Kabanata 42

120 2 8
                                    

Kabanata 42

Betrayed

"It's been a long time since we've last talk, Cyrus. However, I hope this meeting wouldn't be just a mere catching up."

Agaran ang pagkatigil ko dahil sa biglaang pagsasalita ni Mrs. Antonio. Napakariin ng pagkakasabi niya roon na tila ba naninigurado na mapapalingon kami ni Rai.

Kanina pa tahimik ang buong kuwarto. Nagsalita lamang kami nang sabihin namin ang order sa servers. Pagkatapos n'on ay naghahari na naman ang katahimikan sa amin.

It felt so awkwared, to be honest. With the food served in front of us yet no one even bothered to touch one's food, the awkwardness is obviously reigning the atmosphere.

Hindi pa nakatulong na tuwing nasasalubong ko ang matalim na tingin ni Mrs. Antonio ay naaalala ko ang mga iniutos niyang pagpapahamak sa akin.

Sitting in front of me is the woman who lost a great daughter. Sa tingin ko ay hindi siya ganito ka-intimidating tingnan kung hindi nawala sa kanya ang anak ng maaga at sa madelubyong paraan.

"Alam ko po na hindi madali ang makipagkita sa amin ng ganito pero gusto na po sana naming mapag-usapan ang lahat ngayon."

Bumaling ang tingin ko kay Raiden nang bigla siyang nagsalita. Diretso ang titig niya kay Mrs. Antonio na nakatingin din pabalik sa kanya.

I felt him grab my folded knee under the table. Halos malagutan ako ng hininga nang maramdaman ang diin ng pagkakahawak niya roon. Tila ba roon na lang siya kumukuha ng lakas ng loob ngayon.

"Ano namang pag-uusapan natin?" tugon ni Mrs. Antonio sa nanggigigil na boses. "Nakapag-usap na kami nito ng girlfriend mo at sa tingin ko ay sapat na iyon, Cyrus."

I swallowed hard when she said the word girlfriend in a mixture of a mocking and angry voice. Sa tingin ko ay nadagdagan ang galit niya sa amin dahil nagkatuluyan kami ni Raiden. Na masaya kaming magkasama.

Ayaw niya dahil alam naman naming lahat na ikakasakit ito ng anak niya. Pero paano naman ang kasiyahan namin ni Rai kung susundin namin ang pag-aakala? Pareho naming kailangan ang isa't isa.

Are we really selfish or we just fell in love? Ewan ko. Ang gulo. Sobra... Hindi ko na alam kung ano ang tama.

"We just want to clear all things up, ma'am. Sa tingin ko po kasi ay sumosobra na ang lahat ng mga nangyayari-"

"You entered a secret relationship with my daughter even though it was so clear that she was not allowed to date. Saan nagtungo iyon? Sa kanyang pagkawala," pagputol ni Mrs. Antonio. She leered at Rai before continuing. "Don't you think that's too much for me, too, as her mother?"

"I know, ma'am, and I have been paying for my mistakes these past few years. Hindi nga lang po ako makakapayag na pati si Hana ay idamay niyo rito."

"She was the reason why you broke up with my daughter that made her depressed and commit suicide! Paanong hindi siya damay?!"

"Hindi naman po sigurado na nagpakamatay siya," halos wala ng boses kong sabi.

Binaling niya ang nakakamatay na tingin sa akin. Amusement and an over the moon level of anger etched on her face.

"What did you say?" hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.

"Hindi po ba't may anggulo ring naaksidente siya? Bakit po para bang siguradong-sigurado kayo na kinitil nga ng anak niyo ang sarili niyang buhay?" halos manginig ang boses kong tanong.

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Mrs. Antonio sa buong kuwarto. Her laugh had no trace of humor in it. Lalong dumagdag ang kalabog ng aking dibdib dahil sa kanyang ginawa.

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon