CHAPTER 18

158 11 0
                                    


KINABUKASAN maaga akong nagising dahil napag-usapan namin ng aking anak na i-enroll ko siya ngayon sa isang sikat na paaralan, dito sa Manila. Grade 3 na siya ngayon at mag-grade 4 na sa susunod na taon, advance siyang nag-aral sa Europe kaya kahit 7 years old pa lang siya ay nasa ikatlong-baitang na siya.

Kinausap ko ang magiging adviser ni Maxton at naintindihan niya naman ang sitwasyon. Minadali kong e-process ang documents niya para hindi na ako mahirapan pa dahil busy ako sa kompanya. Ayoko kong nahihirapan siya pag-dating sa klase, oo nga at matalinong bata si Maxton pero hindi sa lahat ng oras ay nakatutok lamang siya sa laptop. Mas maganda iyong may nagle-lecture sa kaniya para kahit na wala ako ay may magtuturo sa kaniya ng magandang asal at moralidad.

Naroon siya ngayon sa kwarto ng lola nya, sinabi niya sa'kin kahapon na nag shopping sila ni Anya, binilhan siya nito ng mga bagong damit at uniform na gagamitin para sa school. Masaya ako nong malaman ko iyon dahil bihira lang nilang makasama si Maxton sa kadahilanang busy rin sila sa trabaho katulad ko.

It's already 7:30 am at tapos na akong maligo, hindi muna ako pumasok sa kompanya at ipinaalam ko na agad iyon kay Chairman na kaagad niyang sinang-ayonan. Kailangan kong samahan si Maxton sa school para masigurong okay nga siya don, pagdating sa kaniya ay sa lahat ng bagay dapat sigurado ako.

Mamayang gabi magsisimula ang party ni Ms. Claudine at may oras pa ako para maghanda. Nandito ako ngayon sa vanity table ng aking kwarto habang pinagma-masdan ang kabuoan ng aking mukha. Ang layo ko na sa dating ako.

Nang matapos akong ayosan ang aking sarili ay nagdesisyon na akong lumabas at magtungo sa kwarto ni mommy.
Nang makarating ay marahan kong binuksan ang door knob at nang sandaling buksan ko ito ay naabotan ko silang nagtatawanan kaya naman napangiti ako. Nakaayos na rin si Maxton, nakakatawa lang dahil pinilit ko pa kanina na ako ang magpapaligo sa kaniya ngunit nagtampo lang siya sa akin.

"goodmorning mom." kaagad akong lumapit sa kaniya at bumeso.

"goodmorning, aalis na ka'yo?"

I nodded.

"Bye, la." Magalang na sambit ni Maxton at bumeso na rin sa kaniya.

Iniwan siya naming kausap si Lidya at nang makababa kami ay naabotan namin si Nanay Belen. May dala siyang tray ng pagkain at papunta siya taas, alam ko na agad kung para kanino iyon.

"aalis na kayo?" tinangohan ko siya't nginitian.

"Opo, hindi naman kami magtatagal."

"magiingat kayo." She said.

Nagpatuloy na siya sa pag-akyat, kami naman ay nagtungo na sa labas. Nang makarating ay pumunta kami sa garahe, hindi na ako nag-aksaya ng oras at pinasakay ko na si Maxton. Nang maka-upo ako sa driver's seat ay binuhay ko na ang makina at sinimulan na itong paandarin, bukas ang gate kaya naman dirityo lang ako hanggang sa makarating kami ng highway.

"I was worried, since you aren't used to socializing with people here, son." nilingon ko siya sa repleksyon ng salamin sa may bandang itaas bago ibalik ang tingin sa daan.

"mom, I'm okay." nginitian niya ako na siyang ginantihan ko naman.

"subrang bilis ng panahon, parang kelan lang ay dumedede kapa kay mommy."

"Mom, seriously?! You are teasing me again."

I chuckled. Nakakunot na ngayon ang kaniyang noo at magka-salubong na rin iyong mga kilay niya.

"What? totoo naman 'diba." natatawang turan ko.

He just rolled his eyes.

"An why are you wearing like that? School po ang pupuntahan natin, masyadong kita 'yang balikat mo mom."

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon