CHAPTER 10

179 11 1
                                    

“Nasaan siya?!” Iyon agad ang tanong ko kay Zareigna nang sandaling makarating ako sa sinabi niyang Hospital, kung saan dinala ang katawan ni Daddy.

“Nasa morgue, bilisan lang natin at baka maabotan ka ng pamilya mo.” Aniya at sandaling hinawakan ang aking balikat, agad ko siyang tinangohan at tipid na nginitian. Nang makarating kami sa morgue ay nag presinta si Zareigna na magbantay labas upang mabigyan ako ng signal sakali mang pumunta dito ang pamilya ko.

Pagkapasok ko ay ramdam ko agad ang panginginig ng aking katawan, nang sandaling makita ko ang katawan ng aking ama na ngayon ay wala ng buhay habang may balot ng puting kumot. Hindi ko napigilan ang aking sarili at tumakbo na palapit sa kaniya.

Walang pag-alinlangan ko siyang niyakap at tuloyan na ngang napahagolgol. “Kung ito ang kabayaran dahil sa pagiwan ko sa inyo bakit parang subra naman ho ata? Dad, bumangon ka..” Maging ang aking mga labi ay nanginginig na rin, hinaplos ko ang kaniyang pisngi. “Dad, nandito na po ako.. Nandito na po ang onika iha ninyo.. Patawad.. patawad.. Patawad po..” Animo'y isa akong baliw dahil sa aking ginagawa, niyoyogyog ko ang katawan ng aking ama, kahit na alam kong kahit anong sabihin at gawin ko ay hindi na maibabalik ang kaniyang buhay. "Daddy! Daddy, nandito po ako.. Hindi na po ako aalis, pangako! Pangako po.. Paano po si mommy? Daddy.."

Mas lalo pang lumakas ang aking paghikbi nang sandaling sumagi sa aking isipan si mommy, dahil alam kong mas triple ang sakit na nararamdaman niya ngayon kaysa sa akin sa mga sandaling ito. Hinayaan ko lamang ang aking sariling pagmasdan ang katawan ng aking ama na ngayon wala ng buhay, hinaplos ko ang kaniyang ulo at mariing napapikit. Hinalikan ko pa ang kaniyang noo at ikinuwento sa kaniya si Maxton, halos hindi na maipinta ang aking nararamdaman. Muli ko siyang hinalikan at sa huling pagkakataon ay niyakap ko siya ng napakahigpit, bago tuloyang magpaalam.

Dumaan ang isang araw matapos ang pangyayaring iyon, hindi na ako muling nakadalaw at ang tanging alam ko lang ay ibinurol na si Daddy. Nabalitaan ko din kay Zareigna na ililibing na siya sa darating na linggo. Humugot ako ng hininga habang pinagmamasdan ko ang aking anak na nagtatampisaw sa tubig, kasalukoyang narito na kami ngayon sa hidden house nina Zareigna.

Hindi ko pa nakikita sina Zoren, Camille at Anya dahil mga busy rin sila sa kani-kanilang mga kompanya, ngunit ang sabi nila sa akin ay dadalaw naman sila mamaya dito.

“Maxton, come here.” Lumapit ako sa kaniya kaya naman natigil siya sa kaniyang ginagawa, tumayo siya at lumapit nga sa akin.

“Bakit po, my? Aalis na po ba ka'yo?” Magalang niyang sinabi, tinangohan ko siya at nginitian.

Hinaplos ko ang kaniyang ulo. “Opo, kailangan ng magtrabaho ni mommy, e.”

“Do take care of yourself, mom. Huwag na rin ka'yong umiyak, kahit na magsinungaling po ka'yo sa akin ay alam kong may problema ka po.” Kaagad ko siyang niyakap nang marinig iyon sa kaniya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata kasabay no'n ang muling pagtulo ng aking mga luha.

Ang hirap magpanggap, mabigat sa dibdib at kahit na ilang beses pa akong ngumiti sa harap ng aking anak ay alam kong mahahalata niya pa rin na may pinagdadaanan ako, gano'n siya ka sigurista sa akin. Ang hirap magpanggap na masaya ka, kahit na ang totoo ay hindi naman talaga, kinaya ko na wala si Daddy sa aking tabi sa loob ng pitong taon pero ang mawala siya sa buhay ko ng panghabang-buhay ay hindi ko kayang tanggapin.

Paano ko ba sasabihin sa aking anak na wala na ang Lolo niya?

“I will always adore you, mom.”  Napangiti na lang nang marinig iyon sa kaniya, humigpit ang pagkakayakap ko, na siyang ginantihan niya naman.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon