Kabanata 25

125 4 0
                                    

Kabanata 25

Worried

Ang mahinang bagsak ng pintuan ang unang bumungad sa akin pandinig sa gitna ng kadiliman na nakikita ko. Kasunod n'on ang iilang bulong na tila ba may nag-uusap sa aking paligid.

Ilang minuto ang hinintay ko bago ko buksan ang aking mata. Sumalubong sa akin ang napakaliwanag na liwanag galing sa ilaw ng kuwarto. Natahimik ang bulungan at tanging tunog lamang ang aircon ang aking naririnig.

Huminga ako ng malalim bago pinasada ng tingin ang paligid. Kinurap ko pa ng ilang beses ang mata ko para hayaan na mag-adjust ang mata ko sa sumalubong na liwanag sa akin.

I tilted my head a little bit to look at the whole room. Bumungad sa akin ang nakatalikod na bulto ni Raiden at Callem. Seryoso ang tindig nilang dalawa at parehong nakatanaw sa malaking bintana ng kuwarto habang nakahalukipkip.

Kaya lang ay unang nakaagaw sa pansin ko ang puting looban ng buong kuwarto. Puti ang pintura at lahat ng mga kagamitan. Agad na dumako ang tingin ko sa aking dalawang kamay nang mapagtanto kung nasaan ako ngayon.

"Punyeta... 'Eto na naman tayo," sambit ko sa bahagyang namamalat kong boses nang makita ang dextrose na nakatusok sa likod ng aking palad.

Umamba akong tukuin ang aking palad sa kama para makaupo. Natigilan lamang nang makitang naglakad na palapit sa akin ang dalawang tao na tinatanaw ko pa lamang kanina.

"Huwag ka munang tumayo," sabi ni Raiden na siyang unang dumalo sa akin.

Magpupumilit sana ako pero hinawakan niya ang braso ko. Nilagyan niya ng mahinang puwersa iyon para hindi ako makagalaw sa aking kinahihigaan.

Sa huli ay wala na 'kong nagawa kung hindi sundin ang kanyang gusto.

Pinanood ko siya habang bahagyang magkasalubong ang kilay na inaayos ang kumot kong bahagya nang naibaba. Imbes na paupuin ako ay in-adjust na lamang niya ang kama para umangat ang ibabaw na katawan ko.

"Tatawagin ko lang ulit 'yong doktor," rinig kong sabi ni Callem bago lumabas ng kuwarto.

Natuon saglit ang tingin ko kay Callem bago ibinalik kay Raiden ang tingin. Nakatayo siya ngayon sa lamesang may gulong at binubuksan ang isang bottled water.

"Rai..." I called him using my strained voice.

Hindi niya 'ko sinagot. Lumapit lamang siya sa akin at umupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko ngayon. Tinapat niya sa akin ang bukana ng bote habang ang kabilang kamay naman ay tila ba nakasahod sa baba nito.

"Uminom ka muna."

Bahagyang humaba ang aking nguso. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para idikit sa aking labi ang bibig ng bote. Inangat niya ng bahagya iyon para makainom ako ng maayos.

Halos makalahati ko ang bote dahil sa uhaw na hindi ko namamalayan na nararamdaman ko na pala kanina pa. Sinara ni Raiden ang bote pagkatapos ko. Tumayo siya muli at ipinatong ang bote sa lamesa.

"Bim..."

"Hmm?" aniya sabay lingon sa akin.

Nanatili pa rin siyang nakatayo sa tapat ng lamesang de-gulong na may iilang metrong layo sa akin.

Madilim at seryoso ang kanyang mga mata na nagpapakita na hindi siya natutuwa sa nangyayari. Pero sa kabila n'on ay bumalot ang lambot doon habang nakatitig siya sa akin.

"Are you feeling better now?"

Dahan-dahan akong tumango. "Nahimatay ba 'ko dahil sa Anemia ko na naman?"

"Na naman? Lagi ka bang nahihimatay dahil sa Anemia, Hana?" tanong niya sa akin gamit ang medyo agresibong boses.

"Hindi naman madalas. Sa pagkakatanda ko ay huli kong nahimatay at nadala sa ospital ay noong Grade 9 pa-"

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon