LISA
Hindi ko magawang matulog lalo na tuwing sumasagi sa aking isip ang imahe ni Chae at Somi na nasa iisang silid. Malakas ang pinakawalan kong sipa at suntok kay Somi kaya hindi na ako magtataka kung mahirapan itong tumayo. Hindi rin nakakapagtaka kung hindi ito makalakad dahil sa sakit na dulot ng tinamo nyang tama. I didn't go easy on her. Marahil ay dulot iyon ng sobrang sama ng aking loob.
Namamaga na ang aking mata dahil sa pag-iyak. Bahagya na rin itong sumasakit kasabay ng pagsakit ng aking ulo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig upang abutin ang isang bote ng tubig sa maliit na lamesa na naroon sa tabi ng aking kama. Hindi ko
mapigilang ngumiwi nang kumirot ang gilid na bahagi ng aking tiyan. Marahil ay iyon ang napuruhan ng pagsipa ni Hunter sa akin kanina.Bahagya kong iniangat ang aking damit upang silipin ang aking tiyan. Gaya ng inaasahan ay nagtamo ako ng malakas pasa dulot ng malakas na pagtama sa akin ng sipa ni Hunter. Mabuti na lamang at hindi tinamaan ang aking ribs dahil tiyak na hindi lang ito aabutin ko kung sakali.
Naririnig ko ang natatarantang boses ni Chae mula sa Iabas. Naghahanap ito ng doktor na maaring tumingin sa lagay ni Somi. lnihanda ko na ang aking sarili para sa galit ni Chae. Alam ko na ako ang sisihin nya sa nangyari kay Somi. Kung sabagay, sino pa nga ba ang sisisihin nya. Wala namang ibang may kasalanan kung bakit nasa ganoong sitwasyon si Somi kung 'di ako.
Binuksan ko ang inabot kong bote ng tubig at saka uminom mula roon. Napangiwi akong muli nang dumapi ang labi ng bote sa aking labi at masanggi nito ang aking labi na bahagyang pumutok dahil sa suntok ni Chae.
Narinig kong may humahangos na dumating patungo sa kabilang kwarto. Mabuti na lamang at mayroong isang guest na doktor ang nakacheck-in ngayong gabi kaya mayroon silang natawag upang tumingin kay Somi. Mas lalo lamang sumakit ang ulo ko dahil sa pag-iisip.
"I need a drink," turan ko sa aking sarili. Bahagya kong inayos ang aking sarili bago
nagdesisyong lumabas ng aking kwarto. Agad nagtama ang aming mga mata pagbukas ko pa lamang ng pinto. Naroon si Chae sa labas ng kanyang silid habang tuliro na palakad-lakad na tila hindi mapakali.Ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya at saka isinara ang pinto ng aking silid. Hindi pa man ako nakakailang hakbang ng marinig ko ang tinig ni Chae.
"Where are you going?" tanong nito."I just need some air," tugon kong hindi nililingon. Maglalakad na sana akong muli nang magsalita ito ulit.
"You should get yourself checked," puno ng pag-aalalang turan nito. "The doctor will be out in a second. I'll have him check up on you after she's done with Somi," wika nito.
Of course, it will always be after Somi. Palagi akong pangalawa sa kanya. Ako ang asawa pero parang ako ang nanglilimos ng atensyon. Hindi ko pinansin ang huli nyang sinabi at naderi-deritso ako ng lakad palayo roon."Lisa!!" narinig ko pang sigaw nya ngunit wala
akong balak na lingunin sya.Tuloy-tuloy akong naglakad patungo sa bar ng isla. Maraming tao roon at malakas ang ingay ng musika. I need some peace and quiet but this will do for now. Umorder ako ng isang bote ng paborito kong tequila. lnabot ko ang bayad sa bartender na naroon.
Maya-maya pa inabot na nito sa akin ang isang bote ng tequila, isang mangkok ng hiniwa-hiwang lemon, at isang palitong asin.
"Don't tell me ikaw lang iinom nyan? " wika ng baritonong boses mula sa aking likod."Nope, you're joining me," sagot ko bago sya hinila paupo sa aking tabi.
"What the f*ck happened to your face, Lis?" sigaw ni Hanbin.
Nangibabaw pa rin ang malagong nitong boses sa kabila ng malakas ng tugtugin.
"Did Chae did this to you because of what happened?" nag-aalalang tanong nya.
"Yes and no," sagot ko, "Yes, she's the one who did this but not because of what you think," paliwanag ko.
"Regardless of the reason, she doesn't have any reason to hurt you!" galit na turan nito.
BINABASA MO ANG
My Wife's Secretary (Chaelisa🐿️🦄)
RomanceThis is an adoptation and also converted story of Chaelisa based on the story My husband's Secretary Please Support my story. Credits to the right owner of the story. - It's not G!P.