CHAPTER 35

115 8 0
                                    


Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata ng maramdaman kong may tumatapik sa aking balikat.

“Hindi kapa kumakain, gabi na.” Axon said.

Umiling ako at umupo ng maayos. Binalingan ko ng tingin si maxton, mahimbing siyang natutulog sa sofa.

“Wala akong ganang kumain, hanggang sa panaginip ko ay nakikita ko pa rin ang mukha ni Juvia.”

Umupo si Axon sa tabi ko, humugot siya ng malalim na hininga. Isinandal niya ang aking ulo sa kaniyang balikat.

“Kahit ako, nahihirapan akong tanggapin ang nangyari. Una, si Alexandria, then she followed. It makes me wonder, napakalaki ba ng kasalanang nagawa ko para parusahan ako?” I sighed.

Isinisiksik ko ang aking ulo sa leeg niya.

“No, walang ibang pwedeng sisihin dito kun'di sila lang. Hindi ko inaasahang mangyayari ito sa atin.”

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya, hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay.

Pareho kaming napalingon sa pinto nang marinig naming may kumakatok mula sa labas. Tumayo si Axon na kaagad ko namang sinundan. Binuksan ni Axon ang pinto at bumungad sa amin ang tatlong pulis, napansin kong may hawak sila.

“Goodevening sir, ito po ang mga gamit ni Ms. Juvia. Nakita namin ito sa pinangyarihan ng crimen.” Magalang na saad ng isang polisya.

Pinagmasdan kong mabuti ang hawak nya. Naroon ang cellphone ni Juvia at maging ang wallet nya. Humugot ako ng malalim na hininga, si Axon na sana ang kukuha nito ng inunahan ko siya.

“Ako ng bahala dito, titignan ko kung may evidence na pwedeng gamitin.” Agad na sabi ko na ikinatango nila.

Ibinaling ko ang aking tingin kay Axon. Seryoso siyang nakatingin sa'kin kaya agad akong umiwas.

“Kung pwede, bukas na ako magbibigay ng statement sa nangyari.” Kaagad nila akong tinangohan.

Umalis na sila, ako naman ay naunang pumasok sa loob.

Muling sumagi sa isip ko ang mga nangyari. Nung nabaril na siya at nung nakahandusay na sya sa sahig, hawak nya ang kaniyang cellphone non at bago nya banggitin ang pangalan ko para bang gusto niyang iabot ang cellphone na iyon sa akin. Walang namang mawawala kung aalamin ko.

Tinignan kong muli ang gamit nyang nakabalot, napansin kong hindi lang pala wallet ang kasama ng cellphone nya, kundi isang maliit din na notebook.

Nangunot ang aking noo dahil don. Tumalikod ako at medyo nagulat ako nang mapagtantong nasa harap ko si Axon.

“may problema ba?” Kaagad akong umiling.

“Ibibigay ko lang ito sa parents ni Juvia, mas may karapatan sila dito kaysa sa atin.” He nodded.

“Samahan na kita.”

“Walang magbabantay sa mga bata, sige na. Nasa morgue lang naman sila, hindi ako lalayo.” He sighed. Tinangohan niya ako kaya naman nginitian ko siya.

Nang makalabas ako ng kwarto ay siya na mismo ang nagsara ng pinto. Nagtungo ako sa cubicle upang tignan ang laman ng notebook na nakita ko, maging ang cellphone ni Juvia. Baka sakaling may makuha akong impormasyon mula sa mga gamit niya.

Nang makarating ako ay agad kong isinarado ang pinto, wala namang katao-tao ng dumating ako. Humugot ako ng malalim na hininga bago pakialaman ang gamit ni Juvia.

Unang kong binuksan ang wallet nya, gaya ng inaasahan ko puro pera at ID's ang laman nito ngunit pinagsawalang bahala ko iyon. Sinunod ko ang maliit na notebook nya, kinuha ko ito at dahan-dahang binuksan, medyo nagulat naman ako dahil sa nakita ko. May nakasulat dito at pangalan ko agad ang una kong nakita.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon