Kabanata 14

154 6 21
                                    

Kabanata 14

Period

"Pakiramdam ko talaga ay mababa 'yong score ko sa exam this quarter dahil sa 'yo."

Inangat niya ang isang kilay at hindi makapaniwalang itinuro ang sarili. "Dahil sa 'kin?"

"Ay hindi! Dahil doon sa multo na sinamahan ako sa library habang sumasagot ako sa exam," tugon ko ng puno ng sarkasmo ang aking boses.

Muntik nang may kumawala na isang tawa sa aking bibig nang makita ang itsura niya pagkatapos ko 'yong sabihin. Hindi ko alam kung naiinis siya o natatawa sa sinabi ko!

Raiden is slightly gritting his teeth but amusement is filling his eyes so good. Nanatili namang seryoso ang kanyang pagmumukha na tila ba itinatago niya sa akin ang totoo niyang reaksiyon.

Humaba naman ang nguso ko para mapigilan ang tawang nasa dulo na ng aking lalamunan. Sinubukan ko pang pigilan iyon sa pamamagitan ng pagsubo ng nuggets na may kanin na binili namin kanina.

Nandito kami ngayon sa sheds ng mga Senior High School. Walang estudyante ang dumaaran dito masiyado dahil medyo tago ang puwesto nito. Medyo may kalapitan lang sa food court ng mga Grade School at kapag naglakad ka naman papuntang kaliwa ay papunta ka na sa facade kung nasaan ang main gate.

Medyo may kalayuan ito sa building naming mga Senior High School. Kaya sigurado akong malaki ang posibilidad na hindi nila kami matatagpuan ni Raiden dito.

Mas maganda na iyon para wala nang panibagong pang-aasar sa amin ni Raiden. Pakiramdam ko kasi ay isa pa iyon sa mga raso kung bakit siya naiinis sa akin.

Iyon siguro ang pinakadahilan kung bakit ko siya hinila na kumain na lang dito kaysa sa iba pang sheds. Kaya lang ay dahil sa sobrang katahimikan ay sobra akong napopokus sa kanya. Lalo na't katapat ko lang siya.

Kitang-kita ko ang bahagyang pagkaasar sa kanyang mukha. Ibinalik ko naman iyon ng inosente kong pag-kain sa aking rice meal. Hindi ko na lang napigilan ang pagkawala ng tawa sa aking bibig nang mabilis na umikot ang mga mata niya sa akin.

"Ikaw pa ang may ganang mang-irap ngayon! Ako na nga 'yong makakakuha ng mababang score!" hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya.

"Hindi ko kasalanan na hindi ka nakapag-aral ng maayos. Huwag mong isisi sa 'kin ang tungkol diyan."

"Makakapag-aral sana ako ng maayos kung hindi mo 'ko dinaldalan sa library!"

"So you don't want to see me... Ganoon ba ang gusto mong sabihin sa 'kin?"

"Wala akong sinabing gan'on! Sinabi ko lang ay dinadaldalan mo 'ko noong nasa library ako kanina!" pasigaw kong depensa sa kanya.

He's putting fucking words in my mouth! Gustong-gusto ko kaya na pinuntahan niya 'ko kanina! Siyempre dahil dumadagdag ang kaba at kaunting inspirasyon sa akin.

Ang ayaw ko lang ay 'yong dinadaldalan niya 'ko! Kapag kasi ganoon ang ginawa niya ay baka tiyansa na makakuha ako ng bagsak na score ang dadagdag sa akin! Iba ang epekto ng lalaking 'to sa sistema ko, e!

"Ano bang kinalaman ng pakikipag-usap ko sa 'yo sa library kanina sa pagkakaroon mo ng mababang scores?"

"Alam mo, hindi ko alam kung bingi ka ba talaga, nagbibingi-bingihan, o hindi ka lang talaga interesado sa 'kin."

"Huh? What the hell are you talking about?"

"Sinabi ko naman sa 'yo kanina na kinakabahan ako kapag kasama kita, 'di ba? Malamang ay hindi ako nakakapag-concentrate sa pag-aaral kung kasama kita!"

Mabilis siyang natahimik nang isinghal ko ang mga katagang 'yon. My cheeks heated so much as I tried to calm my growing aggressive body. Ramdam na ramdam ko sa aking kaloob-looban ang hiyang kanina ko pa dapat na nararamdaman.

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon