Kabanata 43

127 2 3
                                    

Kabanata 43

Mirah

Buong pasasalamat ko na nakatulog ng mahimbing si Raiden pagkatapos ng matagal naming pag-uusap. He really looked so tired as I caress his hair while laying beside me. Sa tabi ko na siya pinatulog para magising ko siya kaagad kung may kakailanganin man ang nurse sa kanya.

Kinabukasan ay dumating muli si Ansel para ipaliwanag ang nagiging daloy ng kaso. Hindi man siya mukhang stress at tila ba sigurado nang maipapanalo niya ang kasong ito. He looked so confident in such a great way that made me feel so proud!

I don't even know what to feel when Ansel told us that Mrs. Antonio will be detained for what happened.

Dapat nga ay nahihimasmasan na 'ko dahil kahit papaano'y hindi na siya makakatakas sa kaso na nais nilang isampa. Pero sa kaloob-looban ko ay naiisip ko na nagawa niya lamang iyon dahil sa galit, pangungulila, at sakit. Hindi man ako isang nanay pero tila ba nararamdam ko kahit papaano ang sakit na patuloy niyang dinadanas.

Pero kahit na ganoon ay may binalak pa rin siyang saktan si Raiden. Ang kaso lamang ay ako ang natuluyan. Binalak naming makipag-ayos pero mas nangibabaw ang galit niya kaya napunta kami sa ganoong insidente.

It was a battle of justice and understanding in my mind. Litong-lito ako sa dapat na mangyari! Pero sa huli ay isa na lamang ang tangi kong inisip para matahimik na ang aking mga palaisipan: mali ang nagawa ni Mrs. Antonio at kakailanganin niyang pagbayarin iyon ayon sa mata ng batas.

"Bim..."

Nilingon ko si Rai nang marinig ang tawag niya sa akin. I was busy checking my emails on my phone while he was busy with his laptop.

Nilagay niya pa ang moving table sa aking tabi para lang mapalapit sa akin habang nagtatrabaho siya. Paano ba naman ay nag-leave siya ng ilang araw sa trabaho para lamang matutukan ako!

Damn! Maybe I should pay him for being my personal doctor for a few days, huh? Sayang naman ang isang dekada niyang paghihirap sa pag-aaral ng medisina kung nasa tabi ko lang siya ngayon!

"Why?" tugon ko gamit ang malambing na tono.

"Someone emailed me last night while you were sleeping..."

Tinanguan ko siya para ipakita na nakikinig ako ng mabuti sa kanya. Kinagat niya saglit ang ibabang labi bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"I was so shocked when I saw it was Mirah who emailed me. Sinabi niya sa akin na kakarating niya lang sa Pilipinas at didiretso na kaagad sa presinto kinaumagahan."

"Who's Mirah?"

"Gia's best friend that has migrated in US when we were in Grade 8. Ngayon lang siya umuwi pagkatapos ng ilang taong paninirahan doon."

"Gia's best friend?" I asked which he gave me a nod as a response. "Bakit naman ngayon lang siya umuwi? Hindi pa niya pinuntahan si Gia noong nilibing siya?"

"Hindi ko rin alam. Ilang taon ko na rin siyang sinusubukang kausapin tungkol kay Gia pero wala akong narinig na tugon sa kanya kailanman. Ngayon lang."

"Anong sinabi niya?"

"I tried to email her again as soon as you told me about the talk you had with Gia's mother in the restaurant. Sinabi niya na kakausapin niya raw ang Mama ni Gia... pati na rin ikaw."

"Ako? Bakit ako? May kinalaman na naman ba ako sa nangyari? Shit, baka mayroon nga!" I said in a panicky voice.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Malambing ang tingin niya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko na para bang pinapakalma ako. My eyes immediately caught his. Tila ba hini-hypnotize ako nito kaya't naibaling ko ang aking buong atensiyon sa kanya.

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon