Kabanata 40

152 2 3
                                    

Kabanata 40

Disgraceful

Ang isang mahigpit na yakap mula sa aking likuran ang nagpagising sa akin mula sa napakalalim at napakahimbing na tulog. I groaned softly as I immediately felt the comfort of a familiar heat.

Narinig ko ang mahinang pagngisi sa aking likod nang niyakap ko ang brasong nakapalupot sa akin ng mahigpit. I snuggled in it more, trying to feel the heat more. Nang medyo kuntento na sa pagkakapantay ng lamig ng buong kuwarto at init ng brasong iyon ay sinubukan ko na muling bumalik sa pagtulog.

While I was slowly becoming comfortable once again and starting for the continuation of my deep sleep, I suddenly felt a hot breath grazed upon the back of my head. Kasunod nito ang paglapat ng isang mainit na katawan sa aking likuran.

Dahan-dahan akong napadilat dahil doon. Nawala man ang antok sa aking sistema ay nanatili pa rin ang pagiging kumportable ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin ang nasa likod ko dahil kilala ko na agad iyon.

Isang pagsinghap ang iginawad ni Raiden sa aking likod. I felt his body slowly starting to feel ease a few moments after he enveloped me in a warm embrace.

Amoy na amoy ko ang paborito kong pabango niya sa kanyang balat. The mixture of the manly and musky scent from him surely made my longing for him 'til last night thoroughly subsided.

Nakauwi na siya sa akin dito sa kanyang condo. Umalis kasi siya kagabi dahil sa kanyang shift. Naiwan akong mag-isa sa kama at natulog ng may pangungulila sa kanyang presensiya. Mabuti na lang at na-distract ko pa kahit papaano ang sarili kagabi sa panonood.

"Hmm... You're home," I whispered the obvious.

"Yeah... I'm home," he whispered back before burying his nose even more on my hair.

"Kumusta ang trabaho?" tanong ko sa inaantok pang boses.

"Nakakapagod pa rin tulad ng dati. Sinama ako nila Doc sa isang operasyon nila kaninang madaling-araw. Maayos naman ang naging takbo ng operasyon..."

Binigyan ko na lamang siya ng isang maliit na tango bilang tugon.

Inaantok pa 'ko dahil sa pagkakapuyat kagabi pero gusto ko na siyang makausap ngayon. Kaya lang ay hindi nakakatulong ang yakap niya sa akin. Hinihila pa talaga ako nito sa isa pang malalim na tulog!

"How about you? Nabagot ka ba rito noong umalis ako kagabi?"

"Hindi naman. Nanood lang ako ng TV tapos natulog na."

"You can go to work tomorrow. Nahuli na 'yong suspek."

Halos mapabangon ako sa gulat dahil sa kanyang inimporma sa akin! Napigilan lang dahil sa maskulado niyang braso na nakapalupot sa akin ngayon.

Inangat ko na lamang ang tingin sa kanya. Bahagyang nakalas ang hawak niya sa akin dahil dinungaw niya ako para masalubong ang tingin ko. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para maiharap siya.

Mapupungay ang kanyang mga mata nang matitigan ko ng maayos. Paniguradong dulot iyon ng mahaba niyang trabaho kagabi.

"Talaga?! Kailan pa?!" the anticipation in my voice was surely heard even though my voice is still kinda sleepy.

"Kagabi lang. Tumawag sa 'kin si Val pagkarating ko kagabi sa ospital."

"Nalaman na raw ba kung bakit niya nagawa sa 'kin 'yon?"

"Siguro. Malalaman ko mamaya kay Val kapag tumawag na siya muli sa akin. Iniimporma naman niya 'ko kaagad sa kaso."

"Kasama niya pa rin si Mabel?"

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon