Kabanata 12

174 6 19
                                    

Kabanata 12

Lucky

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na yakap-yakap ni Val. Wala naman akong magawa kung hindi hayaan siyang gawin iyon dahil ramdam na ramdam ko talaga ang pag-aalala at pagiging balisa niya.

Kanina ko pa siya naririnig na sinusubukong pakalmahin ang sarili. Noong una ay medyo marahan pa ang paghinga niya pero nang medyo tumagal na ang yakap sa akin ay kumakalma naman siya kahit papaano.

Val's embrace was so tight that I can literally feel his fast heartbeat on my chest. Tila ba nagmamadali talaga siya n'ong pumunta rito. Mabuti na lamang ay kasabay ng pagkalma ng paghinga niya ang pagtibok ng puso niya.

Inangat ko ang aking kamay at dinala iyon sa likod ni Val. Sinubukan ko siyang pakalmahin ng tuluyan sa pamamagitan ng paghaplos sa kanyang likod.

Naramdaman ko siyang natigilan dahil sa biglaang paggalaw ko. Medyo kumalas pa ang pagkakayakap niya sa akin. Agad naman niyang napansin iyon at binago ang mahigpit niyang yakap sa akin.

"Uy! Napano ka?" medyo mahina pa ang boses ko nang tanungin ko sa kanya iyon.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'min na hindi ka papasok dahil masama ang pakiramdam mo?" he hissed angrily at me ear.

Wala sa sariling umikot ang mga mata ko. Sabi ko na nga ba ay iyon ang tanging rason kung bakit bigla-bigla na lang siyang dumating dito.

"Sasabihin ko sana maya-maya."

"Why not earlier, then?"

"Dahil alam ko na ganito ang magiging reaksiyon niyo! Gusto ko munang mag-focus muna kayo sa exams dahil alam kong pupuntahan niyo agad ako dito kung sinabi ko sa inyo kanina," I said as a matter of fact.

"Walang pinagkaiba! Hindi pa rin ako makapag-focus sa pagsagot kanina dahil iniisip ko kung bakit bigla ka na lang nag-absent!" galit na galit ang tono ni Val.

Napangiti ako dahil doon. Kahit na pagalit ang pakikipag-usap niya sa akin ngayon ay rinig na rinig ko sa kanyang tono ang pag-aalala. His hold to me even becomes more tighter whenever he says something.

Magsasalita na sana ako nang mahagip ng aking paningin si Ansel na naglalad ng mabagal papalapit sa amin. Nakahalukipkip siya habang seryoso kaming pinapanood ni Val.

Sa nagmamadaling galaw ay kinalas ko ang yakap kay Val. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig ng diretso kay Ansel.

"Magkasama kayong dalawang pumunta dito?" I asked the both of them while my eyes remained at Ansel.

Napabuga ako ng marahan na hininga nang bigyan ako ng maliit na tango ni Ansel. Napangisi siya dahil doon at tuluyan nang naglakad palapit sa akin.

"'Di ba may training ka ngayon?" tanong ko kay Ansel. "Bakit hindi ka pa pumapasok sa training mo? Oras na!"

Bago pa siya makasagot at binalot na niya ako ng isang mabilis na yakap. Kinalas niya agad iyon at hinarap ako.

Hindi pa rin ako makapaniwala habang nakatingin sa kanya, medyo pagalit pa rin ang paraan ng tingin ko. Baka mamaya ay ma-absent pa siya dahil dapat kanina pa siya pumasok sa training niya!

Napasimangot ako nang guluhin niya ang buhok ko sa tuktok ng aking ulo. Seryoso pa rin ang kanyang mukha na tila ba hindi rin niya nagustuhan ang nangyari katulad ni Val.

"Pinag-alala mo kami. Akala namin kung ano na ang nangyari sa 'yo."

The frown on my face slowly turned into a small pout when he said that. Mukhang nalaman na nga niya kay Val kung ano ang dahilan ng pagpapaliban ko sa klase.

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon