CHAPTER 6

195 13 0
                                    

"Nalah, handa kana ba?" Nang sandaling makaharap ko ang magpipinsan ay iyon agad ang itinanong sa akin ni Zareigna.

"Syempre naman si Nalah pa. Magiingat ka do'n, pati na rin ang sarili mo ay ingatan mo." Hindi ko agad nasagot ang tanong ni Zareigna nang bigla iyong sabihin ni Zoren, nginitian ko siya at tinangohan.

"Handa na 'ko." Seryosong turan ko, dahilan ng kanilang pagngiti.

"Okay! Hanggang sa muli nating pagkikita.." Masayang turan ni Anya, niyakap niya ako kaya agad ko iyong ginantihan. Nagyakap ang magpipinsan at napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.

Kung sana ay ganito din kami ni Nadyah, pero napakalabong mangyari.

"Hanggang sa muli nating pagkikita.." Nang sabihin ko iyon ay pare-pareho kaming tumawa, kasabay niyon ang pre-boarding announcement.

Dahil do'n ay muli kaming nagyakapan, tuloyan na kaming nagpaalam sa isa't-isa.

"Sigurado kana ba talaga? Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?" Iyon agad ang tanong ni Zareigna nang sandaling makasakay kami ng eroplano, kaagad ko siyang tinangohan.

"Siguradong-sigurado na ako." Nakangiting sagot ko, na siyang ikinatango niya. Ilang minuto lang ang lumipas nang sa wakas ay tuloyan ng umandar ang eroplano.

Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang lahat at hindi ko rin inaasahang magiging isang runaway-bride ako. Nag trending ang nangyari sa akin, maging ang pagtakbo ko ay kuhang-kuha ng camera, hanggang sa pagsakay ko ng sasakyan ni zareigna ay kuha din nila. Napanood ko ito kahapon lang at wala na akong magagawa kun 'di hayaan na lang iyon dahil nakapagdesisyon na rin ako, pagkarating ko do'n ay magsisimula kaagad ako ng panibagong buhay.

Pipilitin kong kalimotan ang lahat at ibabaon sa kahapon ang lahat ng sakit at hindi magandang nangyari sa akin. Pipilitin kong mawala siya sa puso't isipan ko, pipilitin kong hindi na siya patuloy na mahalin. Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan para parusahan niya ako ng ganito at hindi ko alam kung anong nagawa ko para lokohin niya ako.

Minahal ko sya, hindi, mahal na mahal ko sya. Siya ang tumulak sa akin para gawin ito, pasensyahan kung hindi nya magagabayan sa paglaki ang magiging anak nya, pero ayos na din, dahil siya na rin mismo ang nagsabing hindi siya siguradong sa kankya nga ang batang dinadala ko. Isa lang naman ang ibig sabihin no'n, hindi niya tanggap ang anak niya kaya simula ngayon, anak ko lang ang batang dinadala ko.

Ilang oras ang inabot ng biyahe, hanggang sa makarating kami ng europe. Kasalukoyang narito kami sa airport at nagpasundo sa tinutukoy na driver ni Zareigna, naghintay kami ng ilang minuto hanggang sa may biglang huminto na kotche sa aming harapa. Napagtanto kong siya iyong tinawagan ni Zareigna kanina lang, ang driver nila.

"Ma'am Zareigna!" Ibinaba ng lalaking iyon ang bintana ng kotche pagkatapos ay masayang tinawag ang pangalan ng kasama ko.

"Kuya Nestor!" Masayang bati naman ni Zareigna dito, napangiti ang lalake at bumaba. Agad niyang kinuha sa amin ang aming mga dala pagkatapos ay inilagay niya ang mga ito sa compartment.

"Where's dad and mom? Akala ko po ba kasama silang magsu-sundo sa akin?" Agad siyang nilingon ni kuya, hindi na ako nagtaka nang sagotin iyon ni kuya sa tagalog dahil halata namang pure pilipino siya.

"Ay wala po sila don, ma'am, kakaalis lang nila kahapon. Nagtungo po sila ng london." Napansin ko ang biglang paglaho ng ngiti sa mga labi ni Zareigna nang sandaling sabihin iyon ni kuya sa kaniya.

"As usual. Anyway, kuya nestor, tulongan mo nga akong maghanap ng condo, iyong komportable para sa kaniya." Matapos niya iyong sabihin kay kuya ay nilingon ako ni Zareigna at nginitian, nginitian ko rin siya.

"Walang hong problema ma'am, maraming magagandang condominium dito! Tara na po." Muling sumakay si kuya at umupo sa driver's seat, kaya naman sumakay na rin kami't umupo sa passenger's seat. Binuhay niya na ang makina ng sasakyan at kasalukoyang seryoso siyang nagmamaneho ngayon.

Ilang minuto ang lumipas nang huminto kami sa isang iskinita, pumasok kami sa iskinitang iyon hanggang sa makarating kami sa malaking building. Napakataas at napakalaki ng building na iyon, mahahalata mong isa itong mamahaling hotel.

"Baka po magustohan niyo dito, ma'am?" Pagkababa namin ay iyon agad ang sinabi ni kuyang driver.

"Halika, tignan natin." Tinangohan ko si Zareigna nang lingonin niya ako, bumaba kami ng kotche at sandali kong pinagmasdan ang kabuoan ng building. 

Pumasok kami sa loob at nagtungo sa receptionist, sinabi ko kay Zareigna na okay na 'ko dito kaya naman ni-registered niya agad ako. "Ito ang magiging kwarto mo." At iyon ang sinabi niya nang sandaling makarating kami sa room 204. Pumasok kami rito at napangiti ako dahil napakaganda ng desinyo, maaliwalas tignan.

Iba talaga kapag nasa ibang bansa ka.

"Salamat ha, ang ganda dito!" Sabi ko't nginitian siya.

"Wala 'yon, sabihin mo lang kapag may kailangan ka pa, nga pala ipapahatid ko na lang dito iyong mga damit na in-order ko para sa'yo." Muli akong ngumiti at tumango. Napakabait niya talaga, ang laki na ng utang na loob ko sa kaniya.

"Babalikan kita dito mamaya ha, uuwi muna ako ng mansion, okay?"

"Sige, magiingat ka at salamat ulit."

"Kung nagugutom ka, may pagkain naman diyan sa ref, kompleto naman sila dito." Tumango lang ako, lumapit niya sa akin at bumeso. Sandali ko siyang niyakap at ramdam ko ang pag-ganti niya sa akin, matapos no'n ay lumabas na sila ng kanyang driver.

"Hindi ko sasayangin ang nagawang tulong sa akin ni Zareigna. Ito ang ginusto ko at kailangan kong panindigan kahit na alam kong mahihirapan ako, dito ko sisimulan ang bagong yugto ng aking buhay." Malaya ko iyong nasabi dahil alam kong wala namang makakarinig, humugot ako ng malalim na hininga at nakangiting nagtungo sa aking bagong kwarto.

NANADAWRITES | JB.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon