Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa sakit ng likod ko. Sa sofa ako natulog dahil nandun si Kevin sa kwarto ko. Nagkatabi na kaming magkatulog dati pero hindi na pwede ngayon. He's in a relationship and as a woman, I should respect that. I don't want Ate Olive and Kevin having a problem because of me. What Kevin said last night.. maybe.. he's mistaken.

Kagabi, agad ko siyang pinahiga sa kwarto ko at don pinatulog nang nawalan siya ng malay pagkatapos niyang magsalita. Tinanggal ko lang ang sapatos niya at lumabas na ako.

Iniunat ko ang katawan ko bago dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Kumuha din ako ng damit para sa banyo nalang magbihis. Hindi naman ako nahirapan kumuha dahil iyon lang din naman ang natitirang damit ko sa closet, nasa maleta ko na kasi.

Pagkatapos kong maligo ay dahan-dahan ulit akong lumabas at naghanda ng agahan. Habang nagluluto ay narinig kong bumukas ang pinto kaya napatingin ako don.

Nakaayo don si Kevin na parang gulong-gulo, mukhang hindi niya alam ang nangyayari sa kanya.

"You're in my place mister." Seryosong saad ko kaya napatingin siya sa'kin. "Kidding." Nakangiting sabi ko sa kanya. Naalala ko kasi na ganitong-ganito kami unang nagkakilala.

"What happened?" Tanong niya at hinilot pa ang sentido niya habang naglalakad palapit sa lamesa.

"Lasing na lasing ka kagabi. Siguro naligaw ka ng pintong pinasok." Sagot ko at tinapos muna ang pagluluto. "Kain tayo." Aya ko sa kanya at naghanda ng mga pinggan, kutsara't tinidor at tubig.

Hindi naman siya nagsalita at kumain nalang. Nang natapos kaming kumain ay inilagay ko lang ang pinggan ko sa sink.

"Hindi mo huhugasan 'yon?" Tanong niya sa'kin.

"Mamaya na.. pagkauwi ko. Nakabihis na kasi ako at baka mabasa pa." Sagot ko.

"Aalis ka?" Tanong niya ulit.

"Ah oo. Isasauli ko kay Tamara ang sasakyan niya." Balewalang sagot ko at nagsuot ng sapatos. "Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko ang bastos pakinggan ng tanong ko kaya napangiwi ako. "I mean.. aalis kasi ako."

"Can we talk?" Biglang tanong niya kaya kinabahan ako. Anong pag-uusapan namin?

Napatingin ako sa suot kong relo at tiningnan ang oras. "Matagal ba?" I asked politely.

"I don't know. Pagkauwi mo nalang. I'll wait for you." Saad niya na ilinakunot ng noo ko. Siguro importante ang pag-uusapan namin? If he's worried about last night, well, wala namang dapat pag-aalahan.

Napatango ako sa kanya. "Lock mo lang 'yong pinto kapag aalis ka, ah. Alis muna ako." Paalam ko at agad na lumabas.

Nang nasa parking lot na ako ay kaagad akong nagtungo sa office ni Tamara.

"Morning Aya, nandiyan na ba boss mo?" Nakangiting tanong ko kay Aya na kumakain habang nagtatrabaho.

"Opo madam, nasa loob po. Pasok lang po kayo."

"Salamat Aya." Sabi ko bago naglakad. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Carmel!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Tamara. Napahawak pa ako sa dibdib ko na ikinatawa niya. "Sorry! I'm just excited to see you."

Natawa ako sa kanya. "Ready na ba flight ko?"

She nodded. "Yeah. Hindi ka na ba talaga mapipigilan?" Naka-pout niyang tanong.

Umiling ako sa kanya at ibinigay ang susi ng sasakyan niya. "Babalik naman ako. Tsaka salamat sa pagpapahiram sa kotse mo."

"Hindi ko din naman ginagamit, kung gusto mo sa'yo nalang." Agad na sabi niya.

Took! Took!Where stories live. Discover now