CHAPTER 7

190 12 0
                                    


"What?! Tita-mom!" Pagtawag ni Maxton kay Zareigna. Napangiti ako nang sandaling makita ko ang aking kaibigan. Nawala siya halos limang buwan na ang nakakalipas dahil may importante siyang ginawa sa Pilipinas kaya naman hindi ko na siya pinigilan dahil company nila ang pinaguusapan.

Kagaya no'ng mag-isang taon si Maxton ay wala din siya, halos isang taon din iyon kaya naman si Zoren at Zarnaxel lang ang aking nakasama, isa tuloy sa kanila ang napagkamalang ama ni Maxton.

"Day off mo ngayon?" Iyon agad ang tanong niya sa akin nang makalapit siya.

Nginitian ko siya at sandaling niyakap. "Yeah, alam ko kasing darating ka." Masayang sabi ko, na siyang ikinangiti niya. "Anyway, kumain kana ba? Nagluto ako para sa'yo." Agad na sumilay ang malapad na ngiti sa kaniyang mga labi nang sandaling sabihin ko iyon.

"Naks! Kahit kailan talaga hindi mo ako binigo, namiss ko iyang luto mo!" Aniya, napailing-iling na lang ako habang nakangiti.

"Kumain kana lang at alam kong pagod ka, huwag mo na akong bolahin."

"Hindi kita binobola, kaya wag kang tumawa dyan, psh!" Pagsu-sungit niya, mahina akong natawa dahil sa inasta niyang iyon.

"Oo na sige na, umupo kana."

Tinangohan niya lamang ako, pagkatapos ay nilingon si Maxton. "Hey babe! Meron akong dinala para sa 'yo!" Nakangiting sabi nito sa bata. Kaagad na nagliwanag ang mukha ni Maxton nang sabihin iyon ni Zareigna, ako naman ay naghahain ng mga niluto ko sa lamesa.

"Thankyou, tita-mom! Pwede ko na po bang makita?" At halata nga ang excitement sa boses ng aking anak nang sabihin niya iyon sa kaibigan ko.

"Oo naman pero syempre bago 'yon, give me a kiss! " Napangiti na lang ako habang pinapakinggan ang dalawa, nang sandaling balingan ko sila ng tingin ay napangiti ako nang halikan nga ni Maxton si Zareigna.

"Here!" Inabot ni Zareigna ang isang paper bag sa kaniya, ngunit nanliit ang aking mga mata dahil ngumuso ang aking anak.

"Binigyan mo na po ako n'yan last year." Nakangusong turan nito sa kaibigan ko, napangiti na lamang ako at napailing.

Maxton Zelien Delmhor, ang nagiisa kong anak, pitong taon na ang nakakalipas. Hindi madali pero kinaya ko, halos panay ang iyak ko at paghingi ng tawad sa kanya no'ng sandaling lumabas siya sa aking sinapoponan. He's 7 years of age now and currently living here in Germany, lalake ang naging anak ko at kagaya ng ama niya hindi mo mahahalatang pitong-taong gulang pa lang siya dahil nga sa tangkad niya at matured din ang kanyang pagiisip. Also, tinuroan ko siya kung paano magsalita ng Tagalog, bihasa rin naman siya pag-dating sa english pero mas gusto kong tagalog ang mahalin niyang lenggwahe.

Pinanganak ko siyang hindi humihingi ng tulong sa aking mga magulang, lalong-lalo na sa kaniyang ama. Pitong taon na ang nakalipas at wala akong koneksyon sa kanila. Inaamin ko, subrang nangungulila ako kina mommy at wala na 'kong balita sa kanila simula no'ng umalis ako, dahil sinabihan ko si Zareigna na huwag nang magbigay ng balita sa akin sa kadahilanang ayokong bumigay.

Naka moved on na 'ko at halos dinamdam ko na ang lahat ng sakit, kaya naman sigurado akong okay na'ko.

"Sorry babe, subrang busy lang talaga ni tita-mom kaya nakalimotan ko." Malungkot rin ang boses ni Zareigna nang sabihin niya iyon sa aking anak, halatang nadismaya sa sarili niyang ginawa.

"You don't have to, tita-mom. Ang mahalaga po ay nandito kana ulit, magpahinga ka po pagkatapos mong kumain."

Muli akong napangiti dahil sa narinig, gano'n rin si Zareigna. "Ah! payakap nga!" Agad na tumango si Maxton sa kaniya at ang anak ko na mismo ang yumakap sa kaniya.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon