Kabanata 35

137 3 6
                                    

Kabanata 35

Heal

"Let's drink?"

Agaran ang pagkunot ng aking noo nang iyon ang binungad sa akin ni Valentin pagkatapos ko siyang pagbuksan ng pintuan sa aking condo. Day off ko ngayon at katulad ng dati ay nagre-rewatch lamang ako ng aking paboritong T.V. series.

Gamit ang dalawang kamay ay hawak niya ang isang malaking paper bag. Paniguradong naglalaman iyon ng napakaraming bote.

Humalukipkip ako habang hinaharangan pa rin siya sa pagpasok sa loob ng aking unit. Pinagtaasan ko siya ng kilay na ikinaiwas naman niya kaagad ng tingin sa akin.

Hindi naman siya basta-bastang nag-aayang uminom! Hindi man nga kami madalas uminom, e! Tuwing may okasyon lang siguro. Kaya medyo hindi pa rin ako makapaniwala na nag-aaya siyang uminom gayong wala naman akong naalalang kailangan naming i-celebrate ngayon.

Sinubukan kong tingnan ng mabuti ang mukha niya. Nagbabaka sakaling makikita ko roon ang dahilan ng pag-aaya niyang uminom.

Kaya lang ay wala akong nakita roon kundi kaseryosohan at walang emosyon na mga mata. Nanatili rin ang tingin niya sa akin. Tila ba inaabangan ang pagpayag ko na pumasok siya sa aking unit at makipag-inuman.

Isang buntong-hininga ang iginawad ko bago ko siya binigyan ng tamang espasiyo para makapasok na sa loob. Baka kailangan niya talaga ng kausap ngayon kaya nag-aayang uminom.

"Pasok ka."

Malalim ang pagkakakunot ng noo ko habang pinapanood siyang maglakad papasok sa sala. Nanatili akong nakahalukipkip habang sinundan ko siya roon.

Kasalukuyan niyang nilalabas ang mga inumin namin ngayon. Halos manlaki ang mata ko nang makita ang dalawang malaking bote ng kilalang tequila roon.

"Balak mo bang magpakamatay, Valentin? May trabaho pa tayo bukas, hoy!" puna ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa mga bote na nilabas niya.

"I'm not gonna drink too much. Besides, I can handle myself with all of these alcohol," aniya bago inangat ang tingin sa akin.

Tinupi niya ang sleeves ng suot niyang black dress shirt hanggang siko. He was looking at me so intently using his dark and emotionless eyes.

Umikot na lamang ang mata ko nang makita siyang dumiretso sa aking kusina. Bumalik ang tingin ko sa malakas na alak na nakalagay sa lamesa.

Tangina, mahina pa naman ako sa tequila! Pang-San Miguel Apple lang ako, e! Bahala na nga! Kaunti na lang ang iinumin kong alak at maghahanda na lang ako ng juice para sa sarili!

Sa huli ay kinuha ko na lamang ang remote ng T.V. at hininaan ang volume ng aking pinapanood. Umupo ako sa couch habang hinihintay si Valentin na bumalik dito sa sala.

Inabot ko ang isang malaking bote ng tequila sa lamesa. Agaran ang pagngiwi ko kahit na tinititigan ko pa lang ito ng maayos.

Mukhang ito yata ang ikakamatay ko, a!

Bahala na nga! Sasamahan ko na lang 'tong matino kong kaibigan at mukhang may pinaghuhugutan siya ngayong gabi!

Kasalukuyan ko nang binababa ang bote pabalik sa lamesa nang biglang pumasok na sa sala si Valentin. May dala siyang tatlong malaking bag ng chips, dalawang shot glass, at isang dalawang can ng Coke na nilagay niya sa isang tray.

"Ikaw ang nag-aaya ng inuman tapos ako pa ang mababawasan ng pagkain?" I asked him in a mocking manner. "Magaling ka rin, a!"

Maliit siyang ngumisi. "I'm sorry if this is so sudden. I just really feel like drinking tonight."

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon