CHAPTER 31

113 9 0
                                    

NANG dahil sa sikat ng araw na aking nararamdaman ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Ganon na lang kalapad ang ngiti sa aking labi ng makita ang mukha ni Nalah.

Dahan-dahan kong inalis ang kaniyang kamay na nakapolupot sa aking bewang. Nang tagumpay ko iyong maalis nang hindi siya nagigising ay bumaba ako ng kama at nagtungo sa comfort room upang linisin ang aking sarili.

Hindi na ako nag-abala pang sirain ang mahimbing na tulog ni Nalah, sa halip ay nagtungo ako ng kusina para magluto ng aming almusal.

Hindi ako umuwi ng bahay at nagpaalam ako kay Alexandria na dito muna ako sa kuya niya matutulog kahit isang araw lang. Ganon na lang kasaya ang aking naramdaman ng walang pag-alinlangan niya akong pinayagan at naintindihan. Isinama ko siya dito dahil wala rin naman si Nadyah. Hindi ko alam kung saan nagpupunta ang babaeng iyon at nakakapagtaka dahil hindi siya masundan ng aking mga mataohan, ni hindi rin nila malaman kung anong mga ginagawa ni Nadyah.

Nang maisalin ko ang aking mga niluto sa lalagyan nito ay inihain ko na iyon sa lamesa.

“Duh! Ikaw kaya 'yong makulit, hindi nga ako nakatulog, e.”

Napailing-iling ako at napangiti. Nang lingonin ko ang pinanggalingan ng boses na iyon ay hindi na'ko nagulat, si Alexandria ang nagmamay-ari non.

“good morning Dad.” Nginitian ko si Maxton.

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kapatid sa halip ay umupo na, kaagad iyong sinundan ni Alexandria.

“Good morning. Nagtatalo na naman ka'yo? Tell Dad what happened.” Maxton sighed.

“She blames me because she didn't sleep well.” Mahinahon ngunit seryoso niyang sabi.

Umupo ako't binalingan ng tingin si Alexandria.

“What? Totoo naman kasi. Panay po siya reklamo na ang kulit ko daw matulog.” Sumimangot siya.

I nodded and sighed sharply.

“I don't understand you two sometimes. Noong birthday niyo naman magkaayos ka'yo and now you two are arguing again.” Hindi sila nagsalita.

“Tama ba ang narinig ko? Nagtatalo na naman ka'yo. Maxton, sinabi ko naman sa'yo na lagi kang magpakumbaba dahil ikaw ang kuya.” Pareho naming nilingon si Nalah.

Tumayo ako upang halikan siya sa pisngi. Nginitian niya ako at umupo siya na kaagad ko namang sinundan.

“Tch. Mom, alam niyo naman pong hindi ako sanay ng sinisigawan.”

“Yeah, pero hindi ba pwedeng magkasundo ka'yong dalawa? Katulad namin ng daddy niyo. Look, alam kong hindi maayos ang sitwasyon natin pero mas gagaan ang loob namin kung magkasundo ka'yong dalawa iyong permanente.” I nodded.

“Sorry po.” Wika ni Alexandria habang nakayuko. Nilingon ko si Maxton.

He sighed.

“Sorry mom, dad.” Tinangohan ko siya ganon na din si Nalah.

“Aasahan ko 'yan ha. Sige na, kumain na ka'yo.”

Hindi ko mapigilan ang aking sarili. Ganon na lang kalapad ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan sila, ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo ang iyong sariling pamilya. Alam kong mali kung hihilingin ko ito ngunit sana ay si Nalah na lang ang ina ni Alexandria.

Meanwhile,

“So ano ng balita? The people you chose are idiots! Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila kumikilos, naiinip na'ko.”

[Ayah, calm down. Sinabi ko na sa kanila ang gustong mong mangyari, bukas na bukas malalaman mo na lang nasa hospital na siya.]

I laughed, like a witch.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon