CHAPTER 19

162 11 2
                                    


"Don't wait for me, just go to your grandmother's room and go to sleep, okay?"

[Yes, Mom. Just don't forget what I said. Men who approach you should be ignored.]

I chuckled.

"Nakakapagtaka, 7 years old ka pa lang ba talaga? Anak, hindi ko naman ata pwedeng gawin iyon dahil tungkol iyon sa kompanya." Rinig ko ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya.

[Okay, basta huwag po iyong subrang lapit.] Tumango na lang ako habang nakangiti.

Sa tuwing ganito siya sa akin ay hindi ko maiwasang hindi mag-isip, 7 years old ba talaga siya? Kung makapagsalita kasi akala mo boyfriend ko. I'm so blessed to have him.

Matapos ang usapan namin sa cellphone ay siya na mismo ang nag-end ng call. Humugot ako ng hininga pagkatapos ay sumakay na sa kotche ko, sa tingin ko ay nauna na sina Lolo sa event kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumunta na nga sa exact location nito. Patuloy lang ako sa pagmamaneho, ni hindi ko na binuksan ang car-stereo dahil nagmamadali ako.

Nang sandaling iliko ko ang sasakyan ay kaagad akong napahinto, nakaramdam ako ng kunting kaba nang dahil don. Kaagad akong bumaba ng sasakyan at binuksan ang bonnet nito. Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang bumongad sa akin ang makapal na usok kaya umatras ako ng kaunti.

"Bakit ngayon pa?!" Asik ko, kahit na alam kong ako lang naman ang makakarinig niyon.

Inilibot ko ang aking paningin, ni walang tao sa iskinitang ito kaya ganon na lang ang pagka-dismaya ko. Isinara ko na ang bonnet, sasakay na sana ako ngunit nakakita ako ng isang kotche at sigurado akong papalapit ito sa gawi ko.

Nanliit ang aking mga mata nang mapagtantong familiar iyong sasakyan.

"Nalah?" Napaawang ang aking labi nang sandaling bumaba si Axon ng sasakyan. "Mukhang hindi maganda ang lagay ng kotche mo."

I rolled my eyes. "obvious naman 'diba?"

"Sumabay kana sa'kin." Ni hindi niya pinansin ang pagtataray ko sa halip ay sinabi iyon sa mahinahong tono.

I breathed sharply. Wala naman akong choice, kung meron lang hindi naman talaga ako sasakay ng kotche mo.

Kinuha ko ang bag ko sa loob at maayos na isinarado ang pinto nito.

"Paano ang kotche ko?"

"Ipapa-sundo ko na lang 'yan kay manny, ang importante nakarating tayo sa party nang hindi nahuhuli. "

Hindi ako nagsalita sa halip ay tinangohan siya, hindi ko na rin hinintay na pagbuksan niya ako dahil kusa kong binuksan ang pinto at sumakay na. Nang makasakay ako ay kasabay non ang pag-ikot niya, pagkatapos ay umupo siya sa driver's seat at binuhay ang makina.

"I'm sorry." Iyon agad ang sinabi niya nang makarating kami sa highway.

"for what?"

"for everything." napabuntong hininga na lang ako nang marinig iyon.

"Matagal na kitang pinatawad, kalimotan na lang natin ang nakaraan." Hindi ko siya nilingon sa halip ay nakatingin lamang sa bintana.

"Hindi mo man ako paniwalaan, sasabihin ko pa rin sayo na minahal kita, minahal kita ng sobra. Halos mabaliw ako nong umalis ka, sinubokan kitang hanapin pero hindi ko alam kung saan. Sinubokan ko rin hanapin iyong kotche na sinakyan mo dahil sigurado akong alam niya kung saan ka nag-punta pero hindi namin nakita, hindi ko nakita."

I smiled, bitterly. Kung minahal mo ako bakit hindi ko naramdaman? Bakit hindi mo ipinaramdam.

"Enough, Axon. Huwag mo nang ibalik ang nakaraan, kahit sabihin mo sa aking minahal mo ako, hindi mo pa rin mababago 'yong nangyari. Niloko mo ako at sinabing hindi mo anak si Maxton."

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon