Kabanata 20

147 3 4
                                    

Kabanata 20

Near

Raiden:

Nandito na 'ko sa tapat ng bahay niyo.

Malakas akong napamura nang mabasa ko ang text ni Raiden habang nag-aayos ako sa harap ng tukador ng aking kuwarto. Muntik pang lumagpas ang lip tint na aking nilalagay sa labi dahil lang sa sobrang pagmamadali!

Tangina naman talaga! Kung kailan may lakad pa 'ko ay doon pa 'ko late na nagising! Mga sampung minuto lang yata akong naghanda at narito na kaagad si Raiden.

Ako na nga ang nag-suggest ng oras ng pagsundo niya sa akin ay ako pa ang huling nagising! Nakakaloka!

Linggo at ngayon niya naisipang gawin ang pambawi sa akin. Hindi ko rin alam sa gagong 'to. Sinabi ko namang kahit huwag na ay pinipilit pa rin niya! Halos magbardagulan pa kami sa chat kagabi dahil lang sa diskusiyon na iyan!

Sa huli ay wala na 'kong nagawa kung hindi ang pagbigyan siya sa kanyang gusto. Baka hindi na kami nakatulog kagabi dahil lang sa pangungulit niya sa akin!

Halos madapa na 'ko sa sobrang pagmamadali habang naglalakad palabas ng bahay. Hindi ko pa masuot-suot ang sapatos ko dahil sinasabayan ko ito sa paglalakad!

Pakiramdam ko'y naliligo na 'ko sa pawis habang kinakandado ang gate ng bahay ni Tita Evelyn. Mabuti na lang talaga ay itim na ribbed cropped top ang sinuot ko ngayon. Kung hindi ay litaw na litaw na sigurado ang pawis na bumabasa sa katawan ko.

Punyeta! Kakaligo ko lang, e! Mukha tuloy niyan akong hindi naligo dahil sa sobrang pawis!

Bago pa man ako makaharap sa kotse ni Raiden pagkatapos na makandado ang gate ay narinig ko ang pagbagsak ng pintuan ng kotse.

Pagkalingon ko ay naabutan ko kaagad si Raiden na naglalakad papunta sa passenger's seat. Binuksan niya ang pintuan at pinanood akong maglakad palapit sa kanya.

Tinatantiya ko pa ang itsura niya habang tinatahak ko ang daan patungo roon. Hindi naman siya mukhang naiinis o galit kaya medyo nahimasmasan ako.

Akala ko ay maiinis siya sa akin dahil pinaghintay ko siya!

"I'm sorry. Late akong nagising. Matagal ka bang naghintay?" tanong ko sa kanya pagkapasok niya sa driver's seat.

Medyo hinihingal pa 'ko dahil sa pagmamadali. Napansin niya iyon habang sinusuot ang kanyang seat belts. Nakatitig siya sa akin ng maayos habang ako naman ay medyo mabilis pa rin ang pintig ng puso.

Bakit ba kasi late akong nagising?! Walang kuwenta talaga ang kahit anong alarm sa akin! Dapat na talaga akong maghanap ng alarm clock na nananampal!

Humilig siya ng kaunti papunta sa aking puwesto. Binuksan niya ang dashboard at kinuha ang isang tissue box doon. Tinutok din niya ang aircon sa akin.

Halos mapabuga ako ng marahan na hininga nang tumama ang malamig na hangin sa aking balat. Kahit papaano'y unti-unti nang nawawala ang hingal ko dahil sa kanyang ginawa.

Raiden pulled out some tissue on the box. Agarang nanlaki ang mga mata ko nang ipinunas niya iyon sa aking noo. Sinubukan ko namang agawin iyon sa kanya.

"Ako na. K-Kaya ko naman," mautal-utal kong sambit.

Binigay niya sa akin 'yong tissue. Akala ko ay hahayaan niya na 'ko, kaso ay humila siya ng panibago at inumpisahan namang punasan ang aking leeg!

Nanigas ako sa aking kinauupuan. Pinanood ko siyang seryosong nakatingin sa aking leeg at sinusubukang punasan iyon. Hinawi niya pa ang mga hiblang nakaharang sa aking dibdib para lang maayos niyang mapunasan ang aking leeg!

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon