28

459 14 10
                                    

LISA

Maaga akong nagising kinabukasan. Bahagya akong nagtaka nang hindi ako puntahan ng aking anak sa aking silid. Samantalang dati ay hindi ito maaaring bumangon nang hindi bumabati sa akin ng 'Good morning'. Marahil ay labis na nawili ang aking anak kasama ang kanyang mama, pati na rin ang kanyang lolo at lola.

Matapos magligo at mag-ayos ay agad akong bumaba sa kusina upang ipaghanda ng agahan si Maddie. Agad na kumunot ang aking noo nang mapagtanto kong masyadong tahimik ang buong bahay. Tila ba walang tao roon. Sinilip ko ang sala, maging sa hardin, ngunit wala akong nakitang kahit na sino. Ang huli kong pinuntahan ay ang dining hall.

Nahigit ko ang aking hininga nang mabungaran ko si Chae na prenteng naka-upo sa gitnang silya nang mahabang hapag kainan. Tahimik itong sumisimsim ng kape habang nagbabasa ng d'yaryo. In this digital age, mayroon pa rin palang nagbabasa ng d'yaryo.
I cleared my throat. "Good morning," kaswal na bati ko upang ipaalam sa kanya ang aking presensya.
"You're awake. Let's have breakfast," aya niya bago ibinaba ang kanyang binabasa at itinuon ang atensyon sa akin.
"W-Where's Maddie?" takang tanong ko bago umupo sa bakanteng upuan na katabi nito.
"She's with my parents. They wanted to go on a beach. Mahimbing ang tulog mo kanina kaya hindi ka na nila ginising. Susunod na lamang tayo sa kanila," kaswal nitong turan bago sumubo ng hiniwa nitong bacon.

Napatitig lamang ako sa kaniya dahil sa kaswal niyang turan. Para bang normal lang sa kanya ang ganitong set-up. Tila ba hindi man lang ito naaapektuhan ng muli naming pagkakalapit.
What are you expecting, Lisa? Hindi ka nga niya pinili noon, what makes you think na pipiliin ka niya ngayon? Bigla akong nilukob ng labis na kalungkutan matapos  ko iyong itanong sa aking sarili. I'm doing it
again. Hindi pa rin nawawala  sa aking puso ang kagustuhang mabawi ang asawa ko. Tanging si Maddie na lamang ang pumipigil sa aking maging marupok muli. Hindi na ako maaaring maging padalos-dalos sa aking mga desisyon. Kung dati ay okay lang sa akin ang masaktan, ngayon ay kailangan kong unahin  ang kapakanan ng aking anak.
"You didn't like the food? " untag ni Chae dahilan upang maputol ang malalim kong pag-iisip.
"N-No, I'm fine," maagap kong sagot bago muling itinuon ang aking paningin sa aking pagkain.

lsang nakakabinging katahimikan ang namayani sa hapag kainan. Biglang sumagi sa aking isip ang tungkol sa annulment papers namin. Ilang araw na rin ang nakalipas simula  nang pumirma ako ng bagong annulment papers namin. Kaya naman nagdesisyon akong itanong sa kanya ang tungkol doon.

"By the way, may balita na ba tungkol sa annulment natin?" tanong ko habang hindi inaalis ang aking tingin sa harap ng aking pagkain. Tila nilukob ako ng takotna tumingin sa kanyang gawi at makita  ang kanyang reaksyon.

Dinig na dinig ko ang pabagsak niyang pagbitaw sa kanyang kubyertos. Hindi ko na kailangang bumaling sa kanya upang makita ang matalim niyang mga titig dahil ramdam ko mariin niyang pagtitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit tila nabilaukan ako dahil sa kabang nararamdaman. Bakit ba pakiramdam ko ay may malaki akong kasalanan?
"Can't wait to get rid of me, huh?" malamig nitong turan bago muling bumalik sa kanyang pagkain. "Teka nga, bakit parang kasalanan ko?" inis kong bulyaw sa kanya. "Matagal na sana 'tong tapos kung sinigurado mo lang na maayos nai-file ang annulment papers natin," dagdag ko pa.

"Bakit ba atat na atat kang ipawalang-bisa ang kasal natin?" wika nito bago malakas na ibinagsak ang dalawang kamay sa lamesa dahilan upang gumawa iyon ng malakas na ingay.

Napapitlag ako dahil sa pagkagulat ngunit agad din iyong napalis at napalitan ng inis para sa babaing to.
I scoffed. "I don't get you. Hindi ba ikaw naman
itong gustong ipawalang-bisa ang kasal natin?" sumbat ko sa kanya.
"Since when did I express my intention that I want to get out of our marriage?!" ganting sigaw niya.
I hissed. "In the island. The first time that you shoved it to my face that you'll going to choose Somi over me no matter what!" sigaw ko. "Hindi ba iniwan mo nga ang mga iyon sa kwarto upang pirmahan ko?"
"First and foremost, I didn't do that!" ganting sigaw niya sa akin na labis kong ikinagulat.
Tila bigla akong naguluhan sa mga nangyayari. "W-What do you mean?'' kunot-noong tanong ko sa kanya.

 My Wife's Secretary  (Chaelisa🐿️🦄)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon