Wakas

357 5 0
                                    

Wakas

Time is definitely gold. However, we should learn how to take things slowly and surely rather than rushing things without any assurance that everything will be alright.

Iyan ang natutunan ko simula nang tapusin ko ang kauna-unahang relasyon ko noong junior pa 'ko. Minadali ko ang lahat. Hindi pa man ako sigurado kung handa nga ba ako sa pumasok sa isang relasyon pero ginawa ko pa rin dahil hinayaan kong madala ako sa panandalian kong damdamin.

Naalala ko pa kung paano nag-umpisa ang lahat sa unang relasyon ko. A prim and proper girl from our batch with a good family background and a great records from our university, wether it is academically or morally, started to be attracted to me.

Noong una ay hindi ko pinaniniwalaan iyon. Sino nga ba naman ang magkakagusto sa isang average na taong tulad ko? Lalo na't napakarangya ng pamilya nila! Hindi talaga ako naniniwala noong una pero noong nag-umpisa na ang mga tsismis ay unti-unti na 'kong naniniwala.

"Rai," rinig kong tawag sa akin ni Savannah.

Magkatabi kami simula noong mapunta ako sa star section at naging magkaklase kami. Iyon din ang dahilan kung bakit naging malapit ako sa kanilang dalawa ni Emery.

Nilingon ko siya. Umangat ang isang kilay ko para ipahiwatig sa kanya na nakikinig ako kahit na abala ako sa pag-aayos ng aking gamit para makauwi na.

"Hmm?"

Mabilis siyang sumulyap sa labas. "Someone's waiting for you outside. Mauna ka na sa labas habang hinihintay nating matapos maglinis si Emery bago tayo magmeriyenda sa labas."

Agaran ang pagkatigil ko dahil sa kanyang sinabi. Sumulyap rin ako sa labas. Halos mapamura ako ng malakas nang makitang hinihila si Gia ng kanyang mga kaklase sa tapat ng aming room.

Palihim akong bumuntong-hininga. Isinakbit ko ang strap ng aking backpack sa aking braso bago naglakad palabas. Halos mapaatras pa 'ko nang makita ako ng isa nilang kasama at tinuro ako habang nagtatalon!

Kilala ako bilang sa pagiging pala-kaibigan, inaamin ko iyon. Halos ng mga ka-batch ko ay nagiging kaibigan ko dahil sa maganda naming pakikitungo kapag nagkakilala kami.

Pero sa kabila n'on ay hindi ko maiwasan ang mailang kapag ganito ang nangyayari. Hindi naman ito ang unang beses na mangyari 'to. Sa totoo nga ay naging araw-araw na yata ang ganitong pangyayari simula noong kumalat ang tsismis na may pagtingin siya sa akin!

I was definitely sure that she's out of my league! Hindi man siya ganoong kakilala sa batch namin dahil hindi naman siya out-going katulad ko pero kilala talaga siya bilang isa sa mga tinitingalaan ng mga tao dahil sa pamilya niya.

Ano ba naman ako? Isang middle class na taong kayang tustusin ang mga pangangailangan. Nakukuha man namin ang kagustuhan, may sasakyan, at nakatira sa isang village pero kinakailangan pa rin naming paghirapan bago makuha ang mga kagustuhan. Hindi katulad nila na agaran ang pagkamit ng mga 'to!

"Rai! Baka naman daw puwedeng sabay kayo ni Gia na umuwi!" sabi ng isa nang makalabas ako ng classroom.

Umulan ng tukso ang parte ng aming corridor. Hindi ko sila pinansin at binalingan na lamang si Gia sa gilid. I saw her blushed quickly as soon as our eyes met. Hindi ko mapigilang kabahan lalo na't sumasabay ang pangangantiyaw nila.

Bumilis ang tibok ng aking puso nang makita siyang nagtago sa gilid ng isa niyang kaklase na tila ba nahihiya. Kinagat niya pa ang ibabang labi pero hindi niya inaalis ang tingin sa akin.

Tumindi ang hiyawan nang mapansin nila ang titigan namin ni Gia. Dumagdag pa ang ilan kong kaklase na kakalabas lamang ng classroom.

Lumapas ang ngiti ni Gia. Kasabay n'on ang pagsilay ng munting ngisi sa aking labi dahil sa munting pagkabog ng aking dibdib.

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon