Kabanata 19

129 2 3
                                    

Kabanata 19

Real Score

Namimilog pa rin ang mata ko habang tinitingnan ang Mango Grahams na inaabot niya sa akin. May kasama pa 'yong iced cold na bottled water.

Malalim ang pagkakakunot ang noo ko. Punong-puno ng kalituhan ang aking mga mata habang palipat-lipat ang aking tingin sa pagkain na nakaabot sa akin at sa kanyang mga mata.

Humugot siya ng malalim na hininga nang mapansin ang pagkatigil ko. Nakakagulat naman kasi talaga siya! Milagro pa nga sa akin na pinatawag niya 'ko ngayon!

"Binili kita ng pagkain mo," sagot niya na tila ba masasagot n'on ang kalituhan sa aking isip.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Pero sa kaloob-looban ko ay may mga bagay nang pumapasok sa aking isip.

"Kumain ka muna. Sinabi ko naman sa 'yo na masama ang nalilipasan ng gutom," seryosong sambit ni Raiden sabay lapit pa ng pagkain sa akin.

I heard gasps around us when he did that. Nasulyapan ko rin ang mga paglingon sa amin ng mga nakalabas kong batch mates. Hindi ko na nakita ang detalyado nilang pagtingin sa amin pero inaamin ko na nahihiya ako dahil doon!

Pero kahit na ganoon ay hindi ko pinakita sa lahat ang pagiging hindi ko kumportable sa kanilang mga titig. Sa huli ay kinuha ko na lamang ang inaabot sa akin ni Raiden.

Gumuhit ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi. Wala sa sarili kong nakagat ang aking ibabang labi habang titig na titig ako sa kanyang mga malalalim na mata.

Dumiin lalo ang pagkakakagat ko rito nang marinig muli ang hiyawan ng mga kaklase ko.

Napalingon si Raiden dahil doon. Nakita ko ang unti-unting pagpula ng kanyang tainga habang sinisilip niya ang mga kaklase ko na nasa loob ng classroom.

"Uhh... Thank you dito..." sambit ko sa nahihiya at mahinang boses.

Bumalik muli ang tingin niya sa akin. Tumango siya at mabilis na kmunot ang noo nang humakbang ako ng isang beses palikod.

"Pasok na 'ko. Kailangan ko pa kasing mag-aral... Uhh..." sinulyapan ko minsan ang mga ka-batch namin bago siya tiningnan muli. "Magcha-chat na lang ako sa 'yo mamaya."

Binigyan niya 'ko ng isang tango. "Good luck sa debate. Sigurado akong maganda ang performance mo mamaya."

"Oo naman..." siyempre dahil may pa-grahams ka...

Wala sa sarili akong napatikhim dahil muntik ko nang masabi 'yon sa kanya. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Humaba ang aking nguso nang hindi na niya mapigilang mapangisi.

"Excuse me..."

Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Halos umusok ang aking mukha nang makasalubong ang nanunuksong tingin ng kaklase ko sa aming dalawa ni Raiden. Pigil na pigil ang tawa niya habang sinisiksik ang sarili papasok sa classroom.

Muntik na 'kong mapamura dahil ayaw ko talagang inaasar ako ng mga kaklase ko sa harap ni Raiden. Ako nga ay hindi kumportable, papaano pa kaya si Raiden?!

Sa nagmamadaling galaw ay tinuro ko ang loob ng classroom kay Raiden. Hindi ko na siya hinintay pang sumgot at dali-dali na 'kong pumasok sa loob ng classroom.

Kaya lang ay mas mabuti na lang atang nasa labas ako dahil hindi tumigil ang pangangatyaw sa akin ng mga kaklase ko. Kung hindi lang nag-ten minute before the time ay wala na ata siguro silang balak na tigilan ako!

Mabuti na lamang at kahit na sobrang distracted ako sa mga pang-aasar sa akin ng mga kaklase habang nag-aaral ay maayos naman ang performance ko sa debate. Mukhang nakatulong pa ang pagbibigay sa akin ng Mango Grahams ni Raiden dahil sobrang confident ko sa mga arguments ko kanina.

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon