka-yakap ako. Ah, how I miss her. Nag-uusap naman kami sa phone pero iba talaga kapag nandito siya sa harap ko.
Natawa naman ako sa tanong niya. "Surprise ko sana."
Sinamaan niya ako ng tingin saka hinila sa table nila. Hindi ko alam kung bakit lumamig bigla ang kamay ko nang nakita ko ang pamilyar niyang mukha. He's still handsome as always. He looks matured too or more like more manly. Kilala niya pa kaya ako?
Hindi ko alam kung bakit ipinakilala pa ako ni Led dahil kilala ko naman silang lahat na nandito sa table nato. Sinadya niya ba 'yon?
"Oy Carmel ikaw pala 'yan! Kumusta ka na? Bigla ka nalang mawala ah." Napalunok ako sa pambati sakin ni Bry at napatingin sa direksiyon ni Kevin pero mukha namang wala siyang narinig o nagpanggap lang na walang narinig.
Tumayo siya at umikot pa talaga para yakapin ako. "Welcome back." Natawa ako sa kanya bago siya huniwalay. Binati din ako nila Katty, Ann, at Kyle. Ipinakilala din ako ni Led kay Hazel.. isa din siya sa nga kaibigan nila pero hindi ko siya na meet talaga noon.
Napatingin ako kay Kevin dahil sa lahat ng nasa table ay siya lang hindi ako binati. Hindi ko alam kung bakit biglang tumigil ang mundo ko nang tumingin siya sa direksiyon ko. Those familiar eyes who only looks at me lovingly. But now.. the way he looks at me.. it's like this is the first time we've met. There was no familiarity.. its just cold like he doesn't know me.
Ngumiti ako sa kanya kahit gusto ko ng umiyak sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa'kin. Pero mas lalo pa yata akong nanghina nang tumango lang siya sa'kin at ibinalik na ulit ang tingin sa harap.
I pursed my lips and sit down beside Led.. Habang nagbibigay sila ng mensahe isa-isa.. hindi ko alam kung bakit wala doon ang atensiyon ko.
Lumilipad ang isip ko kung saan-saan. Pilit kong iniisip ang trabaho ko para mawala ang sakit na nararamdaman ko dahil kay Kevin. Pero kahit anong isipin ko, bumabalik pa din ang paraan ng pagtitig niya sakin.
"You okay?" Narinig kong tanong ni Led sa tabi ko. Tumango lang ako at nanatili ang tingin sa harap. Jewel even waved her hands when she saw me and Izzy did the same. Ngumiti ako sa kanila at ganun din ang ginawa.
Nang natapos ang selebrasyon ay hindi na talaga humiwalay sa'kin si Led kaya pinauna ko na ang Mama ni Lloyd.
"Led.. Kristian asked me to take you home."
Nanlamig ang kamay ko nang narinig ko ang pamilyar niyang boses pero hindi ako lumingon sa kanya. Somehow it scared me.. ayokong tingnan ang mata niya na kung makatingin sa'kin ay parang hindi niya ako kilala.
Somehow ayokong matabunan ang alaala ko sa kung paano niya ako tingnan noon.
"Okay lang ba?" Mahinang tanong sa'kin ni Led para siguro hindi marinig ni Kevin na nauunang naglakad sa'min. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Ayokong mag-alala siya tsaka ihahatid lang din naman kami. "Nasa dating condo mo ka pa ba nagstay?" Tanong sa'kin ni Led kaya medyo napaisip ako sa kung anong isasagot ko. Should I lie?
YOU ARE READING
Took! Took!
Teen FictionCarmel Kyntzy Lee did everything just to be accepted by her father. But she realizes that as time passes by, that no matter what she would do, her father can't and won't accept her. Then she met Kevin Villamor, a famous basketball player and a very...