Isang linggo din akong tinuturuan ni Tamara kung paano ang pamamalakad ng kompanya nila. Hindi naman masyadong mahirap kumpara sa pagiging Engineer na parang hands on talaga. Pero gusto ko pa ding siguraduhin na maayos kong magawa ang trabaho ko.
Naipakilala niya na din ako sa Daddy niya, kay Aya at sa mga nagtatrabaho sa kompanya. Nakakamangha nga si Tamara dahil kahit bata pa siya, mukhang sanay na sanay na siya sa kompanya. Hindi din siya 'yong klase ng boss na kinakatakutan.. she's chill. Maybe because she's a former teacher? That's why she have a lot of patience on her body.
"Carmel.. if you need anything.. don't hesitate to call us okay?" Sabi sa'kin ni Tamara nang sumama ako sa kanila papuntang Airport. Nandito din sina Led, Jewel, Izzy, Hazel, Katty at Ann. Tumango lang ako sa kanya pero sinisigurado kong hinding-hindi ko siya tatawagan dahil baka masira pa ang honeymoon nilang dalawa.
Nang umalis sina Tammy ay nagpunta kami sa isang restaurant--- restaurant pala ni Clint. Hindi din namin alam kung hindi siya lumabas mula sa office niya siguro or sa kitchen? Hindi ako sure.
"Enjoy the food." Nakangiting sabi ni Clint sa'min. Alam kong masaya na sila Led and I'm happy for them too.
"Laki ng ngiti ni Clint ah. Anong ginawa mo sa kanya Led?" Tanong kaagad ni Izzy nang umalis si Clint. Napatingin din ko kay Led na namumula ang mukha pero agad na sinamaan ng tingin si Izzy.
"Shut up Zy."
Napangiti ako sa sagot niya dahil obvious namang pinipigilan lang niyang hindi mapangiti.
"Kukunin ka ba ni Bry Katty?" Tanong ni Ann kaya napalingon kami kay Katty na napakunot ang noo. Hindi ko alam kung bakit sobrang angelic pa din ng mukha niya kahit nakakunot noo.
"I don't know. He didn't tell me but maybe? I can't tell." Sagot niya at sobrang ganda ng boses niya. Parang nakarinig ako ng anghel bigla.
"Hoy! Matutunaw si Katty niyan." Napalingon ako kay Jewel at nakitang sa'kin silang lahat nakatingin kaya ngumiti ako.
"Ganda kasi ni Katty eh, parang anghel ganun." Sagot ko at kita kong ngumiti si Katty sa'kin.
"Pwede mo din akong titigan Carmel." Agad na sabi ni Jewel at nagpacute pa kaya natawa kaming lahat.
"Di bagay sa'yo, mukha ka daw demonyo." Malakas na sabi ni Ann kaya mas lalo kaming natawa.
"Oh? Nagsalita ang anak ni Satanas." Ganti naman ni Jewel at may ibinulong doon kay Hazel saka natawa silang dalawa.
"Anong sabi niya Zel?" Tanong ni Ann kay Hazel pero umiling si Hazel.
"Maganda ka daw, kahit demonya ka." Sagot ni Hazel at ngumisi kaming lahat kay Ann na ngayon ay namumula na ang mukha.
"Tang*na niyong lahat." Sabi niya kaya natawa na din kami. Pagkatapos naming kumain ay kanya-kanya na kaming alis pero si Led ay nanatili pa doon.
Walang dalang sasakyan si Ann kaya sumabay siya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa kanya. Magkaibigan naman kami.. pero hindi pa din ako sanay sa kanya. Tsaka bakit sa'kin siya sumabay? May sasakyan naman si Izzy tsaka si Jewel.. tang*na.
But the real reason why I'm uncomfortable is that she was with Kevin that time. I'm confident that she knows how much Kevin suffered because of me. Nahihiya ba ako? Hindi ko alam basta hindi ako komportable na may nakakaalam na sinaktan ko si Kevin noon.
"Tara na." Aya ko kay Ann at pumasok naman siya kaagad. "Saan kita ihahatid?" Tanong ko sa kanya nang nagsimula na akong magdrive. Sinabi din naman niya ang pangalan ng building nila. Ngayon ko lang din napansin na pareho pala kami ng daang tatahakin kaya sa'kin siya sumabay.. iyon siguro ang rason.. maybe.
YOU ARE READING
Took! Took!
Teen FictionCarmel Kyntzy Lee did everything just to be accepted by her father. But she realizes that as time passes by, that no matter what she would do, her father can't and won't accept her. Then she met Kevin Villamor, a famous basketball player and a very...