CHAPTER 30

122 10 0
                                    

HINDI ko akalaing maipapanalo namin ang contest, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimotan ang mga nangyari sa Azul Beach Resort.

Kasalukoyang narito ako ngayon sa bahay nagpapahinga. Hindi muna ako pinapasok ni Lolo sa kompanya dahil pinagpahinga niya muna kami. Dumaan ang ilang araw at sa loob ng mga araw na iyon ay hindi ko nakita si Nadyah, nagtataka na ako at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa tuwing iniisip ko kung anong posibleng ginagawa niya.

“Nalah!” Kaagad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Napagtanto kong si Samantha ito, bumeso siya sa akin at bakas sa mukha niya ang saya kaya naman napangiti ako.

“Ang saya mo, ah? Ano, may improvement na ba 'yong relasyon ninyo ni Zarnaxel?” Mahina siyang tumawa at tinangohan ako.

Napaawang ang aking labi.

“Hindi nga? So ka'yo na?!” She nodded na mas lalong ikinangiti ko. “Congrats!”

Saglit ko siyang niyakap at kaagad niya iyong ginantihan.

“Thankyou, Nalah.” Tinangohan ko siya't muling nginitian.

“Thankyou again, because you became my close friend, simula nong bata ako hindi ako nagkaroon ng kaibigan. Maliban sa napaka strict ni mom and dad sa'kin, ayaw nilang makipag-kaibigan sa akin dahil anak daw ako ng Presidente ng Pilipinas at hindi kami magka-level.” natatawang sabi niya't yumuko.

I sighed.

“napakababaw naman ng rason nila.” Napangiti siya't napailing-iling. “Pasok ka muna.” Kaagad niya akong tinangohan.

Nang makarating kami sa loob at umupo kami sa couch, sa may sala.

“Alam mo, kung hindi nagkataong iisang lalake lang ang minahal ninyo ni Nadyah, sigurado akong okay na okay ka'yo ngayon.”

Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon, ni hindi ako agad nakasagot sa halip ay napabuntong hininga.

“God, I missed her so much. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na mapatawad niya na ako, kasi ako? Matagal ko na siyang pinatawad. Hindi ko naman kasalanan kung minahal ako ni Axon, na mas minahal niya ako kaysa sa pinsan ko.”

Napangiti siya.

“Pareho kaming nasaktan, pareho kaming nagmahal at sa iisang tao pa pero kailangan niyang tanggapin na hindi na babalik si Axon sa kaniya.”

“Alam mo, huwag na tayong mag-dramahan kasi kapag nagpatuloy pa 'to, maiiyak na talaga ako!” Mahina akong natawa nang marinig iyon sa kaniya.

“Alam mo, imbis na tumambay tayo dito, lumabas na lang tayo!” Kaagad niya akong tinangohan.

Nauna siyang tumayo na kaagad kong sinundan. Kinuha ko ang aking bag na nakalagay sa table. Hindi na ako magbibihis dahil nakapangalis naman ako sa kadahilanang hinatid ko si Maxton kanina sa school niya.

Nang makarating kami sa labas ay sumakay na ako sa driver's seat, siya naman ay umikot at umupo sa tabi ko. Binuhay ko na ang makina at sinimulan na itong paandarin palabas ng bahay.

“Kain muna tayo?” Tinangohan ko siya.

“Sige lang, kahit anong gusto mong gawin. Available naman ako ngayon, e.” Mahina siyang natawa.

Ilang minuto pa ang lumipas nang sa wakas ay naihinto ko rin ang aking sasakyan sa parking area. Naunang bumaba si Samantha na kaagad ko namang sinundan. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa loob ng isang restaurant at nang makapasok na ay umupo kami sa may bandang dulo, kaagad na lumapit sa amin ang waiter.

Sinabi ni Samantha ang gusto niyang order-in at ganon din naman ako. Nang makaalis sa harap namin ang waiter ay kaagad akong binalingan ng tingin ni Samantha.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon