CHAPTER 37

107 7 0
                                    



“Nalah, alam mo ba kung nasaan si Nadyah ngayon?” Nilingon ako ni Samantha.

Ipinilig ko ang aking ulo.

“Sana okay lang sya, gusto ko siyang makita at gusto kong marinig ang paliwanag nya kung bakit niya iyon ginawa.” naluluhang saad ko.

“Nagusap kami nung isang araw, she told me na gusto niyang itama ang lahat ng pagkakamaling ginawa niya sa'yo at ni Nadyah. She also wants to apologize for everything she did, my sister loved you so much and I'm sure she was true to you no'ng mga panahong kasama ka nya.” I nodded. Tuloyan ng tumulo ang aking mga luha.

Abala siya sa pagmamaneho, mabilis ang takbo ng sasakyan at hindi ko alam kung saan namin hahanapin si Zareigna.

“Ang hirap lang tanggapin na nagawa niya iyon sa akin pero lamang pa din ang pagmamahal ko sa kanya. Ang gusto ko lang naman humingi siya ng tawad sa akin, gusto kong marinig ang paliwanag niya..”

“Grabe, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, hanggang ngayon gulat pa din ako sa mga nalaman ko.” Samantha commented.

Bigla nag-ring ang cellphone ni Zarnaxel. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Jake.

Siya ang ex ni Zareigna. Nakilala ko siya dahil sa kaibigan ko at matalik silang magkaibigan ni Zarnaxel.

Agad na sinagot ni Zarnaxel ang tawag niya at niloudspeak nito ang kaniyang cellphone.

“napatawag ka?”

[Hindi ko kayang sabihin sa call. Pumunta kana lang dito sa St. Luke Hospital, bilisan mo..] Nanliit ang aking mga mata.

Tumaas ang aking mga balahibo.

“Why? Tungkol ba ito kay Zareigna?!”

Kagaya ko ay hindi rin maipinta ang pag-aalala ni Zarnaxel. Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Jake sa kabilang linya.

[yes! kaya bilisan mo na..]

Agad na in-end ni Zarnaxel ang call, mabilis niyang iniliko ang sasakyan at pinaharurot ito. Nakagat ko ang aking pangibabang labi. Wag mong gawin sa akin ito Zareigna, minsan mo na akong nasaktan. Huwag mo ng dagdagan pa, maaawa ka.

Nang makarating kami ay agad na ipinark ni Zarnaxel ang sasakyan nya sa labas, ni hindi na kami nagtungo sa parking lot. Agad kaming bumama at nagmadaling pumasok sa loob.

“Nasaan kayo?!” Kausap muli ni Zarnaxel si Jake sa telepono.

Inilibot ko ang aking paningin baka sakaling mahagilap sila ng aking mata, ganon din ang ginawa ni Samantha.

[nandito kami sa emergency room, sa 1st floor.]

Tumakbo na kaming tatlo upang magtungo sa emergency room. Agad akong napahinto, ganon na din si Sam at Zarnaxel dahil sa naabotan namin.

Napahawak ako sa aking bibig.

Nire-revive nila si Zareigna gamit ang defibrillator.

Ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha. Nanginginig ang aking mga kamay habang nakatakip iyon sa aking bibig.

“No! This can't be! You can't do this to me Zareigna!” Singhal ni Zarnaxel.

Inaalalayan sya ni Samantha.

Agad akong lumapit sa gawi ng Doctor.

“iIlang minuto niyo ng ginagawa ito??”

Kahit na matinding sakit ang nararamdaman ko ngayon ay pinilit kong kalmahin ang aking sarili. Lumapit ako sa Doctor.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon