Kabanata 30

144 2 14
                                    

Kabanata 30

Changes

"I was also moved in Manila branch, Hana. Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano riyan."

Nanatili akong hindi makapaniwalang nakatingin kay Val sa kabila ng kanyang pagdedepensa ngayon.

Kanina pa kami nag-umpisa para sa aming hapunan pero hindi pa rin kami umaalis sa hapag. Ang Adobong Baboy na naging paborito na naming lutuin sa hapunan ay lumamig na sa hapag.

After the long silence that stretched between us because of my sudden throwback to the past, our original topic came back to life again.

He rolled my eyes at me as he shook his head. Hindi pa rin nawawala ang pagsusubok sa kanya dahil hindi talaga ako kuntento sa kanyang rason.

"I don't believe you," pagmamatigas ko.

"Then don't believe me if that's what you want."

Ako naman ang umirap sa kanya ngayon. "Mag-lilimang taon na tayong nagtatrabaho sa hotel..."

Bumuntong-hininga lamang siya bilang tugon. Sumimsim siya sa kanyang tubig na iniinom na tila ba pinipigilan pa ang sarili na magsalita.

"Tapos malalaman ko na kasama ka sa mga ipapadala na chefs sa Pilipinas? Knowing that you're one of the sous chefs they treasure here in the main branch? How will I fucking believe that?!"

"They sent me to the Philippines because the branch in Clark kept on receiving big events. The HR  told me that they planned to send me there to become the executive chef in the hotel."

Mabilis na nanlaki ang mata ko dahil sa kanyang sinabi. Halos mabilaukan pa 'ko dahil sa gulat na dumaloy kaagad sa akin.

"You're finally getting promoted?!" hindi ko makapaniwalang singhal.

He let out a heavy sigh and nodded. "Yes, Hana. So stop thinking about how I manipulated the HR just so I could come home with you."

"Putangina, sure na 'yan?! Wala nang bawian, a?!"

"Oo nga sabi," nakangiwi niyang saad. "Why can I feel that you're so shock about me being promoted as the executive? Is it so unexpected?"

"Yes!"

Agaran ang pagsimangot niya dahil sa aking naging mabilis na sagot. Umiling kaagad ako para mabawi ang nauna kong tugon.

"I mean, why would they promote you just now?! Ang tagal mo nang nagte-training para sa posisyon na 'yon, a!" I said as a matter of fact.

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa akin at ang itsura'y gulat na dahil sa aking pambabawi ngayon.

He was watching me slowly as I rant aggressively in front of our finished food.

"You have so much potential in being the executive here in the main branch. Why would they send you to a growing branch, then be promoted to become the executive chef?! You deserve more than that!"

Nakita ko ang agaran niyang pagkatigil dahil sa aking sinabi. Bahagyang naghiwalay ang kanyang labi. My brows are furrowed enough to look a little bit frustrated on the news he brought me.

Ilang segundo lamang ang nakalipas ay tinutop niya ang nakaawang na labi. Mahina siyang tumikhim saka inayos ang pagkakaupo.

He looked very amused on what I have said. Nahuli ko pa ang bahagyang paggalaw ng kanyang panga na kasunod ng isang ngisi.

"They're being unfair right now! Inalis ka pa talaga sa main branch kung kailan nagpaplano nang mag-retire sa posisyon 'yong gunggong na matandang 'yon!" I ranted more, pertaining to the old executive chef in the main branch of the hotel we're working at.

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon