CHAPTER 4

222 13 4
                                    


KASALUKOYANG narito ako sa isang mall, dahil napagpasyahan kong ilibang ang aking sarili kahit na ako lang magisa.

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig kong may tumatawag sa akin, nang lingonin ko ang pinanggalingan ng boses na iyon ay napagtanto kong siya iyong babaeng malapit ng makabangga sa akin.

"Zareigna.."

"Hi! I'm glad to see you again, bakit nagiisa ka lang?" She asked, gladly.

"Hello.. Wala kasi akong kaibigan kaya kanya-kanya lang ako." Natatawang turan ko, dahilan kung bakit nangunot ang kaniyang noo.

"Seryoso ka? Sa ganda at yaman mong 'yan wala kang kaibigan?!" Hindi makapaniwalang sabi niya at mahinang natawa.

I smiled, bitterly. "Ah, oo. Nag friendship-over na kasi kami kaya simula ngayon ay hindi ko na sila makakasama."

"Oh.. Sad to hear that. I-if you want samahan na lang kita? Total ako lang din naman magisa, e!" Napangiti ako nang sabihin niya iyon sa akin, kaagad ko siyang tinangohan.

Gaya ng kaniyang sinabi ay sinamahan niya nga ako, nagsimula na kaming maglakad muli at dinala niya ako sa isang sikat na kainan.

"Dabest ang mga foods nila dito! Kaya dapat matikman mo." Masayang turan niya, na siyang ikinatango ko. Pumasok kami at umupo sa gilid, when we were able to take our seats, a waitress suddenly came to us.

Tinanong nito ang order namin at sinabi iyon agad ni Zareigna sa kaniya, hinayaan ko na lamang na siya ang um-order sa 'kin at habang umo-order siya ay hindi ko magawang hindi mamangha sa kaniya. Napakaganda niya at kung gumalaw siya, animo'y isang professional ngunit pareho lamang kaming studyante. But I noticed something about her, tulad ko, medyo malaki rin ang bewang at braso niya and her womb is the same as mine, pabilog ito, i noticed that because she was wearing fitted clothes.

"Nalah? May problema ba?" Nang sandaling sabihin niya iyon ay ipinilig ko ang aking ulo, doon lamang ako nabalik sa aking huwisyo.

"Wala, ah.. Napakaganda mo kasi kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan ka." May ngiti kong sabi sa kaniya, maarte siyang tumawa.

"Sus maliit na bagay! Joke. Ikaw kaya 'tong parang diwata ang ganda, teka wala ka bang boyfriend ngayon?"

Agad na naglaho ang ngiti sa aking mga labi nang marinig ko ang huli niyang sinabi. "Kaka break lang." Napansin ko ang pagawang ng kaniyang mga labi nang marinig niya iyon sa akin, napabuntong hininga na lamang ako.

"Alam mo, pinagtagpo talaga tayo para maging mag bestie! Ako din kasi, kaka break lang namin ng boyfriend ko." Sa una niyang sinabi ay nakangiti siya, ngunit nang sandaling sabihin niya iyong huli ay biglang naglaho ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Hindi na lang ako sumagot.

"Ito na po ang orders ninyo, enjoy your meals." Singit ng waitress at inilapag sa table namin ang dalawang tray.

"Thankyou! Oh, let's eat na." Sabi niya, na siyang ikinatango ko.

Sa totoo lang ay nahihiya ako dahil hindi ako sanay sa ganito, i mean sina Nadyah at Axon lang kasi ang palaging kong nakakasama, dahil simula bata pa lang ay magkakaibigan na kami. We're bestfriends, ngunit nagkaroon ng relasyon sina Nadyah at Axon sa paglipas ng panahon. Umabot sila ng isang taon at dahil nagloko ang pinsan ko, ako 'yong naging comfort zone ni Axon no'ng mga sandaling nasasaktan siya. Nong una, hindi ko pinapansin kung sino man ang magustohan ni Axon dahil kaibigan lang naman ang tingin ko sa kaniya. Ngunit isang araw nagising na lang ako na gusto ko na pala siya. Naniwala akong gusto niya rin ako dahil kahit na hindi niya sabihin sa 'kin, napapansin ko iyon sa mga galaw niya at kung paano niya ako alagaan, kung paano siya mag selos sa mga lalakeng nanliligaw sa akin.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon