CHAPTER 38

110 6 0
                                    


"Please makinig ka sa'kin kahit ngayon lang, huwag mong gawin ito ng ikaw lang. Masyado ng maraming nasaktan, hindi ko kakayanin kong pati ikaw ay mawala sa akin, Nalah.."

I breathed sharply. Nilingon ko si Axon.

Hinahanda ko ang aking sarili dahil ngayong araw kami maghaharap ni Nadyah. Narito silang lahat sa hospital at gaya ni Axon ay matindi rin ang pag-aalala nila dahil sa gagawin ko.

"Apo, ipaubaya mo na lamang ito sa mga pulis. Hindi ko gustong makita ka'yong dalawa ni Nadyah na nagkakasakitan." Ibinaling ko ang aking tingin kay Lolo.

"Pero hindi sya matatahimik kong hindi ko sya haharapin. Kakausapin ko sya ng maayos, ako na mismo ang magpapasuko sa kanya sa mga pulis."

"Anak, tama ang Lolo mo. Hindi mo kailangang gawin ito ng magisa, kung 'yan talaga ang gusto mo, kailangan mo ng back up sakali mang may gawin sa'yo ang pinsan mo." Mom stated.

Napatango ako.

Kung hindi ko susundin ang sinabi ni mom, sigurado akong hindi nila ako papayagan sa binabalak ko. Kailangan ko ng backup, sakali mang may gawin siyang hindi maganda sa akin.

“Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat, papa! Ako na ang humihingi ng pasensya sa lahat ng ginawa ng anak ko..” Komento ni Uncle.

I sighed.

“Nakakahiya siya. Wala akong anak na kriminal!” Dugtong ni Tita Sandra.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nila tungkol kay Nadyah sa halip ay lumapit kay Maxton.

“Bantayan mo si Alexandria. I'll be right back.” Nginitian ko siya.

“Magiingat po ka'yo.” I nodded.

"Kapag hindi pa ako nakabalik pagkatapos ng 15 minutes, tumawag na ka'yo ng police. Hayaan niyo muna kaming magusap at kung sasaktan niya ako lalaban ako, kaya ko ang sarili ko. Walang mangyayaring masama sa akin."

Labag man sa kalooban nila ay kalaunan ay sumangayon din sila. Wala na rin naman silang magagawa dahil nakapagdesisyon na ako.

“Susunod ako agad, nasa likod mo lang ako.” Hinalikan ako ni Axon sa aking noo.

Tinangohan ko siya't nginitian. Humugot ako ng malalim na hininga at isa-isa silang tinangohan.

"kailangan ko ng umalis."

"Magiingat ka, Nalah.. Susunod din kami agad." Zarnaxel said. I just nodded.

Ibinaling ko ang aking  tingin kay Samantha, kita ko ang pang-gigilid ng kaniyang mga luha kaya nilapitan ko siya.

"Huwag kang umiyak, magiging okay din ang lahat. Hindi pwedeng wala ako sa kasal ninyong dalawa." She chuckled.

"Sabi mo yan ah!" Tumango ako.

"I need to go."

Sa pagkakataong iyon ay tinangohan nila akong lahat. Muli akong humugot ng hininga at tumalikod na, bubuksan ko na sana ang pinto ngunit hindi iyon natuloy.

"Mommy Nalah, please don't hurt my mom." I swallowed. Nilingon ko ang gawi ni Alexandria.

Hindi ako sumagot sa halip ay nginitian siya't tinangohan.

Lumabas na ako ng kwarto. Sa totoo lang, maging ako ay kinakabahan. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nagkaharap na kaming dalawa ni Nadyah.

Nang makarating ako sa parking lot ay agad akong nagtungo sa aking kotche, binuksan ko ang pintoan nito ngunit sandali akong napahinto ng may tumawag sa pangalan ko.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon