26

320 14 9
                                    

LISA

Matapos mag-almusal ay agad akong naghanda papunta sa opisina ni Jisoo, ang abogadong kaibigan ni Chae at siya ring nag-asikaso ng mga papeles namin sa annulment.

"Are you going to Jisoo's' office?" tanong ni Jennie sa akin.

"Yes. Pasensya ka na at ikaw pa ang magbabantay kay Maddie," turan ko. Hindi kasi ako kampante na kasambahay lang ang nagbabantay  sa anak.

"No worries. I also promised her something kaya okay lang." Masayang sagot nito. "By the way, here's the new sim card. Nagpabili ako kanina kay Manang para magamit mo mamaya," dagdag pa nito. lniabot niya ang isang bagong sim card.

Agad kong inabot iyon at mabilis na iniligay sa aking cellphone. Matapos iyon ay mabilis niyang inagaw ang cellphone sa aking kamay.
"I saved my number there. Call me if you need anything," wika niya.
lsang payak na ngiti ang aking tinugon sa kanya bago ako bumaling kay Maddie na nakatayo sa kanyang
tabi.

"Be a good girl,okay?" turan ko habang masuyong hinahaplos ang kanyang pisngi.

"Yes, Mommy! I promised to be a good girl. Tita J will buy me-"

"Sshhh!" Mabilis na pigil ni Jennie sabay takip sa bibig ni Maddie. "I told you it's our secret," wika niya ng bumaling kay Maddie.

Naiilang na bumaling sa akin si Jennie na tila hindi makatingin sa akin ng diretso.

"I told you not to spoiled my daughter Nini!" Mariing turan ko sa kanya habang nakakrus ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib.
"I'm sorry, Tita J! I messed up our secret!" Namumuo ang luha na turan ni Maddie. Nanghahaba ang nguso nito sa pagpipigilng luha nitong nagbabadya ng pumatak.
Hindi ko mapigilang mapairap sa hangin. Ganito lagi ang senaryo naming tatlo sa tuwing bibilhan ni Jennie si Maddie ng bagong laruan.

"Fine!" wika ko. "Tita J can buy you toys." "Yeheey!" Masayang turan ng aking anak bago
nagtatalong sa galak.

"And you-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kay Jennie dahil nagmamadali nitong hinila papasok si Maddie sa loob ng bahay.

"See you later!" Sigaw nito habang nakangising kumakaway at nagmamadaling pumasok sa loob upang maiwasan ang sermon ko.
Naiiling na lamang akong pumasok sa loob ng kotse. Agad kong binuksan ang makina matapos kong makasakay  sa loob ng sasakyan bago ko sinimulang paandarin ang sasakyan.

liang minuto kong binabagtas ang kahabaan ng EDSA patungo sa Iugar kung saan nakalagak ang law firm ni Jisoo. Makalipas ang isang oras ay nakarating na
rin ako sa gusali kung saan matatangpuan ang opisina ni Jisoo. Matapos mag park ay agad akong nagtungo sa reception. Hindi naman ako nahirapang makapasok dahil kilala ako ng mga tao roon. Mabuti na lamang at kahit limang taon na ang nakalipas ay halos hindi napalitan ang mga taong nagtatrabaho roon.

Nagtuloy-tuloy ako patungo sa elevator at mabilis kong pinindot ang palapag kung saan naroon ang opisina nito. Agad akong sinalubong ng malawak ng ngiti ni Nayeon, ang sekretarya ni Jisoo.
"Lis! Long time to no see. Did you come here with Ch- " Hindi nito nagawang matapos ang sasabihin dahil sa babaeng kumuha ng kanyang atensyon.
"Nayeon, nakita mo ba 'yong papeles ni Atty. Sigario?" Natatarantang tanong nito kay Nayeon. "Naku! Siguradong mapapagalitan na naman ako nito." Halos maiyak na turan ng babae.

"Kumalma ka nga! Sige na tutulungan na kitang maghanap," turan ni Nayeon. "Sige, Lis. Pasok kana lang sa loob," baling niya sa akin.
lsang payak na ngiti lamang ang tinugon ko sa kanya. Hindi ko na rin siya masyadong inabala dahil mukhang abala ito sa trabaho. Agad akong dumiretso sa opisina ni Jisoo saka maagap na kumatok. Makalipas ang tatlong katok ay narinig ko ang boses ni Jisoo sa loob ng silid.

 My Wife's Secretary  (Chaelisa🐿️🦄)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon