CHAPTER 13

194 13 0
                                    


GAYA ng kahapon ay magga-gabi na rin ng makarating ako sa mansyon sa isla, ibinilin ko kay lidya si mommy. Kalat na kalat na sa media ang nangyari at nakita ko ring pinalabas ito sa balita. Kinakabahan ako, hindi para sa kanila kun 'di baka napanood iyon ng aking anak.

Pagkarating ko ay binuksan ko kaagad ang heavy glass door at hinubad ang shades na aking suot pati na rin ang white coat. Inilapag ko iyon sa couch, pagkatapos ay nilibot ang aking paningin ngunit hindi ko nakita si Maxton. Umakyat ako at nagtungo sa kwarto, kung saan kami natutulog. Naabotan ko si Zoren na kakalabas lang galing sa loob, kaya naman nagtaka ako at lumapit sa kaniya. Sininyasan niya akong pumasok kaya kahit na nagtataka ay pumasok ako sa loob, nadatnan kong umiiyak si Maxton.

Ngunit hindi lang iyon ang nakita ko, nagulat ako ng makita ang picture ni Axon sa kaniyang cellphone at kasabay no'n ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha, nilingon niya ako nang sandaling marinig niya ang aking paghikbi.

“Siya ba?” Luhaang tanong niya. Kaagad akong lumapit sa kaniya at lumuhod sa kanyang harapan, mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng kaniyang polo-shirt na suot.

“Patawarin mo ako, anak.. I'm sorry M-maxton!” Namamaos kong sinabi, dahilan kung bakit mas lumakas ang kaniyang paghikbi.

“B-bakit po hindi ninyo sinabi sa akin ng maaga, para alam ko po 'diba?” Halos nahirapan siyang magsalita dahil sa kaniyang paghikbi at iyon ang mas lalong ikinadurog ng aking puso.

“Natatakot ako, anak. Natatakot akong kamuhian mo ako kapag sinabi ko sa 'yo..” Hinawakan niya ang ba-ba ko, dahil do'n ay napaangat ang aking ulo. Kitang kita ko ang naguumapaw na mga luha sa kaniyang mga mata.

“Natatakot ka pong saktan ako? Nagawa niyo na po iyon, my.. Kahit na hindi ko po tinatanong sa inyo kung sino ang daddy ko, hindi po ibig sabihin no'n na hindi na ako nangungulila sa pagmamahal ng isang ama.”  Hindi ako nakapagsalita habang sinasabi niya iyon sa akin, mas lalo pang kumirot ang aking dibdib dahil sa huli niyang sinabi.

Paano ko sasabihin sa 'yo? Kung alam kong mas lalo kang masasaktan kapag nalaman mong hindi ka tanggap ng iyong ama?

“Hindi lang naman po kayo ang nasasaktan, pati ako. Sabihin niyo na po sa akin ang lahat dahil napapagod na rin po ako..”

Napaka-complikado anak!” Sa pagkakataong iyon ay tumayo na'ko at tinalikoran siya.

“Complicated? Mom, kaya nga sabihin mo sa 'kin ngayon, ipaintindi mo sa akin because i deserves an explanation..” Hindi ko napigilan ang aking sarili at inis sinabunotan ang aking sariling buhok, napahilamos ako at hinarap siya.

“U-umalis ako dahil, dahil hindi ka tanggap ng daddy mo! Umalis ako, dahil hindi niya ako Mahal! Naniwala ako sa kaniya pero niloko niya ako! Tinakasan ko siya, silang lahat dahil iyon lang ang alam kong tama para kahit papaano maibsan iyong sakit na nararamdaman ko! Umalis ako kasi ayokong makilala mo ang daddy mo! Umalis ako dahil ayokong ituloy ang binabalak ko, kung nanatili ako sa tabi niya baka ngayon ay pareho na tayong wala sa mundong ito.. Kaya umalis ako para matakasan ko 'yong sakit.. 'Yong sakit na idinulot sa akin ng daddy mo!” Luhaang kong lintanya, kaagad niya akong niyakap nang matapos ko iyong sabihin, halos namamaos na ang aking boses at walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha.

Nagsinungaling lang ba ako sa sarili ko? Talaga bang naka moved on na'ko? Kung naka moved on na'ko bakit tripleng sakit ang nararamdaman ko ngayon?

“And now i understand you, Mom..” Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang halik niya sa aking noo. “But mom, hindi po kasi tamang tinakasan mo iyong problema, ikaw ang nagsabi sa akin na dapat hinaharap natin ang mga problema.” Seryosong turan niya. Napansin kong tumigil na rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon