CHAPTER 29

125 8 0
                                    

Ps: Sorry guys, hindi ko muna mapopost iyong mga sunod na chapters. Medyo busy ako at sana mahintay ninyo ang update ko, basa na lang muna ka'yo ng iba! HAHAHAHA huwag ka'yong magalala hindi naman aabotin ng isang buwas na wala akong update.




LUMIPAS ang na ang mga araw at sa loob non ay masasabi kong sobrang saya ko. Bukod sa okay na kami ni Axon ay alam naming dalawa na nagkakamabutihan na sina Samantha at Zarnaxel.

Sa lumipas na mga araw ay masasabi ko sinubok talaga kami ng camp contest na ito, ni hindi ko alam kung mananalo sa finals dahil hindi bihasa sina Juvia pagdating sa pagde-desinyo. Natalo kami at inaamin ko ang aming pagkatalo ni Axon, maganda ang kinalabasan ng desinyo niya at masasabi kong karapat-dapat naman talaga siyang manalo pero sa pagkakataong ito sinisigurado kong kami ang mananalo. Hindi ko masyadong napaghandaan ang pormal dress na ginawa ko nong nakaraan sa kadahilanang iba ang nasa isip ko, ibang desinyo ang gusto kong at iyon ang gagamitin ko para sa wedding gown.

We are currently here in a very spacious room where the fabrics for the win task was held. Ito ang huling ng aming camp contest at ito rin ang huling laban namin nina Juvia.

Ramdam ko ang paghawak ni Axon sa kamay ko at nang lingonin ko siya ay direkta niya akong tinignan sa aking mga mata.

“Win or lose, it's okay. Don't think too much, let's just do our best, okay?” I nodded.

“Magkasama tayo, kaya naman panatag ako.” kaagad na sumilay ang ngiti sa labi niya na siyang ikinangiti ko rin.

“Handa na ba ka'yong lahat?! Nakakalungkot man pero kailangan nating tanggapin na ito ang huling araw ng kompetisyong ito! Hindi na ako makapaghintay na makita ang kanilang mga ginawa at sigurado akong malilito ang ating mga judges dahil ni isa sa ating mga kalahok ay walang balak na magpatalo o magpaubaya! kaya naman! Huwag ka'yong lilipat at tumutok lamang dito sa 24/7!!!”

Medyo nagulat ako nang marinig ko iyon dahil sa napakalakas na boses ng host na si James, rinig iyon sa buong kwartong ito. Kasabay non ang palakpakan ng mga manonood, kaba at excitement ang aking nararamdaman ngayon sa kadahilanang narito ang pamilya namin ni Axon at sigurado akong hinihintay na nila kaming lumabas.

“excited na ako!” kaagad kong binalingan ng tingin si Sam at nginitian, nasa tabi lang namin siya kasama si Zarnaxel.

“goodluck sa inyong dalawa.” Axon said.

“pagbubutihin namin.” Napangiti ako nang sabihin iyon ni Zarnaxel sa kaniya.

Himala at okay sila ngayon. Sa lumipas na mga araw ay parati silang nagtatalo, animo'y mga aso at pusa. Palagi nilang iniinis ang isa't-isa at buti na lang nariyan si Samantha upang suwayin si Zarnaxel.

“get changed, mukhang magsisimula na sila.” Kaagad nila akong tinangohan.

Niyakap ako ni Sam na kaagad ko namang ginantihan at nang kumalas siya ay nginitian niya ako ng malapad.

“Hindi kita bibigoin, Nalah!” Tinangohan ko siya't nginitian.

“I know, Sam. I can't wait to see you wearing that wedding gown, I'm pretty sure it suits you.”

“Of course! Ikaw ba naman ang gumawa?” Mahina akong natawa nang marinig iyon sa kaniya.

“Let's go, Sam.” Kumaway sa akin si Sam, naunang maglakad si Zarnaxel at kaagad niya itong sinundan.

“That jerk is very deniable, it's obvious that he likes Samantha.” Kaagad kong nilingon si Axon nang sabihin niya iyon.

Nakatingin siya ngayon kina Zarnaxel habang papalayo sila sa gawi namin.

“did Zarnaxel tell you?” He shook his head at binalingan ang kaniyang tingin sa akin.

“Hon, lalake ako. Kahit hindi niya aminin alam kong nagugustohan niya si Samantha dahil kung hindi babasagin ko talaga ang mukha niya. He is not allowed to like you or any other man there, I am more handsome than them.” I chuckled.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon