CHAPTER 2.

284 15 5
                                    

"Waiting is a sign of true love and patience, anyone can say i love you, but not everyone can wait and prove it's true." Pag-basa ko sa isang qoute mula sa libro na aking hawak.

Kasalukoyang narito ako sa library, at ako lang magisa. Mabuti na lang ay tahimik dito, kasabay ang preskong hanging dumadaloy sa buong kwarto. Nang matapos kong basahin ang libro ay inilapag ko iyon sa lamesa at hinawakan ko ang aking tiyan, malapad akong napangiti dahil mag-dadalawang buwan na ang aking tiyan.

I breathed sharply and smiled painfully"Kahit na wala na kami ng daddy mo, hindi ako nag-sisising nabuo ka. Ikaw 'yong bunga ng pagmamahal ko sa kaniya.. Siguro nga tanga talaga ako, dahil naniwala ako sa mga salitang binitawan nya, pero kasi nagmahal lang naman ako 'diba? And love is not love if you didn't hurt. Kapag lumaki kana jan sa loob huwag mong pahihirapan si mommy, ha? Iloveyou!" Masakit man sa kalooban ay sinabi ko pa rin iyon, dahil kailangan kong pagaanin ang loob ko para sa aking magiging anak.

Ilang oras ang itinagal ko sa library, hanggang sa mapagdesisyonan ko nang bumalik sa classroom. Tumayo na ako at binalik ang libro kung saan ko ito kinuha kanina, pagkatapos ay lumabas na ako.

Habang naglalakad ako ay naningkit ang aking mga mata dahil sa inaasta ng kapwa ko mga studyante, nakatingin sila sa akin na animo'y may ginawa akong mali sa kanila. Bakit nila ako pinagtitinginan? May dumi ba ang mukha ko?

"Oh my gosh? Totoo pala! Ang bata-bata pa niya, ang landi naman.."

"Oo girl! Nakita ko ngayon lang, nakakahiya sya!"

Iyan ang ilan sa aking mga narinig mula sa kanila.

"Nalah!" Nasalubong ko si Nadyah nang lumiko ako sa hallway, ang pinsan ko. Ayon na naman ang kaniyang malditang awra, palaging nakataas ang kilay niya sa tuwing ako'y kaharap niya. "Nakakahiya ka, talagang dito ka pa nagkakalat?!" Asik niya sa akin, dahilan kung bakit naningkit ang aking mga mata.

"What do you mean?" Inosente kong tanong, hindi niya ako sinagot sa halip ay may kinuha siya sa kaniyang mini bag.

Inilabas niya mula room ang kaniyang cellphone at inis niya iyong pinakita sa akin. Tinignan ko ang batid niyang ipakita at doon nakita ko ang isang post, tungkol iyon sa amin ni Axon.

Naramdaman ko ang paginit ng aking mga mata at ang pamumuo ng mga luha dito, sunod-sunod rin ang aking paghinga dahil sa aking nakikita. Napalunok pa ako, hindi ko akalaing naunahan pa ako ng ibang tao. May nagpost tungkol sa akin at ang sinabi doon ay malandi raw ako dahil bata pa lang daw ay nagpabuntis na ako kay Axon.

"Plano mo ba talagang dumihan ang apelyido natin, ha?! You're so tanga talaga, Nalah! You're nothing but a fckng whore!" Muling nagsalita ang pinsan ko, kaagad ko siyang sinamaan ng tingin at naikuom ko ang aking mga kamay dahil sa sinabi niyang iyon.

"You have no right to judge me, Nadyah! Hindi ba dapat ay tinutulongan mo 'ko dahil pinsan mo ako?!"

She just rolled her eyes. "At bakit kita tutulongan sa kasalanang ikaw lang ang may gawa? Isa kang Delmhor but look at you. Para kang isang kutong lupa na isinisiksik ang sarili mo sa taong ayaw naman sa'yo!" Napalunok ako, dahil do'n ay tuloyan na ngang tumulo ang aking mga luha.

Hindi ko pinansin ang kaniyang masakit na sinabi sa, halip ay tumakbo na. Habang tumatakbo ako ay naririnig ko ang mga komento ng ibang studyante tungkol sa akin, masasakit iyon ngunit pinili kong hindi pansinin.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon