Kabanata 23

121 0 2
                                    

Kabanata 23

Favorite Person

"What did you say, Mabel?"

Halos malunok ko ang aking vocal chords nang marinig ang istriktong boses ni Ansel. Tangina! Mukhang mas malala pa ang pagiging strikto ng apat na 'to kaysa kay Papa, ha!

Nanatili ang tingin ko sa aking cellphone. Baka mabaliw na lang ako sa sobrang kaba kapag sinubukan ko pa silang tingnan!

Sumindi ang aking cellphone at nakita roon ang isang message ni Raiden. Halos manlumo ako dahil sa message pa lang niya ay mahahalata na talagang kami na!

Raiden Cyrus Dechavez: Enjoy your day! Aalis din ako ngayong araw dahil nagpasama si Mama sa akin na mag-groceries. I'll text you when we get back. I'll miss you.

Punyeta! Hindi ko magawang kiligin ng todo dahil sa huling sinabi niya sa akin dahil sa apat na lalaking seryosong nakatingin sa akin!

"Hana," tawag ni Ansel sa akin nang hindi siya sagutin ni Mabel.

Bumuntong-hininga ako at isinilid ang aking cellphone sa bulsa ng maong shorts ko. Inangat ko ang paningin sa kanila. Agaran ang paghaba ng aking nguso nang masalubong ko ang matatalim nilang tingin sa akin.

"Kami na ni Raiden," mahina kong sambit.

"Kailan pa?" naguguluhang tanong ni Mabel sa akin.

Napangiwi ako dahil sa kanyang tanong. "Kaninang madaling-araw lang."

Iniwas ko muli ang aking tingin sa kanila. Walang nagsalita sa aming lahat at nanatili kami sa ganoong ayos ng ilang segundo. Narinig ko na ang pagbukas ng elevator ay wala pa rin silang sinasabi sa akin.

My heart hurt a bit because of their reaction. Mukhang hindi sila natutuwa sa nalaman nila. Inaasahan ko naman iyon dahil nakita ko naman kung gaano sila ka-strikto sa aking pagdating sa pakikipag-boyfriend.

Kaya ganoon na lang ang gulat ko nang maramdaman ang marahan na pagbalot ng braso ni Mabel sa akin. Inumpisahan niya 'kong hilahin sa loob ng elevator.

Sa namimilog na mga mata ay pinanood ko silang pumasok sa loob ng elevator. Hindi naman nagbago ang paraan ng pagtingin nila pero nabawasan ang pagiging intimidation n'on.

"Hindi kayo galit sa 'kin?" halos nauutal at gulantang pa rin ang boses kong tanong sa kanilang apat nang magsara na ang pintuan ng elevator.

"Bakit naman kami magagalit sa 'yo?" nalilitong tanong ni Mabel pabalik sa akin. Ang mahigpit niyang akbay sa akin ay hindi pa rin niya inaalis.

"Kasi nagkaroon na 'ko ng boyfriend?"

"Hindi kami magagalit sa 'yo, Hana. Wala rin kaming dapat na ikagalit sa 'yo," sagot ni Ansel sa seryoso pa ring tono.

"Bakit ganyang kayo makatingin?! Para kayong istriktong tatay ko na papatayin ako dahil nahuli akong nagkaroon ng boyfriend!"

"Si Dechavez ang papatayin namin, hindi ikaw," Callem told me in a monotone.

Mas lalong lumaki ang mata ko dahil sa kanyang sinabi. Napangisi naman si Ansel sa sinabi ni Callem na tila ba ganoon din ang binabalak niyang gawin. Habang ito namang lechugas na nakapalupot sa akin ay tumawa ng malakas.

Sa una ay akala ko magiging istrikto sila sa akin at sesermunan bago kami makaligo sa dagat. 'Yon pala ay kabaligtaran ang lahat ng nangyari!

Halos patayin ako sa asar ni Mabel habang nasa dalampasigan kami! Nakakaloka pa dahil sumasabay pa si Ansel paminsan-minsan. Si Val naman ay tahimik lamang na ngumingisi habang pinapanood kaming magsapakan ni Mabel.

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon