Kabanata 24

113 1 2
                                    

Kabanata 24

Compromise

Being in a relationship with Raiden is just like a fun roller coaster experience. Madalas man kaming mag-asaran tungkol sa mga bagay-bagay pero iba kung magpakilig ang gago!

Nag-umpisa na kaming maging abala ng mga Grade 12 sa aming OJT noong sumunod na buwan. Nakadagdag pa sa stress namin ang paghahanda para sa aming research!

Sa loob ng ilang araw na iyon ay halos bagsak ako sa aking kama tuwing uuwi na sa bahay. Mabuti na lamang at nagkaroon naman ako ng oras kay Raiden sa kabila ng pagiging abala naming dalawa. Simula kasi noong nalaman n'ong apat na kami na ay si Raiden na ang sumusundo lagi sa akin.

"Inaantok ka na... Matulog ka na," ani Raiden gamit ang napapaos na boses habang magka-video call kaming dalawa.

Katulad ng mga nakaraang araw ay tila ba lantang gulay na 'ko dahil sa sobrang pagod. Naiintindihan ko naman 'yon dahil naga-adjust pa lamang ang katawan ko sa sobrang stress na natatanggap nito.

Inilingan ko si Raiden kahit na kumawala ang isang mahabang hikab sa akin. Umangat ang isa niyang kilay at binigyan ako ng nagbabantang tingin.

"Pagod ka sa araw na 'to. Matulog ka na."

"Pagod ka rin naman," medyo nakanguso kong akusa sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. "Matulog na tayong dalawa kung ganoon. Bukas na lang tayo magkita sa school."

"Magkikita tayo sa school bukas? Hindi ba't may training pa tayo?" kunot-noo at puno ng kalituhang tanong ko.

"Papasok daw bukas dahil may surprise tayo sa mga teacher's. Hindi ba sinabi sa inyo 'yon?"

"Hindi ko na matandaan. Mukhang nakalimutan ko na dahil sa sobrang dami ng pinapagawa sa 'ming trabaho."

"Kaya nga matulog na tayo," he said as a matter of fact. "Lalaki lalo ang eyebags mo niyan, sige ka!"

Inismiran ko na lamang siya na ikinangisi niya ng sobrang laki na tipong narinig ko pa ito.

Sa sobrang pagod na nararamdaman ko ng gabing iyon ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Basta ang huli ko lamang na naalala ay nakikinig ako sa kuwento ni Raiden tungkol sa kalokohan na ginawa nila ni Emery sa training nila noong araw na iyon.

"Hana!"

Lumingon ako sa pinaggalingan ng boses na sumigaw ng pangalan ko. Agad akong napatigil sa paglalakad nang makita si Mabel na patakbong lumalapit sa akin.

Isang ngiwi ang nakalitaw sa aking labi habang pinapanood siyang maglakad ng mabilis. Humalukipkip ako katapos.

"'Yang sigaw mo pa talaga ang sinalubong mo sa 'kin pagkatapos ng ilang araw nating 'di pagkikita, a!" reklamo ko sa kanya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

He motioned me to stop talking for a moment. Dumuko siya saka ipinatong ang dalawang kamay sa kanyang hita na nakabaluktok ngayon habang hinihingal siya.

"Instant workout pa ang ginawa mo! Mangangamoy pawis na niyan 'yong classroom niyo kapag pumasok ka roon!" dagdag kong reklamo sa kanya.

Inangat niya ang paningin sa akin at binigyan ako ng matalim na tingin.

"Grabe ka naman sa mangangamoy pawis! Naligo pa nga 'ko bago pumasok!"

Umikot ang mata ko sa kanyang depensa. Masiyado namang defensive ang gago na 'to!

Nag-umpisa kaming maglakad ng sabay ni Mabel. Mataas ang tirik ng araw dahil tanghali kami pinapasok ng student council. Tama nga si Raiden. Pinapasok kami para isurpresa ang aming mga guro.

Dashes of Desire (La Pampanga Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon