Kabanata 6

241 10 25
                                    

Kabanata 6

Worried

"Putangina, Val! Gago, nakakahiya!"

Iyon ang unang bungad ko kay Val nang sagutin niya ang tawag ko pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay. Sobrang init pa rin ng pisngi ko at tila ba nagising ang pagod at inaantok na katawan dahil sa nangyari.

I still can't believe that I slept on a stranger's shoulder! Unconsciously! Dumadagdag lang lalo sa pagkakahiya ko nang malaman na ka-schoolmate ko 'yong lalaki!

Sana na lang talaga ay Grade 11 'yon! Nasa upper floors kasi ang mga Grade 11 kaya pakiramdam ko ay hindi siya gaanong makikita kung ganoon.

Pero same university pa rin kami ng pinapasukan! Baka mamaya ay makilala niya 'ko tapos ay i-tsismis ako sa mga kaibigan! Isang buwan pa lang simula nang bumalik ako sa unibersidad na 'yon ay kung ano-ano nang nangyayari sa akin!

[What happened?] tanong ni Val sa naaalarmang tono.

"'Di ba nag-commute ako kanina? Siyempre dahil sobrang pagod ko tapos kinulang pa 'ko sa tulog kagabi ay inantok ako n'ong pagkasakay ko sa jeep..."

[Hmm?]

"Binalak ko sana na ipikit lang saglit 'yong mata ko kasi masakit na talaga 'yong ulo ko kanina. Pagkagising ko nasa Mexico na 'yong jeep tapos nakita ko 'yong katabi kong lalaki..."

Napapikit ako ng mariin. Hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko dahil pati ako ay hiyang-hiya sa aking sarili. Nakakaloka! Bakit ba kailangang mangyari sa akin 'to?!

Dahil sa aking pagkakapikit ay pumasok na naman sa aking isip 'yong mukha ng lalaki kanina. Putangina talaga! Hanggang ngayon nakakapit pa rin 'yong amoy ng pabango niya sa buhok ko!

[Anong nangyari pagkatapos n'on?] Val asked very attentively. ['Tsaka anong lalaki, Hana?]

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. Baka sakaling medyo maibsan ang kaba ko kapag nilabas ko ang hanging kanina pa pala nakaipon doon.

"Nakatulog pala ako sa balikat n'ong lalaki ng 'di ko sinasadya! Punyeta, nakakahiya talaga!"

[You, what?!]

"Huwag mo nang ipaulit sa 'kin! Iniisip ko pa lang, gusto ko nang sampalin ang sarili ko sa sobrang hiya!"

[Kilala mo 'yong lalaki? Baka mamaya hinipuan ka n'on noong tulog ka!] he said in a very aggressive tone.

Sigurado ako na kung katapat ko lang si Val ngayon ay kanina ko pa nakita ang malalim na pagkakakunot ng noo niya.

"Hindi ko kilala pero taga-UA rin. STEM student, Val! Lagot niyan ako! Ang bilis pa namang kumalat ng tsismis. Baka bukas pagkapasok natin ay ako na naman ang topic ng dati kong mga kaklase!" I exclaimed before dropping myself on the bed.

I am so drained but my body is so awake from everything that happened today in a short span of time. Bakit ba kasi nagpumilit pa 'ko kanina na magco-commute ako? E 'di sana hindi na nangyari ang lahat ng 'to!

Iniisip ko pa lang na makakasalubong ko 'yong lalaking 'yon sa campus ay naiiyak na 'ko sa hiya. May nangyayari talagang hindi maganda kapag pinipilit ko ng todo ang gusto ko!

[I don't care about your former toxic classmates, Hana. I'm concern if that man did something to you while you're asleep!]

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa galit na tono ni Val. Napapalakas pa ang boses niya dahil doon.

Tangina, bakit ba kailangang sumigaw?! Gulat pa nga 'ko dahil sa pagsandal ko roon sa lalaki tapos gugulatin din siya ako sa galit niya?!

[Naramdaman mo ba na may hinawakan siya sa kung ano sa katawan mo? Anong itsura mo pagkagising? Hindi ba nakahawak sa 'yo ang kamay niya? Malayo ba ang agwat ng kamay niya sa katawan mo?] sunod-sunod at puno ng pag-aalala niyang tanong sa akin na lalong ikinasakit ng ulo ko.

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon