CHAPTER 1.

386 13 3
                                    

“Nakakahiya ka!” Pwersahan akong sinampal ni Daddy nang matapos niya iyong sabihin sa akin, kaya agad akong napahawak sa aking pisngi.

Tuloyan na ngang tumulo ang aking mga luha, ngunit hindi ko iyon pinansin. Sa halip ay yumoko na lang habang pinapakinggan ang mga masasakit na salitang ibinabato ng aking ama sa akin.

Dahil sa ginawang iyon ni Daddy ay agad na lumapit sa kaniya ang aking Ina. That's enough, Neresto!” Luhaang aniya, ngunit hindi siya pinansin ni Daddy.

“How can you do this to our family, Nalah? How can you do this to me?! Binigay ko naman lahat sa 'yo at halos maging dugo na ang aking pawis para lang mabigyan ka ng magandang buhay! Pinalaki kita na nakukuha ang lahat ng gusto mo, pinag-aral kita sa sikat na University para lang maging maganda ang kinabukasan mo.. Nagsumikap kami ng mommy mo para maibigay sa 'yo lahat, pero sa huli ito lang ang isusukli mo sa amin? Ano pa bang kulang, anak?” Inangat ko ang aking ulo at doon nakita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ni daddy.

Tila'y tinusok ng karayom ang aking puso dahil sa mga sinabi niyang iyon sa akin, kaya hindi ko na rin napigilan ang aking sarili at tuloyan na ngang napahagolgol. Patawad po, Daddy.. Please forgive me, please..” Nahihirapan mang magsalita ay pinilit ko iyong sabihin, kahit na alam kong wala akong karapatan dahil sinadya ko naman ang kasalanang ginawa ko.

He grinned, sacrastically. “Forgive you? For what?! How shameless you are, Nalah! Anong pagkukulang namin sa'yo ng mommy mo at simpleng hiling lang namin sa'yo ay hindi mo nagawa?!” He shouted. Dahil sa kaniyang sinabi ay doon lamang ako nabigyan ng pagkakataon upang sabihin sa kaniya ang aking saloobin.

I breathed sharply, tumayo ako't direkta siyang tinignan sa kaniyang mga mata. Nagkakamali ho ka'yo, because not everything. Nasaan ho ka'yo no'ng mga panahong kailangan kita? Nasaan ho ka'yo no'ng mga oras na may sakit ako at hinahanap-hanap kita? Nasaan ho ka'yo no'ng mga oras na may family days program sa school? Where are you, when i need someone to lean on? Hindi ba't wala? Wala... Kaya ho wag ninyong sasabihin sa akin na ibinigay ninyo ang lahat sa akin, dahil hindi po.. Si mommy lang, she's always there for me, sa tuwing kailangan ko siya. Hindi niyo ho ba alam na nanlilimos rin ako ng pag-aalaga niyo at ng pagiging ama ninyo?” Alam kong wala akong karapatan para sumbatan siya, ngunit iyon ang nararamdaman ko, iyon ang mga nasa isip ko sa mga sandaling ito. Kaagad siyang nagiwas ng tingin sa akin at kita ko rin ang kaniyang paglunok.

“Is that your excuse? Para gawin iyan sa buhay mo?! Katangahan, Nalah! How stupid is that!” Singhal niya sa akin, yumuko na lamang ako dahil may punto rin naman siya. “Sino ang lalakeng 'yon?!” Seryoso at may diing niyang tanong. Hindi ako nakasagot agad at dahil do'n ay mas tumaas ang kaniyang boses. “Who the hell is that guy?!” Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam na 'ko ng matinding kaba, ibang awra na ngayon ang siyang ipinapakita ni Daddy.

Paano kung saktan niya si Axon? Sa huli namalayan ko na lang ang aking sarili na sinabi ang pangalan ng lalake, dahil do'n ay mas lumakas ang aking paghikbi.

“Axon? as in Axon Zeltrax?!” Singhal niya, na siyang tinangohan ko. “What the f*ck! Ang anak pa talaga ng Tito Axil mo, Nalah?! Hindi ka talaga nagiisip.." Halos hindi makapaniwala niyang sinabi. "Hindi pwede ang ganito, hindi ako papayag na hindi ka panagotan ng lalakeng iyon! Dapat ka'yong ikasal sa madaling panahon, subrang nakakahiya at masisira ang pangalan ko kapag nalaman ito ng iba.. Na binuntis ng anak ni Axil Zeltrax ang aking nagiisang anak!” Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil sa mga sinabi niyang iyon dahil halo-halo na ang aking nararamdaman sa mga sandaling ito.

RUNAWAY BRIDE OF BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon