Kabanata 18

129 4 5
                                    

Kabanata 18

Label

"Nakakainis ka talaga! Ikaw palagi 'yong panalo!" asar kong sambit kay Raiden habang naglalakad kami palabas ng arcade.

"Nanalo ka naman n'ong huli."

"Oo, kasi sinasadya mong magpatalo!"

Kumawala ang isang mahinang tawa sa kanyang bibig nang isinghal ko sa kanya iyon. Inirapan ko siya at humalukipkip na lamang.

Nakakaasar! Naubos lang ang tokens namin sa larong 'yon dahil gusto ko talagang ipakita sa kanya na kaya ko siyang talunin. Ang kaso lang ay panay talaga ang pagkatalo ko! Nanalo lang ako noong pinagbigyan niya 'ko!

Ang daya! Dapat yata ay sumunod na 'ko sa kanya noong sinabi niya sa akin na lumipat na lang kami sa ibang laro. Doon na lang dapat doon sa mga may maliliit na figures na may magnet at ipapasok lang doon sa butas!

Paniguradong mananalo ako roon! O kaya doon sa mga palaging nilalaro ng mga Tita's at matatanda na isda!

Lumayo ako ng ilang pulgada kay Raiden habang panay ang mura ko sa sarili sa aking isip. Dapat din ay nagpaturo ako kung paano maglaro ng barilan na 'yon dati kay Mabel. Para naman kahit sinong makalaban ko ay sigurado akong mananalo ako!

Agaran ang pagsinghap ko nang maramdaman ko ang isang braso na pumalupot sa aking beywang. Mabilis kong binalingan ang pinagmulan ng brasong iyon.

Nanlaki ang mata ko nang makitang kay Raiden galing iyon. Muntikan na 'kong mapatili nang hilahin ako ni Raiden palapit sa kanya.

"Anak ng putcha! Bakit ba ang hilig mong manghila?!" gulantang pa rin nang singhalan ko siya.

Tinapunan lamang niya ako ng isang tingin at inignora na ang pagpuna ko. Naramdaman ko ang unti-unting pagkalas ng kanyang hawak sa aking beywang nang makuha na niya ang gustong espasiyong pumapagitna sa amin.

Sa sobrang lapit naming dalawa ay nararamdaman ko na ang braso niya na tumatama sa akin. Hinayaan ko na lamang iyon at ipinagpatuloy na lamang ang pagtingin sa kanya ng masama.

"Pareho lang tayo ng sasakyan ng jeep pauwi, 'di ba?" inosenteng tanong niya na tila ba hindi siya puwedeng mamatay sa tingin na binibigay ko sa kanya ngayon.

"Hindi ako magco-commute. Susunduin daw ako ni Ansel."

Mabilis siyang bumaling sa akin. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at madilim akong tiningnan.

"Sino 'yon? Isa ba sa mga manliligaw na sinasabi mo kanina?"

Lumitaw kaagad ang isang hilaw na ngisi sa aking labi nang sabihin niya iyon sa akin. I nudged his arm once while giving him a teasing look.

"Selos ka na niyan?" mapanukso ang tono ko na may kaakibat pang tumataas-baba na kilay.

"Hindi."

"Sus! Aminin mo na! Hindi naman ako magagalit!"

"Wala 'kong aaminin sa 'yo."

"Huwag mo nang i-deny, Raiden. Halata ka na, e!"

"Ewan ko sa 'yo."

Humagalpak ako sa tawa na ikinailing naman niya. Halos mahulog pa 'ko sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang pagtawa! Nararamdaman ko rin ang iilang pagtingin sa akin ng mga taong nakakasalubong namin kaya sinubukan ko ang lahat ng aking makakaya para humupa na sa kakatawa.

Dahil doon ay hindi sinasadyang magdikit ang balat namin ni Raiden. Malakas akong napamura nang makaramdam na tila ba nakuryente ako nang magdikit kami.

Agaran ang paglayo ko sa kanya. Nasapo ko ang parte ng braso kung saan ko naramdaman ang kuryente. Pareho kaming napatigil sa paglalakad. Nagkatitigan kami at parehong nakakunot ang noo namin. Ang gulat ay parehong nakaukit sa aming mga mata.

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon