Kabanata 15

183 6 19
                                    

Kabanata 15

Heroes

"Raiden!"

Halos patakbo akong lumapit sa kanyang nang lingunin niya ako dahil sa pasigaw kong tawag. Sumakto naman na palapit na 'ko sa kanilang classroom ay doon naman siya lumabas. Hindi ko na binigyang-pansin ang mga mapapanuring mata na napatingin sa akin.

Pinasadahan ni Raiden ng mabilis na tingin ang mga iyon. Binalik naman niya kaagad ang mata sa akin. Nakakunot ang noo niya. Ang pagkamangha at gulat ay kitang-kita ko sa kanyang mukha.

I had a big smile plastered on my face as soon as I reached him. Hinarap niya ako nang tuluyan at pinanatili ang titig sa akin, not minding the attention we robbed from our batch mates.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong niya.

Sinuri niya ng isa pang beses ang kabuoan ng katawan ko. Lumapad pa lalo ang ngiti ko nang makita ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Ayos ka na ba? Sorry I left you alone there. Tumakas lang talaga kami ni Sav. Kinailangan naming bumalik kaagad dahil mamimigay si Miss ng formative."

"Hindi, ayos lang! Malaking tulong na nga sa 'kin 'yong pagbigay niyo ng pads sa 'kin," I answered in a very assuring tone. "Ako nga dapat ang maghingi ng sorry sa inyo dahil ginulo ko pa kayo ni Savannah. Nakakahiya naman..."

"Ayos lang 'yon. Mabuti na nga lang at narinig kitang sumigaw kanina."

Mabilis na pumula ang mukha ko nang sabihin niya sa akin iyon. Bakit kailangan niya pang ipaalala ang pagmumura ko kanina? Bahagya tuloy akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa ko.

Tumikhim ako para isantabi ang hiyang kasalukuyang umuusbong sa aking dibdib. Tangina! Mas nahihiya pa 'ko na narinig niya 'kong nagmura ng malakas at tinulungan ako sa biglaan kong dalaw kaysa sa mga mga malisyosong tingin ng mga taong nakapaligid sa amin!

"Thank you nga pala dahil tinulungan mo 'ko kanina. Nakakahiya naman..." halos mangatog ang binti kong sambit sa kanya.

"Normal lang 'yon. 'Tsaka sanay naman din ako dahil minsan ding nagpapatulong sila Sav and Emery sa 'kin dahil sa biglaang pagdating ng period nila."

I nodded, still feeling kind of shy in front of him.

Ang bait naman niya palang kaibigan. Pakiramdam ko tuloy ay ang suwerte nila Savannah at Emery dito kay Raiden.

Iba rin kasi kapag may malapit kang kaibigan na opposite gender. Alam ko iyon dahil sobrang lapit ko roon sa apat pero malapit din naman ako sa mga kapuwa kong babae sa dati kong school Hindi nga lang tulad ng pagkalapit ko roon sa apat.

Mahina akong napasinghap nang maalala kung ano ang balak kong sabihin sa kanya. Medyo nag-alinlangan pa dahil sa kaunting hiya na nararamdaman ko ngayon.

"Uhh... Puwede ko ba kayong ilibre ni Savannah ng meryenda? Pagpapasalamat ko lang sa inyo," mahina ang boses kong sabi sa kanya.

"Kahit huwag na. Hindi naman kami nagpapahingi ng kapalit. Simple lang ang ginawa namin, Hana. It's not a big deal."

"It is to me, though. Naabala ko kayo kanina sa klase niyo at medyo nahihiya pa rin ako dahil doon."

"Ayos lang talaga sa 'min. Hindi naman kami gaanong busy kanina sa klase ni Miss at sadyang napa-formative assessment lang siya kaya nagmukhang nagmamadali kami."

"Sige na, Raiden... Nahihiya talaga ako sa inyo, e. Hindi talaga ako mapakali. Kahit ngayon lang."

Natahimik siya saglit at tinitigan ako ng maayos. I pursed my lips as I anticipate for a positive answer from him. Unti-unting dumilim ang mukha niya nang gawin ko iyon.

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon