CHAPTER 17

174 10 0
                                    


UNTIL now I still can't forget what happened in the conference room, how can he tell me those things? After he cheated on me, sasabihin niya sa aking mahal niya ako? Para saan pa ang pag-hingi niya ng isa pang pagkakataon kung para sa akin ay huli na ang lahat. May pamilya na siya, may anak na siya, ano pa bang kailangan niya sa akin?Tapos na kami at hanggang alaala na lang iyon, masaya na kami ng anak ko, anong halaga ng paghingi ng tawad kung uulitin lang din naman?

Narito ako ngayon sa aking opisina habang hawak-hawak ang ballpoint pen ko, naipikit ko ang aking mga mata at humugot ng hininga. Bakit ba ayaw mo akong tigilan? Bakit ba ayaw mong mawala sa isipan ko? Bakit mo ba kailangan ibalik ang nakaraan na nakabon na sa kahapon?

I stopped thinking when the door of my office suddenly opened. Bumugad sa akin ang mukha ni Nadyah, direkta niya akong tinignan sa aking mga mata ng hindi maganda. Nanatili akong kalmado at pinag-cross ang aking mga kamay habang nakatingin sa kaniya.

"what do you want, Ms. COO?"

She lifted an eyebrow at me.

"Ano ba talagang gusto mo, Nalah? Are you really going to take everything from me?!" Asik niya sa'kin.

Nang dahil don ay napayuko ako saglit at napangiti.

“Sa pagkaka-alala ko ay ikaw ang may kinuha sa akin, wala akong inaagaw sa'yo, Nadyah. Baka ikaw? First, my husband. Second, the family I dreamed of na nasa'yo na."

I heard her chuckled, sacrastically.

"Asawa mo? Bakit nag-tagal ba ka'yo? Nagsama ba ka'yo? Kasal lang naman ka'yo sa papel pero hindi ikaw ang inuuwian."

Kaagad akong napatango-tango at nanatiling kalmado, muli ko siyang nginitian.

"Tama ka, kasal lang kami sa papel pero kahit na hindi ako inuuwian, ako pa rin ang hinahanap-hanap. How sure are you? Na ikaw nga ang mahal niya."

Matapos ko iyong sabihin ay tumayo ako, lumapit ako sa kaniya at kitang-kita ko ang pagbabago ng reaksyon ng kaniyang mukha. Napalunok siya at mas lalo akong tinignan ng masama, akma niya akong sasampalin ngunit mabilis kong nahawakan ang kanyang pulsohan.

"Hindi ko alam kung bakit ganyan na lang kalaki ang galit mo sa akin, wala akong ginagawang masama sa'yo,  Nadyah. Kung tutuosin nga, ikaw ang may malaking kasalanan sa ating dalawa. Alam mong kami pa ni Axon nong mga panahong iyon pero anong ginawa mo? Pinili mo pa ring traydorin ako kahit na alam mong masasaktan ako!"

Habang sinasabi ko iyon sa kaniya ay pilit niyang binabawi ang kaniyang kamay ngunit mas hinigpitan ko ang pagkakahawak doon.

“Ikaw ang unang sumira ng pagsasama natin, Nalah. Ikaw ang unang tumraydor sa akin bilang pinsan mo, hindi mo ba naaalala? You took advantage of Axon's weakness, habang nasasaktan siya noong naghiwalay kami.”

Kaagad kong binitawan ang kaniyang kamay at tinaasan siya ng kilay.

“Kasalanan ko bang pinili mo ang saktan siya? Kasalanan ko bang pinili mo ang lokohin siya? Hindi, so don't blame me for your stupidity. It's not my fault that he wanted me, hindi ko kasalanan kung nakita niya sa akin ang pagmamahal na hinahanap niya, it's not my fault that he loved me instead of you.”

Muli niyang itinaas ang kaniyang kamay para sampalin ako ngunit bago pa lumapat ang kaniyang kamay sa mukha ko ay naunahan ko na siya, pwersahan ko siyang sinampal na ikinagulat niya.

"Itatak mo ito sa kukuti mo! Hindi na ako iyong Nalah na kilala mo noon. Ibang Nalah ang kaharap mo ngayon at kung inaakala mong hindi kita papalagan, nagkakamali ka!"

Matapos ko iyong sabihin sa kaniya ay kasabay non ang pagpasok ng sekretarya ko, si Janna.

"Ma'am Nadyah!" Kaagad niyang nilapitan si Nadyah, aawatin niya sana ito ngunit nagulat ako dahil sa ginawa ng pinsan ko.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon